Gerald Santos relaunches stalled recording career with new album

Gerald Santos says his career was in limbo when he was with GMA-7. "Honestly po, nakakatampo po talaga dahil doon sa nangyari. Kumbaga, di po nila masyadong nagampanan yung role na dapat sana ginawa nila. Pero wala na po sa akin yun. Naka-move on na ako. Naka-focus ako ngayon na magkaroon ng hit song, na mabigyan ng break any time."


Muling ni-launch ang recording career ni Gerald Santos, ang 2006 Pinoy Pop Superstar winner ng GMA-7. Inilabas na ang self-titled album niyang Pinakahihintay, The Repackaged Edition. Ang carrier single nito ngayon ay ang awiting "Hindi Sapat Ang Minsan."

Last 2008 pa inilabas ang nasabing album na may carrier single na "Hanggang," isang Wency Cornejo masterpiece na siyang ipinanalo ni Gerald sa Pinoy Pop Superstar. Pero dahil nagkaroon ng problema sa property rights, tinanggal ang nasabing song at nagdagdag na lang sila ng tatlong kanta sa album.

Early last year nang muli itong nilabas, pero muli itong binawi sa market dahil nagkaproblema naman sa distribution.

Umaasa si Gerald na mapapansin na ang kanyang album lalo't isang major record label na ang distributor nito, ang Polyeast Records.

Napangiti naman ang 19-year-old singer nang mausisa namin ang isang awiting sinulat niya para kay Rhian Ramos.

"Two years ago na po yun, e!" natatawa niyang sabi. "'Yan po yung 'Kailan Masasabi.' Kasi po crush ko siya nung time na 'yon.

"Nagkasama kami sa isang event, so parang 'kailan ko masasabi itong pagtingin.' Iyan yung linya sa song.

"Puppy love lang yun. Two years ago [pa yun], I was 17 years old at that time... Wala na.

"Pero hindi natin mai-deny na napakaganda po ni Rhian. Hindi mawawala yung crush ko sa kanya.

"Hindi ko po nasabing direkta yung gusto kong sabihin. Pero kinanta ko po yung song sa kanya sa SOP kaya nalaman po niya," kuwento ni Gerald.

Nasa poder na ngayon ng TV5 si Gerald at regular siyang napapanood sa Sunday musical-variety show na P.O.5. Pero bago ito, ilang taon ring naging talent ng GMA-7 si Gerald. Aminado naman siyang parang walang nangyari sa kanyang career sa dating home network.

"Opo, sobrang disappointed dahil maraming panahon ang nasayang. Pero natanggap ko na po yun. Sinasabi nila na bata pa naman ako. Kumbaga, marami pang panahon to make up sa dapat kong nakamit nong time na yun," pahayag ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong launching ng album niya last Friday, October 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron ba siyang pinanghihinayangan na dapat ay ginawa niya para umusad ang kanyang career?

"Wala po akong pinagsisihan," sagot ni Gerald. "Kasi po, talagang ginawa po namin ang lahat para po umusad nang magandang-maganda ang career ko."

Kung wala siyang naging pagkukulang, masasabi bang nagkulang ang Kapuso network sa kanya?

"Honestly po, nakakatampo po talaga dahil doon sa nangyari. Kumbaga, di po nila masyadong nagampanan yung role na dapat sana ginawa nila.

"Pero wala na po sa akin yun. Naka-move on na ako. Naka-focus ako ngayon na magkaroon ng hit song, na mabigyan ng break any time."

Ano ba ang ina-asahan niyang dapat ginawa ng GMA-7 para sa kanyang career?

"Magkaroon ng hit song," sabi niya. "Siguro aktor na po ako ngayon kung nagtuluy-tuloy yung proyekto sa GMA at established na sana ako."

Tinanong niya ba ang kanyang sarili kung ano meron o wala sa kanya at hindi bumongga ang career niya dati?

"Ang dami kong naging tanong no'n, e. Parang dumating na ako sa point na sinisisi ko yung sarili ko. 'Ano bang ginagawa mong mali at ganito ang nangyayari?'

"Iba po ang dahilan kung bakit nangyari ang gano'n. Kahit yung mga taong nakapaligid, yung mga taong nagmamahal sa akin, sinasabi nila na, 'Wala kang ginagawang mali, you're doing your part, you're doing your best.'

WHO IS RESPONSIBLE? Isang tao ang posibleng rason ng hindi pag-usad ng career ni Gerald. Ayaw niyang sabihin kung sino pero napatawad na raw niya ito.

"Wala na po sa akin yun. Kung ang Diyos po marunong magpatawad, ako ba hindi?"

Ayaw nang isa-isahin ni Gerald ang mga nawalang opportunidad sa kanya dahil sa tinutukoy niyang indibidwal, pero alam niyang may kinalaman ito. Pinagsisihan niya bang nakilala niya ang tinutukoy niyang tao?

"Hindi naman po. Napakaliit po ng mundo ng industry natin. Hindi ko pinagsisihan dahil isa po siya sa... " pinutol na niya ang sasabihin para hindi na matukoy ang sinasabi niyang tao na nasa showbiz din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nakakalungkot po at ganun nga po yung nangyari," pahabol niya.

Paano kung makita niya ito o makasalubong sa isang okasyon o sa isang lugar?

"Hindi ko po alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Siguro depende po sa magiging reaksiyon niya."

Parte raw ng pagmu-move on ni Gerald ay ang kalimutan na ang ginawa sa kanya ng tinutukoy niyang indibidwal.

"Happy na po ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Gaya nga po ng nasabi ko kanina, freelancer kami. Ang sarap ng pakiramdam na lahat puwede kami makipag-negotiate.

"Open din yung communication namin with ABS-CBN. Hopefully, maging maganda po yung negosasyon. At sa ngayon, technically ako po'y Kapatid," tukoy ni Gerald sa kanyang bagong home network.

Pero wala pang kontrata si Gerald sa Kapatid network.

"Sabi po nila, marami pang changes na ginagawa sa TV5. Yung music pa lang nila ay P.O.5 pa lang. Nakikipag-usap po kami na handa na po akong umarte. Hindi po natin alam baka very soon, pumirma po ako ng kontrata."

Anong pagkaka-iba ng buhay niya noong nasa GMA-7 at ngayong nasa ibang network na siya?

"Noon po kasi, parang napaka-harsh na ng athmosphere, e. Nakaka-intimidate na pong masyado yung nakakasama mo, yung mga taong nakapaligid. Parang ang sikip-sikip na ng mundo mo.

"Ngayon, dito sa TV5, sa lahat ng pinupuntahan namin, iba ang tingin namin, iba ang tingin sa amin. Mabait. Maluwag na maluwag yung tingin sa akin. Ngayon, maluwag rin kaming nakakakilos at nagagawa po namin yung trabaho."

NOSE ISSUE. Isa pa sa issue kay Gerald dati ay ang pagpapaayos umano niya ng ilong. Itinanggi naman ito ng young singer.

"Wala pong gano'n!" natatawa niyang sabi. "Sinasabi ko nga po na dito ako nakilala kaya hindi ko po gagawin yun.

"Hindi ko alam kung saan po lumabas yung ganong isyu. Kasi naman before po, wala po talagang nag-aalaga sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nitong nakaraan, I was with Belo. Pero ngayon po ay na kay Calayan. Naalagan po nila ako talaga.

"Nag-trim down po ako ng weight kaya mas defined yung face ko ngayon. Kasi dati ang taba ko, e," paliwanag niya.

Natutuwa si Gerald sa positive reviews na natatanggap niya, na mas humusay pa siya ngayon kumpara noon.

"Ngayon ko po uli narinig yung mga ganyang compliments. Nakakataba po ng puso. Sana magtuluy-tuloy na po.

"Saka isa pa, nagkaroon ako ng sarili kong individuality as an artist. Hindi na ako ikukumpara ke ganito o ganyan.

"Gusto ko pong dumating yung point na 'eto si Gerald Santos, eto ang style niya. Pag narinig ninyo ang kantang ito, si Gerald 'yan. Pag napanood ninyo siyang mag-perform, tatak Gerald yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN