Ruffa Gutierrez on Smartmatic president Cesar Flores: "I think we're really better off as friends."

"We never had a relationship.... I admire him as a person and sa tingin ko, maganda na maging magkaibigan lang kami," says Ruffa Gutierrez about Smartmatic president Cesar Flores (inset).



Palaisipan ang naging pahayag ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi noong Linggo, October 10. Nagpahiwatig kasi ang actress-TV host na wala nang chance na mauwi sa totohanang relasyon ang magandang samahan nila ng Smartmatic President at Venezuelan businessman na si Cesar Flores.

Mariing sinabi ni Ruffa na magkaibigan lang talaga sila ni Cesar kasunod ng pag-amin nitong tumanggi ang nasabing foreigner sa interview niya para sa hinu-host niyang showbiz talk show sa TV5.

Nang pinalinaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ruffa ang tunay na estado ng samahan nila ni Cesar, ito ang kanyang sinabi:

"We never had a relationship. I think we're really better off as friends. I admire him as a person and sa tingin ko, maganda na maging magkaibigan lang kami."


LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Ano ba ang naging problema at parang malabo nang mauwi sa mas malalim na relasyon ang kanilang samahan?

"Wala namang problema," sagot ni Ruffa. "It's just right now, I'm really focusing on my kids. Wala akong time para sa isang relationship, sa panibagong relasyon.

"But then again, I'm not closing my doors to the possibility of falling in love one day. As of now, hindi ko pa alam kung sino yun, yung taong magpapatibok ng puso ko ulit."

Naging mahirap ba sa kanila yung pagiging showbiz personality niya at ang pagiging pribadong tao ni Cesar?

"Ay, hindi naman. Wala namang problema," sabi niya.

"And also because Cesar is moving to Hong Kong early next year. Mahirap naman yung long-distance relationship.

"It was never a problem before. But now, mas gusto ko talaga na nandito sa Pilipinas."

Isa ba yun sa kinunsidera niya, kung sakaling nagkatuluyan sila?

"Yeah, because I'm based her in the Philippines. I think I'm gonna be based here for three to four more years because of my contract. So, I want someone to be here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not getting any younger," patuloy ng 36-year-old actress-TV host. "Even if it worked for me before, now, pagod na ako.

"Ayoko na ngang long-distance. And mas type ko talaga kung hindi man siya Pilipino, dito sa Pilipinas sana nakatira."

Ang tinutukoy ni Ruffa rito ay ang dating Turkish husband niyang si Yilmaz Bektas, na nakatira sa Istanbul, Turkey.

JUST BE FRIENDS. Sino ang nagdesisyon na maging magkaibigan na lang sila ni Cesar?

"Ako," sagot ni Ruffa. "Dinecide ko na friends na lang because like I said, malaking factor din yung wala akong panahon ngayon.

"I'm really focused on my kids [Lorin and Venice]. Kasi international school na ang dalawang anak ko. Ang mahal-mahal kaya ng bayad ng school, 'no! Kaya kailangang pumasa at kailangang high grade sila, 'no!

"So, yun muna ang inaasikaso ko kaya wala akong time. Ayaw ko muna ng lovelife-lovelife, 'no!"

Ano ang naging reaksiyon ni Cesar nang sinabi niyang friends na lang sila?

"Wala namang problema. Wala namang problema sa kanya. I'm sure there's a lot of beautiful women also that will admire him."

ANNABELLE'S REACTION. Ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ay pabor kay Cesar na maging boyfriend ng anak kung sakali mang mauwi sa relasyon ang kanilang friendship. Ayon kay Annabelle, si Cesar ay "matalino, respetado, at may matatag na hanapbuhay" na kayang buhayin ang kanyang anak.

Ano ang naging reaksiyon ng kanyang ina sa naudlot na pagkakatululyan nila ni Cesar?

"Hindi siya nanghinayang. Wala namang panghihinayang. Basta, for me, right now, hindi na tumitibok ang puso ko right now kahit kanino," sabi ni Ruffa.

NO COMMENT. Nang tanungin naman namin si Ruffa tungkol sa na-link sa kanya noon na si John Lloyd Cruz at sa balitang siya raw ang dahilan ng pagseselos ng girlfriend nitong si Shaina Magdayao, tumanggi nang magsalita si Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anything about John Lloyd, hindi ako magsasalita," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN