Is Keempee de Leon tired of playing gay roles?

Kimpee de Leon explains why he's playing another gay role. "Sa Lady Dada, drag queen ako. Dito sa [My Driver Sweet Lover, I play] a fashion designer, na best friend ni Danita [Paner], na sosyal... Kumbaga all-star cast ito, pero kailangan niya ng medyo senior na artist na pang-comic relief, para may kabatuhan siya. So, hindi naman ako nagdalawang-isip."


Second project ni Keempee de Leon sa TV5 ang primetime series na My Driver Sweet Lover (MyDSL), na pinagbibidahan nina JC de Vera, Richard Gomez, at Dina Bonnevie. Ang unang project niya ay ang comedy series na Lady Dada kunsaan nakasama niya si Ryan Agoncillo.

Wala namang problema kung magtrabaho man si Keempee sa Kapatid network kahit na identified siya bilang host ng Eat Bulaga! ng GMA-7 at TAPE, Inc.

"Hindi naman ako exclusive contract [artist] ng GMA," sabi ni Keempee sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng MyDSL sa The Grove sa may Pasig City last October 14.

"Kumbaga, ibinigay sa akin ang Lady Dada, three to four months ago. Tinanong muna ako ni Tita Edlyn [production unit manager of TV5] kung may ginagawa ako sa 7.

"Sabi ko, wala pa, after nung Full House, with Richard [Gutierrez] and Heart [Evangelista]. That was five or six months ago.

"Sabi niya [Ms. Edlyn], 'Okay ba sa 'yo na gumawa ka sa 5?' Sabi ko, 'Okay lang. Kayo na lang ni Tita Malou [Choa-Fagar, Keempee's manager] ang mag-usap.

"So, okay naman, naging maayos naman yung usapan. Nagpaalam naman ako kay Ms. Bang Arespacochaga ng Channel 7, one of the PMs there.

"So, nag-regular ulit ako sa Eat Bulaga! Then dumating nga yung [project ng] Channel 5. So, okay naman.

"Hindi naman ako nawala sa Eat Bulaga! Actually, mga twice a week lang ako, Wednesday and Saturday. Tapos ngayon naging daily na ulit ako."

Paano ang arrangement ng schedule niya sa Eat Bulaga?

"Iyon, si Tita Malou, alam niya yung schedule ko. Siya yung nagte-text sa akin kung ano yung call time ko bukas, mga ganun.

"So, automatic na 'yon, na hindi ako makakapag-Eat Bulaga! Let's say tomorrow kasi may taping, so excuse na 'yon."

Halos pareho ng set-up si Keempee at ang ama niyang si Joey de Leon. May shows din kasi sa TV5 si Joey, na isa sa pioneer hosts ng Eat Bulaga! bukod pa sa ibang shows nito sa GMA-7 tulad ng StarTalk at Mel & Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong naman ng PEP si Keempee: What if magkaroon ng sariling noontime show ang TV5 at i-offer siya na maging regular host nito — at malaki ang offer — iiwanan ba niya ang Eat Bulaga?

"A, siguro hindi, hindi. Kumbaga, 'yon yung bumuhay sa amin, e, di ba? Dun nag-start ang dad ko, and 'yon ang bumuhay sa pamilya namin.

"Hindi naman sa tine-turn down ko yung, let's say, kung may offer man na noontime show [ang TV5]. Pero priority-wise, bilang utang na loob na rin for Mr. [Tony] Tuviera, second family na rin namin yun, so I guess hindi... Eat Bulaga! talaga."

Sa MyDSL, gumaganap si Keempee bilang si Von, na best friend ni Gabrielle (Danita Paner). Bading na naman ang role niya rito. Kaya tinanong namin siya kung hindi ba siya nagsasawa sa gay roles.

"Hindi," sagot niya. "Iba naman sa Lady Dada, drag queen ako dun. Dito, [I play] a fashion designer, hindi drag, na best friend ni Danita, na sosyal!"

"Kasi si Tita Edlyn before i-offer sa akin itong MyDSL, nung Lady Dada pa lang, tinanong niya ako, nagpi-preview siya kung ano yung mga dapat suot, ganun.

"Sabi niya, 'O, baka ipasok ka namin dito sa show ni Danita Paner, kasi kailangan niya ng best friend.' And yun, kumbaga all-star cast ito, pero kailangan niya ng medyo senior na artist na pang-comic relief, para may kabatuhan siya. So, hindi naman ako nagdalawang-isip.

"Tapos sabi niya [Ms. Edlyn], 'Kaso gay role ulit ito.' Sabi ko, 'Whatever it takes... I mean, if that's work, trabaho yung lumalapit sa akin, hindi ko naman kailangang tanggihan kasi grasya yun. So, okay lang, walang problema.'

"Pero nagsabi rin naman ako kay Tita Edlyn. Sabi ko, 'Tita Eds, if ever may next project, gusto ko, ano naman ako, mag-kontrabida.' Tapos nagbigay ako ng isang character na gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, 'Sige, sige, ayusin natin 'yan. Sabihin natin.' Para maiba naman. Mapahinga naman tayo dun sa [gay roles]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN