Tom Rodriguez freelancing between ABS-CBN and TV5

"Yung lovelife, matitiis mo kasi alam mong dadating. Yung homesickness ang hindi mo matiis kasi mahal mo na yun. Yung lovelife, mamahalin mo pa lang," says Tom Rodriguez.


Masuwerte si Tom Rodriguez dahil may kalayaan siya to work for both ABS-CBN and TV5.

Bagamat mas identified siya sa Kapamilya network, being one of the former housemates of Pinoy Big Brother Double Up, kasama ngayon si Tom sa first primetime series ng TV5, My DSL: My Driver Sweet Lover, na pinagbibidahan nina JC de Vera at Danita Paner.

"In a way, parang nagpi-freelance ako between ABS and 5," sabi ni Tom sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My DSL.

"Sa ngayon, yung contract ko for one year [sa Star Magic], I think mag-e-end and we're talking about renewing it. May option ako to renew for another year. I'll be talking to Tito Boy [Abunda], I'll be talking to Mr. M [Johnny Manahan] din."

Si Tom ay magkatulong na mina-manage ni Boy at ng Star Magic.

"With Star Magic naman," patuloy ng actor-singer, "I'm very thankful that they accepted this offer [MyDSL], that I was given my very first soap na parte ako. Very thankful ako. First primetime soap na naisali ako, so I'm glad na regular ang project."

VOIZBOYS. Member ng all-male singing group na VOIZBoys si Tom, along with Nico Antonio, Guji Lorenzana, at Jay-R Siaboc.

Tinanong namin si Tom kung totoo ang balitang pasaway sa grupo si Jay-R. Ayon kasi sa balita ay lagi raw itong tulog, late sa shows, at tamad mag-rehearse. Dahil daw dito kaya kinaiinisan na nilang tatlo si Jay-R.

"Hindi ganun, walang ganun," tanggi ni Tom. "Hindi kami naiinis kay Siaboc. Sa totoo nga, ang sarap kasama nun, e. Wala namang naiinis sa kaya.

"Hindi naman ayaw niya mag-rehearse, hindi ganun. Kasi, sino ba naman ang ayaw ng trabaho? Lalo na si Jay-R, gustung-gusto niyang kumanta. Any chance na kumanta siya, he will take it.

"It was a rough ano... it was a personal... Hindi ganun. I know Jay-R. I consider him a friend and a brother and I talk to him extensively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ganun. Parang ano lang, nagka-rough patch lang. Kasi inaalagaan niya ang pamilya niya sa Cebu. Parang siya lang yung breadwinner nila doon, so it was just a rough patch.

"Hindi naman ayaw niya, kasi he lives far away, e. Las PiƱas siya nakatira, so naano lang... May time lang na nasiraan siya ng kotse, so mahirap talaga mag-commute," pagtatanggol niya sa kasamahan.

TOM'S LOVELIFE. Kumusta naman ang kanyang lovelife?

"Yun nga lang, 'yon ang nakakalimutan!" natatawang sabi ni Tom. "Wala halos time. Madalas alas-otso na ng umaga ako natatapos [sa taping]. So, matutulog na lang then trabaho na ulit."

Kailan siya huling nagka-girlfriend?

"Siguro before, me and Ces parang tried din. Kino-court ko siya, parang niligawan ko siya dati." Ang tinutukoy Tom ay ang kasamahan niya sa PBB na si Princess Manzon.

Sabi pa ni Tom, "Tinray ko siya niligawan, pero may point din naman siya na, 'Bakit liligawan mo ako, e, hindi nga tayo nagkikita?' Dahil nga sa trabaho.

"We're so very close. Pero may point nga naman siya na bakit ite-take one step further kung bihira lang kami magkita."

Pano niya nakakaya na walang lovelife?

"Yung trabaho," sagot ni Tom. "Hindi mo mapi-feel dahil sa trabaho. Kasi ang kalaban ko ngayon is homesickness, e, kesa sa lovelife.

"Yung lovelife, matitiis mo kasi alam mong dadating. Yung homesickness ang hindi mo matiis kasi mahal mo na yun. Yung lovelife, mamahalin mo pa lang."

Kailan ba siya huling nagka-girlfriend?

"Siguro before tinray ko ligawan si Princess, yung sobrang seryoso, sa States pa. Sa States pa ako huli nagkaroon ng seryoso na girlfriend. And after nun wala, e, just dating-dating."

Kinakaya naman daw ito ni Tom.

"You find time naman to see people, to see ano...like casually dating, ganun. Kung merong oras. Pero sa ngayon, exclusive. Like me and Ces, we still try to go out kung may time kami. Lalabas kami, manonood ng sine, magdi-dinner."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, meron na silang mutual understanding?

"Oo, parang ganun," pagsang-ayon ni Tom. "Kasi, yun nga yung point niya na mahirap i-take to the next level din naman. Kasi sabi niya, a traditional boyfriend-girlfriend get to find time for each other, make time for each other. Pero kung hindi dahil sa trabaho, unfair sa dalawang parties na ganoon.

"So, sa ngayon, kuntento na ako na I have someone na parang you have someone special. Pero at the same time, you have enough time and energy na ibubuhos mo yung sarili mo sa trabaho mo."

HOMESICK. PEP found out na napaka-close pala ni Tom sa kanyang pamilya na nasa U.S. kaya lagi siyang nahu-homesick.

"Lahat ng family ko nasa States. Mag-isa lang ako dito mula pa noong PBB...tawag-tawag na lang ako," banggit niya.

"Sa set nga minsan, kinakantiyawan nila ako. Kasi natutuwa sila, kasi mga pamangkin ko, ido-drawing ko, ii-sketch ko yung mga pamangkin ko.

"May picture lang nila ako sa iPad ko tapos ido-drawing ko lang. Parang nagmumuni-muni na lang.

"Lalo na ngayon, yung ate ko nanganak. September 19 she had another daughter, and it's the first time na wala ako doon para makita at yakapin yung pamangkin ko.

"Yung mga ganung moments ang nami-miss ko kaya nakaka-homesick talaga na parang sana nandoon ako, or nandito sila," saad ni Tom.

Nasa Arizona ang family niya at ang ate niyang nanganak ay sa Texas nakatira.

"Sa sobrang close ng family namin, lumuwas pa ng Texas ang ate ko. Pumunta ng Arizona para manganak, para magkakasama sila doon," nakangiting kuwento ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN