Gwen Zamora admits scolding personal assistant in front of other people

"Sanay naman po akong magtrabaho dahil sinanay ako ng parents ko na huwag mag-depend sa ibang tao. Pero kung kumuha ka naman ng P.A. na dapat ay tutulong sa iyo pero ikaw pa rin ang gagawa ng trabaho niya, parang hindi na tama iyon," explains Gwen Zamora on why she scolded her P.A. (personal assistant).


Medyo nahuli si Gwen Zamora sa pocket interview na ginawa para sa kanya ng GMA Artist Center kahapon, October 8, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Nag-sorry siya agad sa mga naghihintay na press people, umaga na raw kasi siya nakauwi mula sa kanyang taping ng telefantasyang Grazilda.

Pagkaupo niya para sa interview, tinanong agad siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ano na ang changes sa kanya simula nang pumasok siya sa showbiz?

"'Eto, puyat po lagi, kaya problem ko ang eyebags ko," biro ni Gwen. "But I'm happy, kahit busy ako lagi dahil sa taping ng Bubble Gang, Grazilda, at shooting ng Agimat ni Enteng.

"Nakakatuwa rin na nakikilala na ako. Sa halip na Gwen, 'Cinderella' na ang tawag nila sa akin. Sa set ng Agimat ni Enteng, 'Faye' na rin ang tawag nila sa akin."

Hindi ba siya nahihirapan sa role niya as Cinderella sa Grazilda na lagi siyang naka-costume?

"Hindi naman ako nahihirapan sa role ko. Sa Tagalog ako nahihirapan kasi iba ito, malalim at iba ang pagdi-deliver namin ng dialogue, parang tumutula.

"Okay lang naman ang costume ko. Kung noon, four kinds of gowns ang isinusuot ko, ngayon, isa na lang. Mahirap lang yung petticoat, matigas. Pero naka-pants naman ako sa loob.

"It's good na hindi na masyadong mainit sa location namin kaya hindi ako masyadong pinapawisan. Mayroon lang akong isang scene na kunwari nakakulong ako sa dungeon, iyon, talagang mainit. Para akong nasa sauna. Pero after that, wala na," kuwento pa ni Gwen.

GETTING ANGRY AT P.A. May isang blind item na kumalat kamakailan tungkol sa isang newcomer na pinagalitan ang kanyang P.A. (personal assistant) sa harap ng maraming tao. May mga nagsabing ang tinutukoy raw sa blind item na ito ay si Gwen mismo. Ano ang reaksyon niya rito?

"Totoo po iyon," pag-amin ni Gwen. "Umalis po kasi iyong una kong P.A., nagbakasyon, kaya kumuha ng bago si Mommy. Hindi po ba kayo magagalit kung tuwing kailangan mo siya, tatawagin mo pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nangyari po ito sa Baguio, sa taping namin doon ng Grazilda. Ang lamig-lamig, kasi sa labas ang taping namin, kaya tinawag ko siya para humingi ng jacket.

"Pero wala, naroon siya sa van, so, ako pa ang pumunta roon para kumuha ng jacket. It's hard naman if you're working na and doing pa her job. Bakit pa ako kumuha ng P.A. kung ako rin pala ang gagawa ng trabaho niya?

"At saka hindi iyon ang first time na ginawa niya iyon. Kaya pinagalitan ko siya at si Mommy na rin ang nagpaalis sa kanya. Sanay po naman akong magtrabaho dahil sinanay ako ng parents ko na huwag mag-depend sa ibang tao.

"Pero kung kumuha ka naman ng isang P.A. na dapat ay tutulong sa iyo pero ikaw pa rin ang gagawa ng trabaho niya, parang hindi na tama iyon.

"Ngayon po, wala na akong problema kasi bumalik na iyong una kong P.A. na alam ang gagawin niya," paliwanag pa ng dalagang may dugong French, Italian, Vietnamese at Filipino.

WORKING WITH BOSSING. Mid-October daw ay matatapos na rin ang shooting niya ng Agimat ni Enteng, kunsaan siya nga si Faye, ang asawa ni Enteng. Kumusta naman katrabaho si Vic Sotto?

"Una po, kinabahan, dahil first time ko lang siyang makakasama, saka sina Ruby [Rodriguez], Jose [Manalo], Wally [Bayola], Barbie [Forteza], Joshua [Dionisio]. Saka mga anak ko sina Aiza [Seguerra], Oyo [Sotto], at Michaela [dela Cruz]. Si Amy [Perez] naman ang mother ko, si Ina Magenta.

"Later on, naiindindihan ko na rin ang humor ni Bossing Vic. Minsan tinatawanan niya ako kahit hindi ko naman siya pinatatawa," nakangiting kuwento ni Gwen.

Biro kay Gwen ng mga kaharap niyang showbiz press, ready na ba siyang ma-link kay Vic dahil laging nali-link ito sa mga leading ladies niya. Nakita na ba niyang dumalaw si Pia Guanio, ang girlfriend ni Vic, sa shooting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think naman ili-link ako kay Bossing. Hindi ko po nakita dumalaw sa shooting si Pia, pero na-meet ko na siya nang mag-guest ako sa Showbiz Central.

How about si Kristine Hermosa, ang sinundan niyang gumanap na Faye, dinalaw na ba nito si Oyo sa shooting?

"Hindi po. Pero napanood ko si Kristine dahil pinapanood sa akin ang DVD ng unang Enteng Kabisote. She's very beautiful."

Kumusta ang kissing scene nila ni Vic?

"Okay lang po, hindi naman ito passionate, pero maraming takes. Kinabahan din po ako, pero that time, pagod na rin ako, kaya hindi ko na masyadong napansin," sagot ni Gwen.

BACKGROUND ON GWEN. Born and raised in Australia si Gwen, pero six years old siya nang umuwi sila ng parents niya sa Pilipinas. Noong 14 years old siya ay bumalik muli sa Australia. Nag-aral naman siya ng acting sa Commedia Dell'Arte in Singapore.

Nang pumunta sa China ang teacher niya, isinama siya nito at nagturo roon ng stage acting for eight months. Nang bumalik siya sa Pilipinas a year ago, itinuloy niya ang studies niya ng filmmaking sa De La Salle-College of St. Benilde at nag-VTR na for commercials hanggang sa makuha ni Dr. Vicki Belo bilang bagong mukha ng Belo Essentials.

Kunsaan-saang parte na rin ng mundo nakarating si Gwen dahil sa kanyang inang Filipino-Vietnamese na nagtatrabaho sa Air France, at sa kanyang amang Italian-French na isang chef at kung saan-saan ding malalaking hotel nadedestino.

Nag-iisang anak siya, pero may mga kapatid siya sa previous marriage ng kanyang parents. Kasama niya ngayon sa Pilipinas ang kanyang mommy na si Therese at ang daddy niyang si Philippe.

Inamin ni Gwen, na may French boyfriend siya dati, na hanggang ngayon ay nakakausap pa rin niya. Sa New Zealand ito nag-aaral.

Ngayong single uli siya, kinumusta ng PEP kung may nanliligaw ba sa kanya ngayon. Very vocal kasi siya noon sa pagsasabing crush niya ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica. Hanggang ngayon ba'y crush niya pa rin ang Kapampangang binata?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Crush ko pa rin siya, pero I met someone na ka-text ko na rin ngayon," sagot ni Gwen.

Nang tanungin ng PEP kung sino ang sinasabi niyang ka-text niya ngayon, tikom ang bibig ng dalaga.

"I met him here in GMA, nang magkasabay kaming mag-guest sa isang show. I find him cute, but nothing serious," matipid na sagot na lang ni Gwen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN