Kris Bernal cries over high ratings of Koreana's pilot week

"Hindi ako titigil sa pagdadasal na magtuluy-tuloy ang magandang ratings ng Koreana. Para ganado kaming lahat na mag-taping, di ba? Lahat naman kami sa set, tulung-tulong kami para maging maganda ang mapapanood nila parati sa show namin," says Kris Bernal.


Masayang-masaya si Kris Bernal dahil sa magandang ratings na nakuha ng pilot week ng kanyang pinagbibidahang drama series sa GMA-7, ang Koreana.

Hindi raw inaasahan ni Kris na maitatawid niya at ng kanyang co-stars na maging mataas ang kanilang ratings sa unang week nito. Inamin ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kinabahan siya kaya dasal siya nang dasal na sana ay maging maganda ang kalabasan ng pilot week ng Koreana.

Sabi ni Kris, malaking pagsubok sa kanilang show ang mataas na ratings ng pinalitan nilang drama series na Basahang Ginto.

"Nagulat talaga kami kasi hindi namin inaasahan na mataas ang ratings ng Koreana sa pilot week nito. Kaya naiyak ako sa tuwa," sabi ni Kris nang makapanayam namin siya sa loob ng GMA Network Center.

"Kilala n'yo naman ako, very emotional ako. Kahit happy ako, umiiyak ako. Kaya noong sinabi nga sa amin na panalo kami noong pilot episode, naiyak na ako no'n. Noong sabihin na panalo yung pilot week, naiyak na naman ako.

"Kaya yung mga tao sa set, hinihintay na umiyak ako ulit. Nasanay na kasi silang gano'n ako. Sinabi ko na lang na sa taping na ako iiyak. Kapag may eksenang inaapi ako nina Violeta [Eula Valdes] at Ivy [Saab Magalona]!" natatawang kuwento ni Kris.

Sa mga pinagdaanan ni Kris para sa pagbibida niya sa Koreana, lahat naman daw ay worth it dahil tinangkilik ang kanyang first title role sa GMA-7.

"Hindi ako titigil sa pagdadasal na magtuluy-tuloy ang magandang ratings ng Koreana. Para ganado kaming lahat na mag-taping, di ba? Lahat naman kami sa set, tulung-tulong kami para maging maganda ang mapapanood nila parati sa show namin," saad niya.

VACATION. Inamin ni Kris na sa tagal niyang nabakasyon sa paggawa ng drama series, parang nanibago ulit siya sa pag-arte. Kaya inaral daw niya talaga ang role niya sa Koreana bilang si Jenna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Three months kasi akong walang drama series after The Last Prince," sabi ni Kris. "May ginawa akong Lovebug with Daniel Matsunaga sa Singapore, pero after no'n, nabakante na ako.

"Kaya nagbakasyon kami ni Mommy sa U.S. Tamang-tama, may event doon ang GMA Pinoy TV kaya yun ang ginawa ko. Pero mostly, pahinga alaga ako.

"During ng vacation ko, iniisip ko na baka makalimutan na ako ng mga tao kasi matagal din yung three months. Tapos si Aljur [Abrenica], may ginawa na siya kaagad na Ilumina.

"Kaya dasal ako nang dasal na sana maganda ang project na ibigay sa akin. Yung tipong magmamarka kaagad sa marami. Na kahit hindi na si Aljur ang ka-loveteam ko, tatanggapin pa rin ako. Kaya natuwa ako nang ibigay sa akin itong Koreana."

LEARNING KOREAN. Ni-reveal ni Kris sa PEP na nag-audition siya para sa Grazilda (na napunta kay Glaiza de Castro) at Dwarfina (na si Heart Evangelista ang gaganap). Parehong hindi ito napunta sa kanya dahil nakalaan pala sa kanya ang Koreana.

"Nakakatawa nga kasi kung saan pa ako hindi nag-audition, yun pa ang ibinigay sa akin. Iba talaga kung magbigay ng blessing si Lord, di ba?

"Kaya nag-research pa talaga ako tungkol sa Korean culture, tapos yung mga pagkain nila. Kasi nga si Jenna, expert siya sa pagluluto ng mga Korean food.

"Tapos, pati ibang words nila ay inaaral ko din. Malaking tulong si Steven [Silva] kasi he knows how to speak Korean. Kaya kapag break kami sa taping, may mga itinuturo siya sa akin na Korean words," kuwento ni Kris.

Physically ay hinanda rin ni Kris ang sarili niya. Nagpataba siya ulit dahil hindi naging maganda ang feedback sa kanya noong nagpapayat for The Last Prince. Kailangan din daw sa role niya as Jenna na medyo chubby ang kanyang hitsura.

"Napansin ko lang sa Korean girls, malaman ang mga pisngi nila. Kaya itinigil ko muna ang diet at kumain ako ulit ng marami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bumalik ang laman sa mga pisngi ko. Mas bagay raw sa akin kasi bumalik daw ang glow sa mukha ko."

CHINKY EYES. Gumaling na rin ang sugat na natamo niya sa magkabilang sentido dahil sa ginamit na facial glue para magmukha siyang singkit.

"Yun kasi ang unang ginawa namin. Para magmukha nga akong singkit, ginamitan ako ng prosthetics na hahatak sa mga mata ko.

"Noong una, okey lang kasi wala naman akong nararamdaman. Siguro nasanay na ako sa prosthetics dahil nga sa The Last Prince, ginamitan na ako.

"Pero noong magtagal na, sumasakit na siya at mahapdi. Pero pinabayaan ko munang matapos yung mga eksena ko bago ko sinabing masakit yung glue na ginagamit.

"Medyo nagkaroon ako ng skin irritation sa glue. Kaya hindi na lang daw itutuloy yun. Ang ginawa na lang, idinaan na lang sa makeup para magmukha akong singkit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN