Kris Aquino happy about James Yap and his rumored date with Isabel Oli

Kung may hihilingin si Kris Aquino, ito ay ang huwag na sana magkasakit muli ang mga anak na Joshua, 15, at Baby James, 3.

"Tama na... Kasi, di ba, last year, dengue, this year, hand-foot-and-mouth disease? Next year, tama na po. Quota na kami," pahayag niya.


Nagbigay ng pahayag si Kris Aquino ukol sa mga naganap na "date" ng dalawang lalaki sa buhay niya: ang asawang si James Yap at ang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

May usap-usapang nakita umano na nakikipag-date si James sa aktres na si Isabel Oli noong isang linggo sa isang mall. Bagamat itinanggi na ito nina James at Isabel sa magkahiwalay na interbyu, hindi na rin napigilan ni Kris magbigay ng kanyang panig.

Sa report na inere sa TV Patrol ngayong gabi, October 15, sinabi ni Kris na masaya siya na nakikipag-date na ang kanyang asawa. Nagsampa na si Kris sa korte ng nullification of marriage nila ni James.

"I praise God and I thank God... for that. Kasi, the quicker he moves on, and the faster na meron siyang magustuhan talaga, hindi na niya pahihirapan yung annulment," prangkang sabi ni Kris sa panayam ni ABS-CBN reporter Marie Lozano, sa set ng Dalaw, ang entry ng Star Cinema sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Dagdag pa niya, kilala raw niya si Isabel sa mga commercials nito sa TV. "She's really very pretty," sabi ni Kris.

Sa pagde-deny naman ni James, ito ang komento ni Kris: "Siyempre ide-deny niya! Katabi niya yung lawyer niya."

Ang tinutukoy ni Kris ay ang legal counsel ni James na si Atty. Lorna Kapunan.

ON NOYNOY'S DATE. Ngunit pagdating sa nababalitang pakikipag-date ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino sa isang babeng nagngangalang "Barbie," ayaw magkomento ng Queen of All Media.

"Napagsabihan ako talaga na, 'May I remind you, ikaw ang bunso. So when it comes to my romantic life, hindi ikaw ang dapat nagbibigay ng advice," kuwento niya tungkol sa habilin ng kapatid na lalaki.

"He's single! Di ba? So he's allowed to date," ang siyang tanging nasabi ni Kris.

Maganda naman ang mensahe niya para kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad, na napabalitang break na kay Pangulong Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman ang pupuntahan nilang dalawa, naging mabait naman si Shalani sa aming lahat, so I also wish her happiness," sabi ni Kris.

May balita namang napapalapit na ang Pangulong Aquino sa stylist nitong si Liz Uy. Tumanggi rin si Kris na magbigay ng kanyang opinyon dito.

"Ultimately, buhay nila 'yan, at malalaki na sila. Mahirap magsalita, kasi nga sobrang closeness namin," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN