Ruby Rodriguez says she's not leaving Eat Bulaga! on the Kapuso network for My Driver Sweet Lover on TV5

Ruby Rodriguez reveals one of the many reasons she joined The Biggest Loser Asia: "Parang ang inisip ko nun, 'A, ito ang sitcom ko ngayon or ito ang soap ko. Magwu-workout ako, papayat na ako, binabayaran pa ako.'"


Ang unang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ruby Rodriguez sa presscon ng My Driver Sweet Lover sa The Grove sa may Pasig City last Thursday, October 14, ay kung iiwanan na ba niya ang Eat Bulaga! na mapapanood sa GMA-7.

"Of course not," ang mabilis na sagot ni Ruby.

First time kasi ni Ruby na gumanap sa isang regular show sa ibang istasyon.

"Yes, very first," sambit niya. "Kasi usually, yung shows ko, nanggagaling dun sa istasyon kung saan nakabahay ang Eat Bulaga!"

MY DRIVER SWEET LOVER. Sa tagal niya sa Eat Bulaga!, ngayon lang siya lumabas ng GMA-7 at ito ay sa My Driver Sweet Lover ng TV5.

Gumaganap dito si Ruby bilang Yaya Tabs, ang yaya ni Gabrielle portrayed by Danita Paner, ang love interest ng bidang si Rocky, portrayed by JC de Vera. Mapapanood ito simula sa October 25, Lunes hanggang Biyernes.

Paano napapayag si Ruby to accept the offer?

"Ang manager ko [Malou Choa-Fagar] ang napapayag!" tawa ni Ruby.

"Unang-una, maganda yung role, in fairness. Sasabihin nila, 'Yaya ka na naman?' Pero ibang klaseng yaya ito, fashionista. Yaya, at the same time, sekretarya, at saka magkabarkada kami, binibihisan nila ako.

"So, it's a big role. Pangalawa, wala naman akong ibang shows, e. Yung last na ginawa ko sa GMA, yung Basahang Ginto, pero guest character lang ako. Pumasok ako on the twelfth week.

"Tapos, may mga iba akong soap na nagawa dun pero puro ako guest characters... katulad nung kay Rhian Ramos at JC de Vera, Lalola.

"Isa lang ang nagawa ko dun na teleserye na mula umpisa hanggang huli na nandun ako. Yung My Only Love nina Rhian at Mark Herras para sa Dramarama nila sa hapon. Yun lang yung buo.

"This is the first time for me to do a series na primetime, na buo, from beginning main cast, at nasa labas ako ng GMA at ng ABS-CBN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ORIGINAL KAPAMILYA. Sa ABS-CBN siya unang napanood ng publiko sa defunct TV comedy series na Okay Ka, Fairy Ko, na pinagbidahan nina Vic Sotto at Alice Dixon.

"Una, nasa IBC 13 yun, di ba? Wala pa ako noon. Nung nag-ABS, dun ako pumasok sa Okay Ka," pagbabalik-tanaw ni Ruby.

So, original Kapamilya pala siya?

"Oo!" bulalas niya. "Di ba, Bulaga naman nandodoon dati? Nag-Bulaga ako, nasa Dos pa ang Bulaga.

"Kaya lang kasi ano, e, parang hindi mo mahahalata na ganun na ako katagal. Kasi nga, parang masaya lang."

Ilang years siya sa ABS noong nasa Kapamilya station pa ang Eat Bulaga?

"Nag-start ako sa Bulaga doon sa ABS, 1991. Then, lumipat ang show sa GMA, 1994, '95, parang ganyan."

Pagkatapos nito?

"GMA na!" sambit ni Ruby. "So, all the shows na ginawa ko na... Nag-Daddy Di Do Du kami, GMA 'yon. Tapos puro guestings na ako sa mga ibang shows or sitcom nila.

"First ko ito, first-ever [teleserye] ko ito on primetime," ulit niya.

Eighteen years na siya sa Eat Bulaga! Hanggang kailan siya mananatili sa top-rating noontime show?

"Hanggang kailan nila ako gusto! Hindi ako aalis."

TRIPLE TALENT FEE? Triple raw ang talent fee niya sa TV5 kaya siya pumayag?

"Ay, hindi naman, hindi naman... Hindi, hindi."

Pero mas malaki kaysa GMA-7?

"Hindi rin," sagot niya.

Iyon ang notion ng marami sa mga artista, na kaya nakukuha sila ng TV5 ay dahil sa napakataas na TF. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi, kasi in fairness to my manager, si Ms. Malou, kami ni Keempee [de Leon, na alaga rin ni Malou], ang rate namin pareho sa lahat. Hindi kami yung, 'Uy teka, take advantage tayo, taasan natin dito!'

"She plays fair at saka hindi kami mamahaling artista na akala mo madudugo, wiz!"

THE BIGGEST LOSER ASIA. Pinagkuwento naman namin si Ruby tungkol sa naging stint niya sa reality show na The Biggest Loser Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakapasok ako sa Top 30. Kami yung original na pumunta sa Malaysia nung October last year," banggit niya.

Dahil sa pagsali niya, pansamantala siyang nawala sa Eat Bulaga! at bumalik na lang basta.

"Kasi nga, secret 'yon. Nasa contract na you can't talk about it. E, ngayon tapos na, you can talk about it na.

"So I was one of the Philippine representatives. Sa 30 na 'yon, pipili lang sila ng 16 na papasok sa loob.

"Unfortunately, bago nagkapilian, kinausap na ako ng producers. They really wanted me in the 16 finalists pero may conflict sa contract ko.

"Kasi iisa lang ang contract noon, e, for everyone. Yung contract na yun, pang-ordinary person. Yung hindi nasa showbiz. Sa contract [nila] may managerial [clause], may ganun. E, hindi puwede, may manager na ako."

Iyon ang conflict?

"Oo at saka meron akong TV show, meron akong endorsements, may mga bawal na endorsements. Sabi ko, sandali, hindi puwede. But they wanted me in, kaya they made a separate... another contract for me. So, I have two contracts.

"They wanted me in the [16 finalists] but because there was a conflict in the contracts, they couldn't take me in. So, before nagkapilian, alam ko na hindi ako makakapasok sa loob."

Ayaw raw ni Ruby na iwanan si Malou at ang Eat Bulaga! at ayaw niyang bitiwan ang endorsements niya. Pag pumirma kasi siya ng kontrata ng TBLA ay magiging under contract siya, if ever, sa mga producers ngshow.

"Ako na mismo yung may ayaw. Buma-backout na ako, ayaw nila. Kaya pumayag sila ng amendment para lang makapasok ako, na magamit nila ako sa promo nila.

"Kasi nga... Kumbaga, kilala ako sa Pilipinas. Tapos maraming OFWs kilala ako. So ako yung gamit sa promo sa ibang bansa."

Pero hindi na nga siya nakapasok sa final 16.

"Hindi na ako kasama, out na ako. Kaya umuwi agad ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero binigyan nila kami ng trainers dito, ganyan lahat, exercise. Kaya nga from 238 pounds nung pumasok ako doon—ang laki-laki ko na talaga—ngayon, nandodoon na ako ulit sa 175 to 180 pounds.

"Kaya lang, naglalaro kasi, kumakain kami, kasi ayoko namang i-deprive yung sarili ko.

"Nung finals noong March [of this year]... Yung 16 siyempre, merong Top 4 doon, tapos yung mga natanggal na iba, pumili sila ng Top 4 who were sent home who succeeded in losing weight. Isa ako sa Top 4 at bumalik ako sa Malaysia nung finals.

"Pinarampa lang kami ulit, na 'eto na yung itsura nila. Even if they were sent home, they lost the weight."

Kung natuloy siya sa TBLA, ano sa palagay niya ang mangyayari?

"Ang sexy ko!" bulalas ni Ruby.

Pero nakilala siyang malusog na komedyana at host, willing ba siyang pumayat ng todo?

"Hindi," sagot niya. "Meron akong certain weight na hinahabol lang. Gusto ko lang bumagsak hanggang mga 160-155. Mataba 'yon kasi kailangan yung mataba ka pa rin sa TV, pero kapag nakita ka sa personal, maganda na yung itsura mo, yung healthy lang.

"Kasi may back problem na ako, e. Yung slipped disc, kaka-tumbling... alam mo yung mga ginagawa ko.

"So, nag-therapy ako ng isang buwan dito. Habang nag-e-exercise ako, nagte-therapy ako. Yung hinihila ako, tina-traction yung katawan mong ganun. Dahil sa sobrang bigat ko, lalong sumakit. So I really had to lose the weight."

Isa raw iyon kaya niya naisipan na sumali sa TBLA.

"Kaya nga ako pumunta dun. Parang ang inisip ko nun, 'A, ito ang sitcom ko ngayon or ito ang soap ko. Magwu-workout ako, papayat na ako, binabayaran pa ako.' Parang ganun ang nasa isip ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN