Luis Alandy feels no need to defend himself against Mo Twister's accusation

"For me it's non-issue pagdating sa ganun. Kasi pag may sasabihin ako, may sasabihin na naman yung kabila.... So whatever he wants to say dun, may radio show siya, may talk show siya... Kung ano yung gusto niyang sabihin, bahala siya," says Luis Alandy about Mo Twister's claim that he went rough on him during a basketball game.


Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Luis Alandy sa sinabi ni Mo Twister na diumano'y pinisikal siya ni Luis sa isang basketball game. Diumano'y sinadya raw ni Luis ang pananakit kay Mo. (CLICK HERE to read related story.)

"I don't want to talk about it anymore," iwas ni Luis. "Wala na ring dapat pag-usapan dun. I don't want to make things complicated anymore.

"It was just a simple basketball game. He has shows, so he has the freedom to say whatever he wants. Natatawa na lang ako."

Nakausap ng PEP si Luis sa presscon ng pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Beauty Queen kagabi, October 12, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Pero ayaw niya bang ipagtanggol ang sarili niya?

"I don't feel like I need to defend myself kasi looking back doon sa PEP article, if you read the comments, you know... Ayoko rin kasi na may nasasabing bad about him. Kasi he doesn't deserve it also," saad ni Luis.

Ano ang masasabi niya na sinadya niya raw ang pananakit kay Mo?

"Nangyayari naman talaga yun, e. Basketball yun, it's a physical game, di ba? Di ba, when you watch a basketball game, normal yun? It's a contact sport.

"Marami namang nandun sa game kaya malalaman naman nila... Alam naman ng mga nandun kung ano yung totoo."

Nagalit ba siya kay Mo dahil sa mga sinabi nito on TV at sa mga interviews?

"Hindi ko na lang pinapatulan. For me it's non-issue pagdating sa ganun. Kasi pag may sasabihin ako, may sasabihin na naman yung kabila.

"Sa akin, may show siya. So whatever he wants to say dun, may radio show siya, may talk show siya... Kung ano yung gusto niyang sabihin, bahala siya."

Sa tingin niya ba ay nagagamit siya ni Mo para pag-usapan lalo na't meron itong bagong pelikulang ipalalabas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No. Sabi niya nga, why would he use me, e, mas sikat nga raw siya sa akin," sabi ni Luis.

FROM FRIEND TO FOE? Dating magkaibigan sina Luis at Mo, kaaway na ba ang turing niya kay Mo ngayon?

"I don't consider him as a foe. Ang dami na kasi niyang nasabi about me and you know hindi naman nila mapatunayan."

Wala bang effort sa kanila para mag-usap at ayusin ang gusto nila?

"Wala. I'm just casual about everything. I've been civil kung anuman ang nangyari. Para kasi sa akin it's non-issue. It's just a basketball game. Sa Star Olympics nga, ang daming nangyayaring ganyan, pero hindi naman nagiging big issue."

Magkakabati pa ba sila?

"At the right time siguro," maikling tugon ni Luis.

Paano kung bigla silang magkita somewhere, ano ang magiging reaksiyon niya?

"I don't know. Siguro kung anuman yung maramdaman ko at that time. Sa akin naman, hindi ko pinaplano yung mga ganyan. Kung magkita, magkita."

Wala bang kinalaman ang babae sa kanilang gusot ngayon? Nababalita kasi na pinopormahan ni Luis ang ex-girlfriend ni Mo na si Andi9. May ibang isyu pa na inili-link si Luis kay Rhian Ramos na close naman kay Mo.

"Babae? Wala, walang ganun. I'm still single," sabi ni Luis. "And besides, kung may babaeng involved, why would I bring her sa ganitong gulo? Yung isyu kay Andi9 and kay Rhian, hindi ko alam kung saan galing yun."

May message ba siya for Mo?

"Wala. Wala akong masasabi," sagot ni Luis.

PRIMETIME HUNK. Aminado naman si Luis na nagulat siya sa title na ikinabit sa pangalan niya nang ipalabas ang audio-visual presentation (AVP) ng Beauty Queen sa presscon nito kagabi.

Tinawag kasi siyang "Primetime Hunk" sa AVP. Kaya agad hiningi ng PEP kay Luis ang reaksyon niya rito nang ma-interview siya after ng presentation ng cast ng Beauty Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat nga ako e," sambit ni Luis. "Nung nagre-rehearse kami [for the press presentation], tapos sinabing 'Primetime Hunk,' medyo napalunok ako nang malalim.

"Kasi, alam mo yun, this is my first primetime after a year siguro. My last was Luna Mystika. Puro afternoon kasi ako and ang huli ko yung Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. And then yung Lovebug.

"After a year, this is my first primetime. So, I'm happy din na the network acknowledges my contribution and talent."

Nape-pressure ba siya sa "Primetime Hunk" title?

"Hindi naman, kasi I always work out naman," sabi niya. "Pero I'm not doing that for any title but more on the health reasons. And I need to keep my body fit and healthy kasi artista tayo.

"It's for my career also. At saka sports-minded naman tayo. I also run din."

Kung tutuusin, bagay naman kay Luis ang title niya dahil lagi siyang nakakasama sa listahan ng sexiest men sa showbiz. Sa Beauty Queen nga ay may mga eksena siyang topless.

"Well, there are somes scenes talaga na required ako to go topless. Wala namang problema sa akin to show more skin. It's not new to me.

"You know, as an actor, kung ano yung ibigay na role, kung ano yung ibigay na character, yun ang kailangan kong bigyan ng justice."

Sa lumabas ngang Folio magazine, si Luis ang pinaka-daring among the actors na nag-pose nang sexy. Paano siya napapayag to go nude sa pictorial?

"Na-shock nga ako during the pictorial na ganun pala yung ipapagawa sa akin," sabi ni Luis. "But I always keep in shape naman. At saka kinausap din ako ng bagong manager ko, si Noel Ferrer, and I trust him naman in terms of my career."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN