Newbie actress Cai Cortez admits giving up on stressful relationship with Baron Geisler

"Alam ni Baron how much I cared for him. Hindi ko siya iniwan during those trying times ng buhay niya. Pero dumarating din sa point na na-burnout ako. Napagod na rin ako sa kakatanggol sa kanya," says Cai Cortez about ex-boyfriend Baron Geisler.


Tuluy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ni Cai Cortez, ang anak ng veteran actor na si Rez Cortez. Bagamat nagsimula siya sa entablado, naengganyo na rin si Cai na subukan ang paggawa ng pelikula at TV dramas.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 22-year-old newbie sa press launch ng kilig-serye ng TV5 na My DSL: My Driver, Sweet Lover, sinabi niyang malaki ang impluwensiya ng kanyang amang si Rez sa pagpasok niya sa showbiz. Bata pa lang daw si Cai ay interesado na siya sa mga ginagawa ng kanyang ama, lalo na ang pakikipagtrabaho nito sa mga malalaking artista at mahuhusay na direktor.

"Hindi nga ba ang tawag nila sa daddy ko ay 'the greatest rapist of Philippine Cinema!'" malakas na tawa ni Cai. "Lahat daw kasi ng mga sikat na leading lady sa showbiz ay dumaan sa mga kamay ng daddy ko. Lahat sila ni-rape ni daddy sa pelikula.

"Pero kahit ganyan ang image ni Daddy noon sa pelikula, proud ako sa kanya kasi he's such a responsible dad. And he has so many friends in the business.

"Everybody has good words for my dad. Kapag may nakikilala ako na kasabayan ng dad ko noon, magaganda ang mga sinasabi nila about him.

"That's when I realized na you can be a good person pala in showbiz. You don't have to be riddled with controversy para makilala ka o magustuhan ka ng mga tao.

"With my dad," patuloy ni Cai, "wala siyang nilokong tao, wala siyang inagrabyado or nagawan ng masama. Kaya he inspired me to also be part of this business."

SEX SYMBOL IN THE '70S. Bukod sa pagiging kontrabida ni Rez sa mga pelikulang ginawa niya, naging male sex symbol din ito noong '70s. Pero never daw na nakita ni Cai ang sexy pictorials noon ng kanyang ama. Kahit na raw ang ibang pelikula ni Rez kunsaan nagpa-sexy ito ay hindi pinapanood sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've seen yung comedy movies ni Dad, like Annie Batungbakal, Bongga Ka 'Day, Ibalik Ang Swerti, Burgis, Jack En Poy... Even yung mga action movies that he did with Fernando Poe Jr., Rudy Fernandez, and Bong Revilla.

"Would you believe, I haven't seen the movie Insiang [1976]? Yung stage play lang ang napanood ko, but not the movie.

"Many of my friends from the theater, mostly yung mga bading, sinasabi nila na ang sexy daw ng daddy ko sa Insiang. Lalo na raw yung mga scenes niyang naka-brief lang siya!" tawa ulit ni Cai.

"But of course, my dad wouldn't want his kids to watch a movie kunsaan naka-underwear lang siya. Siguro someday mapapanood ko rin ang Insiang. Huwag lang ngayon kasi baka magalit si Daddy."

SIZE DOES NOT MATTER. Unang nakilala si Cai sa indie film na Maximus & Minimus kunsaan gumanap siya bilang isang overweight girl na sexually active. Lumabas din siya sa mga pelikulang Paano Na Kaya?, And I Love You So, at Here Comes The Bride kunsaan nagkaroon siya ng kissing scene at bed scene with John "Sweet" Lapus. Kasama din siya sa drama series ng ABS-CBN na Kristine.

Ang maganda kay Cai ay hindi nito ikinahihiya ang kanyang plus-size figure na ang vital statistics ay 42"-38"-42". Proud nga siya sa kanyang katawan at never daw siyang na-insecure.

"Bata pa lang ako, mataba na talaga ako, e. Never akong naging payat talaga. And I come from a family na tabain talaga. Kaya hindi na ako nasasaktan kapag tinutukso ako na mataba or baboy kasi totoo naman.

"Sabi nga ng mommy ko, hindi na baleng mataba ako, maganda naman ang mukha ko. Yun na lang daw ang pambawi ko.

"'Tsaka nag-uumapaw ang confidence ko. I can get away wearing sexy clothes pa rin. I have no inhibitions kasi. This is who I am and I am proud of it," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero balang-araw daw ay gusto ring dumaan sa liposuction ni Cai.

"I will undergo lipo for health reasons," sabi niya.

"If my doctor tells me na I have to lose weight because it will be good for me, I don't mind going under the knife. Kung yun ba ang ikatatagal ng buhay ko sa mundong ito, magpapa-lipo ako.

"But now, hindi pa naman kailangan. I'm still healthy at marami akong nagiging trabaho because of my figure now. Bukod sa movies, stage plays and TV shows, may ginawa akong commercial at magkakaroon pa ako ng billboard. Ang saya, di ba? Nangyari lahat 'yan all because of the figure that God gave me."

SHAKY RELATIONSHIP. Sa usapang lovelife, inamin ni Cai na she's dating. She goes out with different men and she enjoys meeting different people.

Ayaw munang magkaroon ng serious relationship ni Cai after ng kanyang naging "shaky relationship" with actor Baron Geisler.

Nakarelasyon ni Cai si Baron for two years. Inamin ni Cai na sobra siyang na-stress sa relasyon nila dahil sa magkakasunod na sexual harassment cases ng aktor.

Naroon si Cai nang pinagdaanan ni Baron ang kaso niya kina Yasmien Kurdi at sa anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizhia Martinez.

Sabi ni Cai, pakiramdam niya ay tumanda siya nang husto sa pagtatanggol niya kay Baron sa mga nanghuhusga rito. Every time na lang daw na kinukuwestiyon ang pagiging bad boy ni Baron ay parating to-the-rescue si Cai.

"Alam ni Baron how much I cared for him," sabi niya. "Hindi ko siya iniwan during those trying times ng buhay niya. Pero dumarating din sa point na na-burnout ako. Napagod na rin ako sa kakatanggol sa kanya.

"Kasi nga, hindi pa tapos ang isa, may sumunod na naman. Kumbaga, sinisimulan ko pa lang siyang ipagtanggol sa una niyang problema, biglang meron na namang bago. Napagod ako talaga and I literally gave up on him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Cai, nangamba raw ang kanyang ina at mga kapatid sa kung ano pa ang puwedeng gawin ni Baron. Ayaw nilang madamay pa si Cai sa mga pinaggagawa nito.

"Okey si Baron sa family ko, pero umabot na nga sa punto na natakot na sila sa kanya. Hindi na raw worth it na mag-stay pa ako sa relasyon ko with Baron kasi nakikita nilang umiiyak ako, nai-stress ako.

"I didn't want to leave him, pero he needs to face these problems by himself. He needs to grow up."

Si Cai raw ang nag-initiate ng pakikipaghiwalay kay Baron.

"Tinigil ko na ang anumang communication ko with him. At kapag dumadalaw siya sa bahay, nagtatago ako. Sinasabi na lang ng mommy ko na wala ako.

"So, doon na nag-start ang paghihiwalay namin. I felt bad but it's for the best for both of us," saad niya.

Wala naman daw maipipintas si Cai sa ugali ni Baron bilang boyfriend. Very sweet daw ito at napaka-thoughtful. Perfect na raw sana ang samahan nila kung hindi lang daw ito nasasangkot sa mga gulo.

"Friends pa rin naman kami ni Baron. After all that happened, we are still friends naman. And I always want him to be happy and alam ko na malalagpasan niya ang lahat ng mga naging problema niya," sabi niya.

THEATER ARTS. Hindi pa natatapos ni Cai ang kanyang kursong Theater Arts sa University of the Philippines. Pero magsi-shift raw siya sa Business Management.

"Gusto ko sanang tapusin ang Theater Arts, pero nandito na kasi ako sa showbiz. I'm doing na what is required na sa kurso na 'yon. Kaya gusto ko na lang ng ibang kurso.

"I thought of Business Management kasi may gusto akong itayong negosyo balang-araw kapag malaki na ang naipon ko. Showbiz naman is not forever, di ba? Kaya as early as now at kumikita na ako, ipon lang nang ipon for the future."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN