Regine Velasquez resumes shooting of movie with Aga Muhlach

"Parang one year 'ata itong natigil, nakakatawa nga, e! Pero exciting pa rin naman kasi balik-tambalan pa rin namin ni Aga. Pero at the same time, nalito ako. Nakalimutan ko na. No'ng binabasa ko yung script... Alam ko yung story, pero hindi ko na alam yung pangalan ko, yung pangalan ni Aga," says Regine Velasquez about shooting again for her movie with Aga Muhlach.


Nakapagsimula na uli ng shooting ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa reunion movie nila ni Aga Muhlach sa Viva Films na idinidirehe ni Joyce Bernal. Ito ang kanilang ikatlong pagtatambal pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw (1999) at Pangako Ikaw Lang (2001).

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Regine sa shooting ng pelikula sa Eastwood, Libis, Quezon City last week, hindi napigilan ng singer-actress na matawa habang ikinukuwento ang first shooting day nila pagkatapos nilang mag-resume.

Dahil daw sa tagal na natigil ito, may mga nakalimutan na siyang mga importanteng detalye sa movie.

"Parang one year 'ata itong natigil, nakakatawa nga, e!" tawa niya. "Pero exciting pa rin naman kasi balik-tambalan pa rin namin ni Aga.

"Pero at the same time, nalito ako. Nakalimutan ko na. No'ng binabasa ko yung script... Alam ko yung story, pero hindi ko na alam yung pangalan ko, yung pangalan ni Aga.

"Kasi, nanggaling na rin ako sa ilang mga soaps. Ang daming pangalan na kailangan kong kabisaduhin doon. Tapos, mayroon akong Mrs. Recto [her first indie film] na nangangabisado rin ako ng names.

"Tapos pagdating dito, yung dapat kong kabisaduhing names, nakalimutan ko na. Mahina ako sa pangalan. 'Sino na nga ba ako uli?' Nakalimutan ko!

"Kilala ko pa yung character. Yung pangalan lang. Actually, funny kasi nanggaling na ako sa dalawang roles, e," sabi ni Regine.

DIFFERENT CHARACTERS. Ang tinutukoy na roles ng Asia's Songbird ay bilang Sam/Sampaguita sa kantaserye ng GMA-7 na Diva sa GMA-7, at ang title character sa indie film na Mrs. Recto.

"Yung isang role [sa Diva], medyo mahirap, insecure. Yung isa naman, sa indie movie ko, butangera naman na ewan. So, hindi ko nga alam kung paano ko na-retain yung character ni Berns, e," sabi ni Regine tungkol sa pangalan niya sa pelikula nila ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat magkaiba ang role na ginagampanan ni Regine sa movie niya with Aga at sa first indie movie niya, hindi naman daw siya nahirapan na mag-switch ng mga papel.

"Actually, yung role nilang dalawa, may similarity ng konti. Konting-konti lang.

"Actually, okey na 'etong dalawang pelikula ang nag-ovelap kaysa doon sa soap [Diva]. It would have been harder.

"Kasi dapat habang nagsu-soap ako, sinu-shoot ko ito [pelikula nila ni Aga]. Kaya lang, hindi na rin pumuwede si Aga. Hindi na rin nagtagpu-tagpo ang schedules namin. It would have been harder.

"Dito kasi, ang character ko, punung-puno ako ng self-confidence. Sa Diva, wala akong self-confidence, e. So, parang ino-on mo ang sarili mo.

"At least sa Recto. Luka-luka lang siya e, load siya! Mas finesse lang siya ng konti dito sa movie namin ni Aga. Mas sosyal, nag-i-Ingles. Si Mrs. Recto, hindi nag-i-Ingles. Butangera siya. Hindi siya kasi nakapag-aral, e."

FIRST MEETING. So far, hindi pa nagkikita sa shooting sina Regine at Aga dahil kailangang tapusin muna nila ang kani-kanilang mga eksena na magkahiwalay.

Pero tinitiyak ni Regine na walang ilangang magaganap sa kanila ng kanyang leading man dahil nakapag-shoot naman na sila together bago natigil ang project pansamantala.

Dapat sana ay may bonding sila ni Aga, ayon na rin sa suggestion ni Direk Joyce, para maramdaman uli nila ang rapport sa isa't isa. Hindi nga lang ito natuloy dahil pareho silang abala sa kani-kanilang showbiz commitments.

"Siguro pag nagkita kami, matatawa ako," sabi ni Regine. "Pero for sure, matutuwa yun [Aga] dahil alam niyang ikakasal na ako. Kasi hindi pa kami nagkakausap after the announcement of getting married. Tapos, nakita ko siya sa TV and he's wishing me well."

Tiyak na ni Regine na isa sa mga iimbitahan nila ni Ogie Alcaid sa kanilang kasal ay si Aga at ang misis nitong si Charlene Gonzalez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pang maibigay na playdate si Regine para sa movie nila ni Aga dahil wala pa rin siyang natatanggap na advice mula sa Viva Films.

"Let's finish the movie first and then saka na lang siguro ide-decide kung kailan ang playdate nito," sabi niya.

Kailan naman kaya ipapalabas ang Mrs. Recto?

"Next year na yun. Mauuna muna ang movie namin ni Aga. Yun naman ang kasunduan," sabi ni Regine.

I HEART YOU PARE. Ibinalita rin Regine sa PEP na hindi matutuloy ang taping ng kanyang bagong serye sa GMA-7 sa November. Naurong lang daw ang first taping day nito.

At press time, I Heart You Pare ang title nito. Sa pagkakaalam ni Regine, si Dingdong Dantes ang makakapareha niya rito.

"Puwede na siguro i-announce and nakapag-story conference na rin kami. Kasama ko pa lang yung staff, pero hindi ko pa nakakasama si Dingdong. First time ko with Dong sa soap," sabi niya.

Pero sa pelikula ay nagkasama na sila; sa Pangarap Ko ang Ibigin Ka (2003) with Christopher de Leon.

OPERATION: SMILE. Samantala, nabalita ang pagpunta ni Regine kamakailan sa Ospital ng Makati bilang ambassador ng Operation: Smile.

Paliwanag niya, "Operation: Smile kasi all-year round, they have this medical mission sa may mga may cleft lip [bingot]. Inooperahan nila yun. Kaya nga Operation: Smile, they give these kids na maging normal uli yung buhay nila.

"Di ba, nag-umpisa 'yan no'ng kay Jason? Yung sa Diva? Ang baba kasi ng self-esteem niya na kahit hindi siya pinag-uusapan, akala niya siya yung pinagtatawanan dahil sa hitsura niya. E, no'ng napaayos namin, nag-iba yung self-esteem niya. Ang laki ng naitulong.

"Doon ako actually nakita ng mga tiga-Operation: Smile. When they asked me, and I said yes.

"Bago pa lang akong ambassadress nila, two months ago pa lang. Hindi lang ito nationwide kundi international din actually," banggit ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang pagtupad sa kanyang tungkulin sa Operation: Smile, magdu-donate din si Regine ng halaga mula sa kanyang lalabas na bagong album.

"Yung album ko, ang title Smile. Kinausap ni Cacai ang UR [Universal Records]. Certain percentage ng sales ng album will go to Operation: Smile.

"Kasi may percentage per song, e. Yung percentage ng song na yun will go to them instead na sa akin or sa songwriter. Kasi si Noel Mendez [isa sa mga composer ng song sa album niya], dinonate rin niya yung kanta niya, e.

"The album will come out very soon. Tapos na siya. Mixing na lang. Dapat October, e, na-delay lang ng kaunti," banggit ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN