Dra. Vicki Belo reacts to withdrawal of Bureau of Immigration cards bearing her image and company name

"Kasi matagal nang maraming nag-a-advertise na tao doon. So, I don't know why it's me na naging controversial.

"Pag ibang kumpanya naman, mga telecom, mga airfreight, mga hotel naka-advertise pero wala namang conflict. Pero nung nandun yung picture ko at saka naging controversial," Dra. Vicki Belo about the withdrawal of Bureau of Immigration cards bearing her image and her company's name.


Nalulungkot si Dra. Vicki Belo na ni-recall na raw late last week ng Bureau of Immigration (BI) ang mga arrival-departure cards kung saan may advertisement ang Belo Medical Clinic.

Naging kontrobersiyal ito dahil may mga kumukuwestiyon diumano kung bakit picture ni Dra. Belo ang nasa BI cards na ipinamimigay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Originally, mukha ni Pangulong Noynoy Aquino ang nasa card na ito. Ngayon, mukha na raw ni Dra. Belo ang naka-print dito.

Nakalagay rin dito: "Present this coupon at any Belo Medical Group Clinic and get 10% discount on non-surgical procedures and liposuction." Yung reverse side naman ay may advertisement naman ng isang hotel at isang mall.

Matatandaang pinapalitan ni Pres. Aquino ang picture niya sa BI cards nang pumunta siya sa New York last September 20. At ngayon, picture na nga ni Dra. Belo ang nandun.

Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng paliwanag si Dra. Belo tungkol sa naturang isyu nang ma-interview namin siya sa kanyang clinic sa Medical Plaza Building sa Makati City kahapon, October 20.

"Alam mo, kasi umalis ako sa States last week, di ba? Doon nag-umpisa ang gulo. Actually, pagdating ko nga medyo kinikilig ako, kasi yung arrival card na pinirmahan ko, may picture ko.

"Pero ang alam ko, narinig ko sa mga staff ko, ngayon ko lang nalaman na medyo naging controversial. Before I left meron na sa airport. So, I didn't know how big it was," pahayag ni Dra. Belo.

MARKETING STRATEGY. Hindi naman daw biglaan ang paglalagay ng advertisement nila sa naturang BI cards.

"Kasi this is something na we've been working for three months. It's part of our marketing, kasi ang gusto namin tourism, di ba? And our new marketing person said, 'Doktora, if you really want to target tourism, that is the arrival card.' Kasi every single tourist, every single balikbayan, every single person gets an arrival card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi niya yun ang pinaka-perfect na merong nag-o-offer sa amin. So, sabi ko, let's try it until December. Kasi this is usually the time na dumarating ang mga balikbayan. And we wanted to give them a discount offer, our number.

"Kasi maraming pasyente ang nagrereklamo, 'Doktora, mahirap kang hanapin. We don't know where to call you.' Ngayon meron na silang parang calling card pagdating nila.

"Every time I've been traveling dati pa, lagi ko namang nakikita na maraming kumpanyang nandun sa arrival card. Matagal ko nang inisip, 'Ano kaya kung maglalagay ako ng Belo?' Pero hindi ko alam who to talk to. So, hindi naman natuloy.

"Pero ngayon na may kumontak sa amin, nilagay namin. 'Tapos naging kontrobersiyal," mahabang paliwanag ni Dra. Belo.

Ano ang feeling niya na naging kontrobersiyal na nga?

"Kasi matagal nang maraming nag-a-advertise na tao doon. So, I don't know why it's me na naging controversial.

"Pag ibang kumpanya naman, mga telecom, mga air freight, mga hotel naka-advertise pero wala namang conflict. Pero nung nandun yung picture ko at saka naging controversial."

NO CONNECTION WITH THE AQUINOS. Nagkataon lang daw na noong pinatanggal ni Pres. Noynoy ang picture nito sa BI cards ay saka nagkaroon ng vacant slot for advertisement na nakuha nga ng Belo Medical Clinic. Ni hindi nga raw niya kinausap sinuman sa Aquino family para makuha niya ang naturang slot.

"You know it's funny. Kasi sinasabi na kinausap ko raw si Kris [Aquino, presidential sister at endorser ng Belo] para mailagay yung picture ko dun. Sabi ko, Kris doesn't even know that my picture is there. Kasi it's nothing personal. It's a business move. Somebody's selling and we pay monthly for that thing. So, it has no connection at all to the Aquino family.

"It's really just our marketing efforts for our beauty tourism, medical tourism. I think it's a perfect match. It's so sad naman na I heard mawi-withdraw daw lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa report ng GMANews.TV noong October 15, in-order ni Bureu of Immigration Officer-In-Charge Ronaldo Ledesma ang pag-recall ng mga BI cards na may imahe ni Dra. Vicki at pangalan ng kumpanya ng beauty surgeon.

Inilabas at nag-circulate daw kasi ang BI cards na may advertisement ni Dra. Belo nang wala pang approval ng Bureau.

JAMES YAP. Samantala, isa pang isyu na sinagot ni Dra. Belo ay tungkol sa diumano'y pagkuha niya kay James Yap bilang endorser ng Belo. Pero hinaharang daw ito ni Kris Aquino. Gaano katotoo ito?

"No, it's not true. Alam niyo, kawawa naman si Kris lagi na lang naa-accuse ng kung anu-ano. It's not true at all."

Pero kukunin ba talaga niya si James na endorser?

"No, it's never been a plan. Walang plano na kunin si James. Parang ang dami ngang lumalabas na kuwento na wala namang basis, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN