Iza Calzado feels the pressure of carrying a primetime soap

"Nakakatuwa lang dahil napakarami mo talagang puwedeng gawin bilang isang artista, and it's truly a gift, I believe so, to be able to fill in the shoes of so many individuals," says Iza Calzado.


Although nasa kanya ang height, beauty, and brains, never in her life na nasubukan ni Iza Calzado na sumali ng isang beauty contest. Kaya natatawa itong sumagot when asked during the press conference of GMA-7's new primetime series Beauty Queen last Tuesday night, October 12, how does it feel to be a beauty queen now?

Ani Iza, "Hindi ko alam kung ano talaga ang feeling ng beauty queen kasi hindi naman talaga ako sumali ng pageant. Pero bilang si Maita San Miguel sa aming teleserye na Beauty Queen ay masayang-masaya po ako.

"Kinakabahan ako dahil first time kong gumanap ng ganitong role at medyo maraming pressure in terms of physical aspect.

"But also, not just in that aspect, yung drama part niya, siyempre ilang taon na rin po akong napapanood sa telebisyon. Iniisip ko kung paano kaya bibigyan ng bagong atake, bagong magugustuhan ang aking mga tagapanood.

"At siyempre, iniisip ko rin kung paano ko pagbubutihin pa ang aking pag-arte," tuloy-tuloy na sabi ni Iza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press.

First time lang din na ginawa ni Iza na mag-two-piece sa harap ng kamera at ito ay para sa promo ng Beauty Queen. Pero ayon sa aktres, "Ayoko nang ulitin, tama na!"

Bakit naman may period na agad?

"Hayaan mo na, okay na 'ko, nagawa ko na naman. Checked na," sabi niya.

Kung pagbabasehan naman ang feedback, lalo na sa malaking billboard ng Beauty Queen sa harap ng GMA Network Center kunsaan naka-two-piece silang tatlo nina Katrina Halili at Maggie Wilson, maganda naman ang feedback. Pero bakit ayaw na niyang mag-two-piece ulit?

"Thank you very much po sa inyong lahat, pero hindi rin naman pala ako ganoon kakumportable. Pero, masaya naman ako. Nabigyan ako ng pagkakataon at saka nagawa ko ang bagay na yun," saad ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEAUTY QUEEN. Hindi ba niya pinangarap na maging beauty queen noong bata pa siya?

"Siguro noong grade school ako," sagot ng 28-year-old actress. "Pero, honestly, noong nag-umpisa akong mag-gain ng weight, hindi ko na siya inisip. Kahit na noong pumayat ako, lalong hindi ko na siya inisip.

"Masaya na lang ako na pangarap siya ng nanay ko na hindi niya magawa because she was like 5'1". She's very short and she wanted me to be a beauty queen, which of course did not happen, hindi nag-materialize.

"And it's just amazing that, now, I am given a chance to portray a character that my mom's always dreamed I would become one day. Ang galing!

"Nakakatuwa lang dahil napakarami mo talagang puwedeng gawin bilang isang artista and it's truly a gift, I believe so, to be able to fill in the shoes of so many individuals."

May favorite beauty queen ba siya?

"Wala po akong masasabing favorite beauty queen kasi hindi ko naman napanood lahat. Pero right now, si Venus Raj, kasi na-meet ko siya. Tuwang-tuwa ako sa kanya.

"Pero honestly, of course, my favorite has to be the two Filipina Miss Universe, which are Ms. Gloria Diaz and Ms. Margie Moran. Kasi, talagang they were able to represent the country very well and talagang sagot pa lang nila, game over na."

PRESSURE. May pressure ba on her part since ang co-star niya na rito sa Beauty Queen na si Maggie Wilson ay nag-compete na sa Miss World at baka makumpara sila?

"She's helping me... You know, I've known Maggie since she was 15? Of course, I will be compared to her. But come on, guys, she joined the pageant. And she's like super petite.

"And for me, there are things na talagang she has her assets. I have my own. I have my own strength.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the end of the day, I must not let it get to me kasi people will always try to attack us in all points, different sides. Talagang kung mahahanapan nila ng butas, kung puwedeng tirahin yung samahan, gagawin.

"Ako naman po, ang trabaho ko rito, bukod pa sa maging beauty queen ay paiyakin kayo. Pasiyahin kayo. Sana, ma-in love din kayo sa mga konting kilig na eksena namin.

"Yun po ang tunay na trabaho ko, bukod po sa maging beauty queen," pahayag ni Iza.

May pressure ba sa kanya pagdating naman sa ratings ng kanyang pinagbibidahang soap?

"Siyempre po, lalo na noong maging primetime," sagot niya. "Hindi naman ako... I won't lie here that there's no pressure. Of course, there's pressure. But I can only do so much."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN