What will happen to the Dingdong Dantes-Marian Rivera love team when their teleserye Endless Love ends next week?

Dingdong Dantes appreciates a woman who is fragile and strong at the same time, like his co-star Marian Rivera. "Puwede siyang maging fragile at puwede rin siyang maging palaban. Ang maganda do'n, balanseng-balanse siya."


Si Dingdong Dantes ang natapat na maupo bilang "Tapat sa Apat" segment ng Startalk kahapon, October 9. Huling Linggo na ng kanilang primetime series ni Marian Rivera, ang Endless Love kunsaan, sila ang gumaganap sa mga character nina Johnny at Jenny.

Ang unang tanong nga ni Joey de Leon kay Dingdong ay kung sa Endless Love kailangang mamili si Johnny sa weakling na si Jenny or sa palaban na si Yumi, in real-life raw kaya, sino sa dalawang babae ang pipiliin ni Dingdong?

Ayon naman kay Dong, "Sa totoo lang, mahihirapan akong sagutin 'yan. Siyempre po ako, sa totoong buhay, mas gusto ko ang babaeng parang fragile. Eksakto na po kay Jenny. Kasi, gusto ko yung ako yung mag-aalaga."

Hindi raw ba type ni Dingdong yung parang girera?

"Puwede... kasi, sa totoong buhay, si Marian naman po, ganoon din. Puwede siyang maging fragile at puwede rin siyang maging palaban. Ang maganda do'n, balanseng-balanse siya."

Tanong naman ni Lolit kay Dingdong ay kung sa real life raw ba, pinagmumulan din nila ng away ni Marian ang selos?

"Hindi naman po..."

Pero hiniritan agad ni Lolit si Dingdong na nagsisinungaling daw ito sa kanyang sagot.

Kaya nakangiting sabi naman ni Dingdong, "Hindi pa po kasi ako tapos. Ang ibig kong sabihin, hindi yun ang pinagmumulan, pero, hindi ko rin naman sinasabing hindi nangyayari yun. Most of the time, kung nagkakaroon man ng selos, it's selos because of time. Minsan, marami akong ginagawa, so, yun lang yun."

Sabi naman ni Lolit, posible raw na yun lang ang paraan ni Marian para maipakitang mahal na mahal siya nito...

"Opo, minsan maganda rin yung may ganoon kasi kung hindi, parang sinasabi na wala kang pakialam."

Dugtong pa ni Dingdong, "But then again, kailangan balanse pa rin."

Sa Endless Love pa rin, agresibo ang character ni Andrew na ginagampanan ni Dennis Trillo. Si Andrew kasi ay makailang-ulit nang nag-propose ng kasal kay Jenny. In real life, kaya bang gawin ni Dingdong ang ginawa ni Andrew?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ng actor, "Ah, hindi, iba ako kay Andrew. Siguro sa akin, kung mangyari, one time lang. Kahit hindi na paulit-ulit. Isang sigurado na swak. Isang pasok, isang straight to the point. Isang bagsak."

Hirit naman ni Ricky Lo, noong magkaroon ng baby ang kaibigan niyang si Paolo Contis, nainggit si Dingdong. Ngayon, si Judy Ann Santos naman ang nagkaroon ng baby na close rin sa kanya. Hindi ba siya naiinggit?

Nakangiting sagot naman ni Dingdong, "Sobra, sobra! Pero siyempre, ninong po ako ng dalawa. Ninong ako ni Yohan, yung unang anak ni Juday at Ryan. Tapos kay Xonia, ninong din ako. Ipagpapatuloy ko ang pagiging mabuting ninong muna and, siyempre, isang event sa buhay ko that I'm looking forward to is having my own [children].

"And I believe, that time will come."

Nang si Butch Francisco na ang nagtanong, sinabi nito kay Dingdong na kapag mali ang naging sagot ni Dong, posible raw na maging hudyat yun ng Edsa 3, 4, 5 and 6. Ang tanong nga ni Butch ay kung ang pagtatapos ng Endless Love ay hudyat na rin ng pagtatapos ng love team nila ni Marian?

Ang naging tugon naman ni Dingdong dito ay, "Sa totoo lang, kahit ako, hindi ko po alam. Gaya naman ng nangyari dati, after Marimar akala ko hindi na kami magtatambal, but then again, dumating ang Dyesebel, Tadyang, tapos Endless Love na akala ko hindi na magiging possible.

"But then again, kung may kanya-kanya na kaming project, hindi rin naman mangyayari na hindi na magkakabalikan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN