Maggie Wilson brushes off rumor that she's marrying rich boyfriend for security

"I can tend [sic] for myself. I make my own money. I make good money. Whatever I want, I can buy, di ba? Pero, he really wants to take care of me and my whole family also," says Maggie Wilson about rumor that she will marry businessman Victor Consunji for his money.


Pagkatapos niyang manalo bilang Bb. Pilipinas-World noong 2007, karamihan ng projects na tinatanggap ni Maggie ay modeling at hosting. Pero hindi raw niya natanggihan ang offer ng GMA-7 na gumanap sa isang papel sa bagong primetime na Beauty Queen.

"Siyempre, naisip ko na matatamaan ang kasal ko. Pero, wait lang, parang na-excite ako. Makakasama ko ulit si Iza [Calzado]. At siyempre, Beauty Queen ang title at beauty queen ang role ko. So, natuwa ako na parang, you know what, I'll accept it because I really want to do it," kuwento ni Maggie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakatakdang ikasal si Maggie sa businessman na si Victor Consunji sa December 18.

Wala naman daw problema kay Victor kung magtrabaho man si Maggie kahit malapit na ang kanilang kasal.

"Ay, wala, walang problema sa kanya. Ayaw rin naman niya na sa bahay lang ako palagi. He also wants me to work. Para may ginagawa rin ako," sabi niya.

Pero kung nagtatrabaho man daw siya, it's not to help her husband-to-be sa mga kailangan nilang gastusin sa nalalapit nilang kasal.

"Ay, hindi. Lahat ng kinikita ko, sa akin," nakangiti niyang sabi.

Since ngayong December na ang wedding niya, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang Beauty Queen?

"Ibinigay ko na lang sa kanila ang mga blocked-off days, ten days before my wedding. December 18 yung wedding ko. So, from December 10 siguro hanggang sa December 21," sabi ni Maggie.

DREAM WEDDING. Originally, ang alam naming plano nina Maggie at Victor ay sa isang beach resort sa Palawan gaganapin ang kanilang kasal. Pero nabago na ito at sa isang resort sa Legazpi, Albay na ito gagawin.

"It's a private resort in Legazpi. It's a Catholic beach wedding. Pumayag! Bongga!" natatawa niyang sabi.

"Iba ang power ng coordinator namin," pahabol niya.

Family friends daw nila ang mga kinuha nilang sponsors sa kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They are family friends that we both grew up with. Kasi si Victor, laki sa States. Ako naman, laki sa Saudi Arabia. So, mga close family friends ang kinuha namin.

"Sa mga bridesmaids ko naman, puro beauty queen. Maid of Honor ko si Kat Alano. Puro mga beauty queen kaya parang beauty pageant yung wedding!" natatawang kuwento ng Filipino-British beauty queen.

Yun ba ang dream wedding niya?

"Yes!" sambit niya. "Actually, mas gusto ko sana na mas maliit na wedding, pero happy na rin naman ako. Tapos, siguro after five years, sa ibang bansa naman kami papakasal para maiba naman, di ba?"

NOT FOR SECURITY. May mga nagsasabi na baka for security lang kaya magpakakasal si Maggie. Balita kasing mayaman ang kanyang mapapangasawa. Ano ang masasabi niya rito?

"You know what, I don't even know ang family ni Victor," sabi niya. "Friends kami ng one year bago kami naging kami. Akala ko dati, bum siya, wala siyang ginagawa. And even date after date after date, hindi ko pa rin alam.

"Nalaman ko na lang one time noong isinama niya ako sa work niya. He's a real estate and land developer, sa construction. So, ang naging reaction ko, 'Ay, nagtatrabaho ka pala?'"

Ipinagtanggol din ni Maggie ang sarili sa impression na for security lang ang dahilan ng kanyang pagpapakasal.

"I can tend [sic] for myself. I make my own money. I make good money. Whatever I want, I can buy, di ba? Pero, he really wants to take care of me and my whole family also," sabi niya.

What if hilingin sa kanya ni Victor na tumigil na siya sa pagtratrabaho since kaya naman nitong i-provide ang lahat sa kanya?

"Ay, siguro mangyayari lang yun kapag nagkaanak na kami," sagot ni Maggie. "Ayoko...hindi kasi ako sanay na lahat ng gusto ko, binibili niya para sa akin. Hindi ako sinanay ng parents ko na gano'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Maggie, "very generous" talaga ang kanyang mapapangasawa. Ang engagement ring daw niya siguro ang pinakamahal na naibigay sa kanya ni Victor. Pero ayaw i-reveal ng beauty queen-actress ang halaga ng kanyang diamond ring.

"Ayoko nang sabihin, baka tumambling kayong lahat!" natatawa niyang sabi.

Worth a million?

"Basta, it's a pink diamond. One karat. Pero yung clarity niya and the perfectness of the diamond is talbog. Pero huwag na nating sabihin kung magkano."

Ano pa ang ibang mga bagay na naibigay na sa kanya as gift?

"Well, he bought me a car, yung SUV noong birthday ko. Although, hindi ko naman kailangan because I have my own car naman. So, ibinigay ko na lang yung sa akin. And recently, we moved to our new house sa Taguig. "

May kalakihan nga raw ang magiging bahay nila.

"It's kinda big. Mga 375 square meters, pero four-story high."

BIG DECISION. Tinanong din ng PEP si Maggie kung siguradong-sigurado na ba siya sa desisyon niyang magpakasal. Twenty years old lang Maggie at less than two years pa lang ang relationship nila ni Victor.

"Oo, I asked myself that question every day kung sure na ba 'ko. Every day! Siyempre, napakalaking desisyon no'n. So, every day, tinatanong ko ang sarili ko and the answer is yes!"

Napag-uusapan na ba nila kung ilang kids ang gusto nila?

"Actually, gusto na niyang magka-baby kung puwede lang ngayon. Pero sabi ko, 'Ay hindi, pakasalan mo muna ko.' So, after ng wedding.

"He's 12 years older than me. He's 32 years old. Siyempre, bago naging kami, understood ko na yun na gusto na niyang magka-family."

Two or three babies daw siguro kung sakali ang gusto nila, lalo na't galing sa big family ang kanyang fiancé.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN