JC de Vera admits visiting Danita Paner but cannot say if he's courting her

"Sa dinami-dami na ng relationships na pinagdaanan ko, parang ayoko nang maulit uli before. Ayaw ko lang ng papalit-palit pa. I'm just making sure na kung anuman itong pinapasok ko, I'm just making sure na it's worth it," says JC de Vera about reports that he is courting leading lady Danita Paner.


Hindi na bago sa pandinig ng publiko ang pagli-link sa bida ng lalabas na teleserye o pelikula. Kaya naman hindi na kami nagulat sa balitang nagkakamabutihan na raw ang mga bida sa TV5 series na My Driver Sweet Lover na sina JC de Vera at Danita Paner.

Sa presscon ng nasabing serye sa The Grove, Rockwell kagabi, October 14, ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC kung nililigawan ba niya talaga si Danita.

"Well, si Dan, kasama ko siya every day," sagot niya.

Pero hindi sinagot ng young actor ang aming tanong kaya inulit namin sa kung umaakyat na ba siya ng ligaw sa kanyang leading lady?

"Si Tita Daisy [Romualdez, ina ni Danita], sobrang bait sa akin... Pumunta ako sa bahay nila at si Tita Daisy dumadalaw sa taping namin," tugon ni JC, na hindi pa rin sinasagot ang aming tanong.

Positibo naman ang deskripsyon ni Daisy kay JC. Ayon sa dating aktres, napakabait na bata raw ng aktor at nirerespeto ang kanyang anak na si Danita.

Friendly visit lang ba ang rason ng pagdalaw ni JC kay Danita sa bahay nila o may intensiyon siyang paibigin ang dalaga?

"Hindi ko masabi kung friendly visit, pero parang... Kayo na lang ang magsabi, basta araw-araw akong..." bitin pa ring sagot ng binata.

JC LIKES DANITA. Pero aminado si JC na gusto niya si Danita.

"Gusto ko siya. Basta gusto ko siya," maikli niyang sabi nang tanungin kung bakit nagustuhan niya ang rocker turned actress.

Gusto ba niyang maging girlfriend si Danita?

"Sa dinami-dami na ng relationships na pinagdaanan ko, parang ayoko nang maulit uli before. Ayaw ko lang ng papalit-palit pa. I'm just making sure na kung anuman itong pinapasok ko, I'm just making sure na it's worth it.

"Ngayon nga, kung pumupunta ako sa bahay nila Dan, it's also because na may respeto ako kina Tita Daisy," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya natatakot kay Tita Daisy na kilalang girera at outspoken pagdating sa kanyang anak?

"Hindi. Matatakot ka lang kung pangit yung intentions mo."

Bakit hindi niya masabi kung nililigawan niya si Danita?

"Hindi na uso yung ligaw ngayon, e," sagot ni JC.

Pero gusto mo siyang maging kasintahan?

"Ang hirap magsalita ngayon, nahihirapan akong magsalita ngayon," iwas niya.

Kung hindi niya nililigawan si Danita, masasabi bang may mutual understanding na sila nito?

"Hindi na rin uso ang MU," sabi ni JC. "Basta, we go out all the time. We always talk.

"Yung pag-uusap namin, beyond friendship na. Kasi ano na, e, may emotions involved na, e, kaya hindi na talaga masabing friends lang kayo."

Mahal niya ba si Danita more than just a friend?

"She's more than a friend," sagot ni JC. "Hindi mo puwedeng sabihing mahal mo kasi isang buwan pa lang kayong nagte-taping. Alam mo yun?" ngiti niya.

THEY GO WAY BACK. Paano ba nagsimula yung pagdalaw-dalaw niya kay Danita?

"Si Dan, ever since nakilala ko na siya way back 2003 pa. Na-introduce na ako sa kanya. Unfortunately, hindi kami naging close that time kaya ngayon gina-grab ko lang yung opportunity na katrabaho ko siya.

"Lumipat siya kay Tita Annabelle [Rama]. Nakakasama ko na siya araw-araw," sabi ni JC, na alaga rin ng nasabing talent manager.

Kailan niya naramdaman na gusto niya pala si Danita?

"Si Danita, kahit itanong ninyo sa kanya, ever since, nandiyan na 'yan, e. Nandiyan na siya.

"Nagkaroon ako ng sarili kong relationship, nagkaroon rin siya ng iba. Siguro pinagtagpo lang kami. Kumbaga, unplanned lahat.

"Tapos, sobrang dami naming common friends na nakakasama ko. Nakakasama rin niya. Before na nag-start yung show, yun, nagkikita na kami sa labas," kuwento ni JC.

Posible bang si Danita na ang gagamot sa sugatan niyang puso dulot ng breakup nila ni Rhian Ramos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ka puwedeng mag-compare. Ang gusto ko lang talaga sa kanya, totoong tao siya. Mahihirapan kang makahanap ng katulad niya kasi hindi nga showbiz.

"Hindi naman siya artista dati pa, e. Lumaki siya sa showbiz because of her mom, si Tita Daisy. Pero hindi siya talaga showbiz," sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN