Heart Evangelista on boyfriend Daniel Matsunaga: "We're very blessed to have each other."

"You know, nothing is certain in life. So, ini-enjoy ko na lang. Ini-enjoy ko na lang ang moment and, you know, if it doesn't last, at least, you know, I have experienced something wonderful," says Heart Evangelista about relationship with boyfriend Daniel Matsunaga.


Halatang-halata at hindi maikakaila ang pagiging masaya at pagiging in love ngayon ni Heart Evangelista. Siyempre, ang malaking bahagi nito ay dahil sa kanyang Brazilian-Japanese boyfriend-model na si Daniel Matsunaga.

Kagagaling lang nina Heart at Daniel mula sa kanilang three-day vacation sa Japan. How was their vacation?

"Sobrang saya!" sambit ni Heart sa panayam sa kanya ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central kahapon, October 17. Nagsilbing special guest co-host si Heart sa nasabing showbiz talk show.

"Three days lang, pero sobrang refreshing," patuloy niya. "Nagpunta kami sa Universal Studios, kasama namin ang mga kaibigan namin. Parang normal lang ang buhay namin. Naglalakad lang kami."

Ayon kay Heart, plano talaga nila ni Daniel na magpunta ng Japan.

"Plano talaga ni Daniel 'to with his sister and their friends, isinama nila ako. Yung schedule ko naman, puwede. Tamang-tama, before my show starts, makakabakasyon ako."

Ang tinutukoy na show ni Heart ay ang Dwarfina ng GMA-7 kunsaan makakatambal niya si Dennis Trillo.

PROPOSAL? Ipinakita rin sa Showbiz Central ang music video ng trip nina Heart at Daniel sa Japan. Ayon kay Sweet, si Heart mismo ang gumawa ng music video during their trip.

May isang eksena sa video na parang ikinasal sina Heart at Daniel. Kaya ang tanong ni Sweet kay Heart ay kung may proposal na bang naganap sa Japan?

"No proposal, bakasyon lang," nakangiting sagot ni Heart. "And you know, I don't like lying. It's just really good. Sobrang saya lang talaga ng nangyayari sa aming dalawa. Napaka-blessed namin. "

Next month ay bibisita naman sa Pilipinas ang mga magulang ni Daniel mula sa Brazil. Kaya naman naghahanda na raw si Heart to meet Daniel's parents. In fact, nag-aaral na raw siya ng basic Portuguese.

"Yes, konting-konti lang. Tinuturuan niya [Daniel] ako ng mga language nila," banggit ni Heart.

Pero nakausap na raw ni Heart through Skype ang mga magulang ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They are very nice. Ang babait...parang lahat sila, mga angels. Super-bait," banggit niya.

KILIGNESS. Natawa lang si Heart sa comment ni Sweet na tipong hindi raw yata proposal ang naganap kundi honeymoon na. Kulang na lang daw kasi ay langgamin sila sa sobrang pagiging sweet nila.

Ayon naman kay Heart, "Nakakatuwa kasi noong nasa Japan kami, nakapila kami sa rollercoaster, may mga teenager, mga Hapon, pini-piktyuran kaming dalawa. Siguro kinikilig din sila. Nakakatawa kasi bakit nila kami pini-piktyuran? At least, nakakahawa ang kiligness."

Halatang kilig na kilig si Heart habang nagkukuwento at ito na ang nagbiro na bakit daw kaya ang daming langgam sa loob ng studio.

Hirit naman ni Sweet, hindi lang naman daw si Heart ang masuwerte kay Daniel dahil jackpot din naman daw si Daniel kay Heart.

"Kaming dalawa, we're very blessed to have each other," nakangiting pagsang-ayon ng aktres.

Ayon kay Sweet, prior to their interview ay may pinagkuwentuhan sila ni Heart. Kaya naman tinanong niya ito kung ano ang nakikita ni Heart sa relationship nila ni Daniel at kung mauuwi ba ito sa kasalan.

"I'll be honest, siyempre in your life naman, you want everything to work out. Especially for me siguro, ito yung pinaka-best na relationship. Parang kinikilig talaga ako every time.

"It's nice. Pinagpi-pray ko na sana, maganda yung makapuntahan.

"But of course, you know, nothing is certain in life. So, ini-enjoy ko na lang. Ini-enjoy ko na lang ang moment and, you know, if it doesn't last, at least, you know, I have experienced something wonderful.

"Pero sana, sana naman," asam niya. "But you know, whatever it is, at least, I got to see these days, that living life, loving...you know."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN