Mo Twister admits Rhian Ramos is his "nililigawan"

Finally, Mo Twister admits that Rhian Ramos holds a special place in his heart. "It's really a nililigawan. Why would I deny [it]?" he tells PEP.

If you missed the story behind those pictures, it's a spoof for Paparazzi. Read PEP bloggerNoel Ferrer's story (CLICK HERE.)


Sa taping ng Paparazzi kahapon, October 9, sa Visual Lights Studio on Pasong Tamo, diretsahang inamin ng isa sa mga co-host ng show na si Mo Twister ang panliligaw niya ngayon kay Rhian Ramos. Sinagot din niya ang isyung kesyo bantay-sarado siya rito sa taping ng Ilumina at madalas na nagbabad sa set, pero, nasa loob lang siya ng sasakyan.

"I'll be honest, I visit Rhian. Not on the set, because I stay in the car. She's very busy because you know, siya ang bida ng show. Wala naman siyang oras na mag-hang-out-hang-out, katulad ng iba siguro. Depending on the role and she plays the major role."

Dugtong pa niya, "I visit her. I bring her lunch or minsan, dinner. Kimchi, sandwich. Ako na lang ang gumagawa sa bahay."

Sa Tagaytay raw ang madalas na location ni Rhian na napupuntahan niya. Kaya biro namin sa kanya, talagang all the way to Tagaytay, sinasadya niya ang Kapuso actress para lang dalhan ng lunch or merienda?

"It's love!" nakangiting sabi niya sabay ng "joke lang."

Pero ayon kay Mo, kahit daw sa taping ng Kaya ng Powers Ko, dinadalaw at dinadalhan din daw niya ito ng pagkain.

Sila na nga ba?

"No, we're not together. It's really a nililigawan. Why would I deny [it]? Of course, I'll be lying to everyone if I say that I don't like Rhian. Inaamin ko naman talaga that I like her. Inaamin ko that I buy her birthday presents, bring her food."

Pero aware ba siya na halos ang daming nag-iisip at nagsasabi na sila na naman?

"I don't know. Si Aljur [Abrenica] sa Startalk kanina, sinabi niyang may plan na siyang i-date si Rhian formally. Wala lang... she's not my girlfriend. If there's something going on, then, that's good for them. I can't control someone's life. I can't control her life. If he wants to court her, that's his prerogative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya naman, puwedeng mag-yes, okay lang sa akin. Kasama naman niya palagi, araw-araw, 24 hours a day. Siyempre, one of them may like each other or both of them [like each other].

"It's very realistic to think na baka may mag-develop sa kanilang dalawa. I can only do my part—ten minutes, 20 minutes to bring her food. If that works, okay lang, if not, what can I do?"

Gaano na siya katagal nanliligaw?

"Recently pa lang, one month lang..."

Ayon kay Mo, in the past naman daw ay talagang friends lang sila. So, we asked Mo kung paano tinanggap ni Rhian na from just being friends, heto't nagpapakita siya ng ibang interes dito?

"I don't know, you have to ask her. I mean, siyempre, hindi naman siya yung tipo na porke't nanliligaw or nagdadala ako ng pagkain, lunch or whatever, hindi naman niya sasabihing ayaw na kitang makita. She's a very nice girl.

"I don't stay very long kasi, alam ko naman na nagtatrabaho. Hindi naman ako puwedeng lumabas ng car at magtambay sa set because that's a different network."

Sinabi ba niya kay Rhian na manliligaw na nga siya?

"I don't know, hindi ko na ma-remember. Sinabi ko naman sa kanya na crush ko siya, so, hindi na siguro kailangang i-formalize na nanliligaw ko."

How serious is he?

"I already said this in all my interviews, I'm not the type of guy who will court two, three girls at the same time. I'm not the type na tipong 'yung mga relationship, mabilis lang or of short duration. Usually five years, six years... hindi naman yung tipong months."

What does he like most about Rhian?

"Well, you know, other than she's beautiful, which is very obvious, she's very smart and she's very funny. We have been friends for quite some time, so, you know, wala lang. I don't know. She's everything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nararamdaman ba naman niya na kayang i-reciprocate ni Rhian ang love niya?

"I don't know. I don't know... but it's okay. That's part of it. I think, a lot of guys like her, I'm just one of them."

Pinasagot na rin namin kay Mo ang isa pang isyu na kesyo siya raw mismo ang nagba-blind-item sa sarili niya. Tulad nga ng tungkol sa 50,000 peso-worth na dress na supposedly, ibibigay niya kay Rhian at ginawa niya munang blind item.

Pero ayon kay Mo, "It's funny. Juicy [his TV show] is light and funny. I'm here to have fun and to entertain people. Not to create news but to broadcast news in a fun and light manner. You can't be serious in this business, kasi, you know, we have to have fun."

Kagabi, nagkaroon ng birthday party si Rhian. Ayon kay Mo, ang venue ay ang place ni Bianca King. Inamin nito na siya ang sumagot sa catering.

At dahil October ang birthday month ni Rhian, every week may regalo si Mo sa nililigawang actress. Ito daw ang style niya ng pagbibigay ng birthday gift.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN