Kris Bernal willing to help Koreana leading men Rocco Nacino and Steven Silva reach the top

"Sa totoo lang, dahil nga sa show namin, pinag-aralan ko yung Korean culture. Parang ang sarap magkaroon ng mga kaibigan na Koreano at ang sarap din sigurong ma-involve sa mga Koreano. I mean, masarap magkaroon ng mga kaibigan at kakilala na Koreans," says Koreana star Kris Bernal.


Sa GMA-7 afternoon soap na Koreana ay gumaganap si Kris Bernal (as Jenna) bilang anak ng isang Koreano (played by Marco Morales) at isang Filipina (Angelu de Leon).

Sa dami ng Koreans dito sa Pilipinas, hindi naman kataka-taka na magkaroon ng relasyon ang isang Korean at isang Filipino. Given a chance, and probably by faith or destiny, handa ba si Kris na magkaroon ng relasyon and eventually ay makapangasawa ng isang Koreano?

"Ako po? Puwede. Kasi interesting kasi yung mga Koreano, e," sabi ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aniya pa, "Sa totoo lang, dahil nga sa show namin, pinag-aralan ko yung Korean culture. Parang ang sarap magkaroon ng mga kaibigan na Koreano at ang sarap din sigurong ma-involve sa mga Koreano. I mean, masarap magkaroon ng mga kaibigan at kakilala na Koreans.

"Kung sa pag-aasawa, hindi pa natin masasabi, bata pa ako, wala pa sa isip ko ang tungkol sa pag-aasawa. Pero kung mangyayari 'yon, bakit naman hindi? Marami namang Pilipina na ang asawa nila Koreano, or mga Pilipino na Koreana ang asawa nila.

"At saka kasi dito sa Pilipinas, siyempre marami na ring Koreans dito, di ba? So, ang sarap pag-aralan ng kultura nila."

NEWCOMERS AS LEADING MEN. Maituturing na mga baguhan pa ang mga leading men ni Kris sa Koreana na sina Rocco Nacino at Steven Silva, na parehong produkto ng StarStruck V, kumpara kay Kris na galing din sa Batch 4 ng naturang artista search ng GMA-7.

And since parehong baguhan ang leading men ni Kris, aasahan ng marami na tutulungan at hihilahin ni Kris pataas ang career ng dalawa. Okay lang ba ito kay Kris, na nakapagbida na sa maraming soaps ng Kapuso network?

"Ay, okay lang po sa akin," sagot ng young actress. "Ito po yung first show nila na bida talaga sila. So, ako, gusto ko 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi gusto ko samahan sila sa journey nila papunta...sa pagkataas ng career nila kasi dumaan ako sa ganun, e. Na sana, magtulungan kami. Na magtulungan kaming maghilahan pataas, hindi pababa.

"Nag-uusap-usap naman po kami sa set, sa taping, at kumportable na po ako sa kanila. At sana nga makatulong po ako sa kanila. Kasi, kitang-kita ko sa kanila kung gaano nila gustong sumikat, na talagang pursigidung-pursigido silang magtrabaho.

"Tulungan kami, na sana walang mahilang pababa," pahayag ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN