Angel Locsin more relaxed now with ABS-CBN

"Dahil pangatlong taon ko na rin ito sa ABS-CBN and so I'm very comfortable and confident na, alam mo yun, na gumagawa sila ng mga proyektong may kalidad," says Angel Locsin.


Angel Locsin has learned to conquer her fears. Evident ito sa kung paano niya hina-handle ang sarili sa pagtatrabaho para sa latest teleserye-starrer niyang Imortal, opposite John Lloyd Cruz.

Naihahambing ni Angel ang sitwasyon niya ngayon sa panahong 'ika nga'y nanganganay siya at nagsisimula uli when she entered ABS-CBN at gawin ang Lobo with Piolo Pascual noong 2007.

Kumbaga, may malaking kaibahan sa kanyang pananaw at disposisyon when she did her first teleserye, and while doing her latest show.

"Mas relaxed na ako ngayon," sabi ni Angel nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment) at iba pang media sa presscon ng Imortal kagabi, October 11, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN studios.

"Mas relaxed... And siguro dahil pangatlong taon ko na rin ito sa ABS-CBN and so I'm very comfortable and confident na, alam mo yun, na gumagawa sila ng mga proyektong may kalidad.

"Yung sa Lobo kasi," patuloy ni Angel, "siyempre first soap ko sa ABS-CBN since I transferred [from GMA-7]. So, may karga-karga talaga do'n na you have to prove yourself and kailangan mong matutong i-dedma yung mga fears mo, di ba?

"And, ayun, masaya ka na lang na i-prove them [her detractors] wrong. Yung parang gano'n. Na kaya kong tumayo ulit.

"Pero siyempre, dahan-dahan. Hindi pa naman ako ganung ka-strong. Alam mo yun? Tao lang naman tayo, e, na pag nasasaling tayo, nasasaktan tayo, kailangan babangon."

ON JOHN LLOYD CRUZ. As expected, may mga tanong kina Angel at John Lloyd hinggil sa personal traits na nagugustuhan nila sa isa't isa.

Bilang mga bidang gumaganap sa papel ng otherword creatures—vampires and werewolves—may kuwelang tanong na kung sakali't totoong magiging bampira o lobo sila, sino ba ang gusto nilang kagatin upang maging imortal din ito at makasama nang habambuhay?

John Lloyd answered it's Angel Locsin, "for the reason na gusto ko siyang maging kaibigan habang buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Angel, hindi nagbanggit na gusto niyang kagatin si John Lloyd. Pero sabi niya, "Siyempre, gusto kong makasama nang matagal-tagal itong si Lloydie. E, yung best friend ko kasi, kakakasal lang."

Walang binanggit si Angel na name ng best friend niya "na kakakasal lang."

THE BETTER KISSER. Between Piolo, na leading man niya sa Lobo, and John Lloyd, na kapareha naman niya sa ongoing teleserye Imortal, who is the better kisser para kay Angel?

Nangiti si Angel bago niya sinagot ang tanong. "Kasi medyo nakakalimutan... Siguro maganda kung ita-try ko pa rin pareho," aniya.

"Ayokong mag-compare. Pareho silang... Masaya akong nagkaroon ako ng opportunity na makatrabaho si Piolo. At ngayon, 'eto naman, si Lloydie, na inantay ko rin ng isang taon.

"Masaya na po ako na nagkaroon ako ng chance na makatrabaho sila," sabi pa ng young actress.

Ano ang mga katangian ni John Lloyd as a person na natuklasan ni Angel sa kasalukuyang pakikipagtrabaho sa aktor?

Ang naging sagot ni Angel sa tanong ay may kinalaman sa pagiging makapamilya ng actor-leading man.

"'Pag ganitong edad kasi na nag-aartista ka na, usually hiwalay ka sa pamilya mo, magbubukod ka," sabi ni Angel.

"Si John Lloyd, mahal na mahal niya yung pamilya niya kaya nadagdagan yung respeto ko sa kanya. Bihira sa panahon ngayon yung marespeto sa magulang, mapagmahal sa pamilya."

Bukod sa nabanggit na endearing traits ng aktor, meron ding nakakatuwang physical trait ni John Lloyd na nai-share ni Angel sa dumalong miyembro ng entertainment press.

"Mabango parati," nakangiting sabi ni Angel na mismong si John Lloyd, na katabi niya, ang tinanong: "Wala ka talagang ibang amoy?

"Ako kasi," ani Angel, kapag daw puspusan na ang ginagawang pagtatrabaho niya sa maghapon, maiisip niyang, "'Teka, baka amoy-araw na ako.' Pero si Lloydie, ang bango pa rin niya lagi. Parang napakalinis niya sa katawan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON DIREK CHITO ROÑO. How is it working with director Chito Roño, na siyang head ng team na nagha-handle ng Imortal (with alternate directors Jerry Lopez Sineneng and Trina Dayrit)?

"Wow, si Direk Chito, sobrang genius!" papuri ni Angel. Unang pagkakataon ito na makatrabaho niya ang multi-award-winning TV and movie director.

"With Direk Chito, pag kinukunan yung eksena, una, hindi mo maiintindihan. Bakit parang...ganito, ganyan? Pero dahil Chito Roño siya, at alam mong henyo, sinusunod mo. Pero pag pinanood mo na, 'Wow, ganito pala siya!'

"Sobrang maa-appreciate mo. 'Ganito pala yung hitsura.' Yung gano'n. Isa siya sa masasabi kong pinakamatalino at pinakamagaling na direktor ng henerasyon natin."

Sa pelikula, hindi pa nakakaganap si Angel sa isang Chito Roño film. And she'd love to do one.

"Sana. But actually, wala pa naman sa aming inilalatag nang pormal," saad ng aktres.

REUNION WITH HER EX? Kaugnay pa rin ng ongoing drama series, kung magiging isang imortal si Angel sa totoong buhay at makakaroon ng pagkakataong umibig at magmahal, sino nga ba sa mga ex-boyfriends niya ang gusto niyang makasama nang habambuhay?

Si Oyo Sotto, si Luis Manzano, o kung sakali't ma-reincarnate sa ibang katauhan, si Miko Sotto kaya?

"Mahirap na 'yon," mabilis na tugon niya. "Di ba, kaya nga tinawag na ex?

"Mahirap magsalita ngayon ng tapos. Siguro, mag-focus na lang tayo sa future kung anong mangyayari, di ba?"

Para pa rin kay Angel, there's no turning back kapag natapos na ang isang kabanata ng buhay niya. No ifs whatsoever kung in the future ay may gusto uli siyang makasama sa mga naging bahagi ng buhay niya.

"Mas maganda kasi kung memories ang ite-treasure mo," wika ni Angel. "Kasi, para yung mga pinagsamahan n'yo noon... iba yun, e. Hindi mo na masasabi kung papa'no pa kayo in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And may mga ex ako na puwede ko naman ngayon... Di ba? Alam namin, na mas okey kami nang gano'n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN