Rich Asuncion admits going out with Aljur Abrenica again, but no reconciliation yet

"Hindi, pure friendship lang ang nakikita ko. At saka, ayokong mag-assume. He's naturally a gentleman. Huwag na lang tayong mag-assume," replies Rich Asuncion (in photo) when asked if Aljur Abrenica is courting her again.


Kung noon ay tikom ang bibig ni Rich Asuncion tuwing napag-uusapan ang rumored boyfriend niya noon na si Aljur Abrenica, ngayon ay mas open na ito sa pagkukuwento tungkol sa batchmate niya sa StarStruck 4.

Inamin din ng young actress na lumalabas na sila ulit ngayon.

"Lumalabas kami, pero walang ano yun na kami. Lumalabas lang kami kasama ang mga kaibigan," sabi ni Rich sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Little Star kagabi, October 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

May time din daw talaga noon na hindi sila nagkikita o nag-uusap dahil may iniiwasan siya.

"Yes, ngayon, catching up with the friendship na nai-hold back dati dahil ayokong makasira ng anumang working relationship," saad ni Rich, na ang tinutukoy ay ang tambalan noon nina Aljur at Kris Bernal.

Parang hinintay niya lang talaga na matapos ang love team nina Aljur at Kris?

"Hindi naman," sabi ni Rich. "Parang naisip ko lang, parang hindi rin tama na ma-compromise yung friendship namin, di ba, para sa trabaho? Puwede namang maging kaibigan, puwede namang lumabas."

Even before naman daw, nagso-sorry na si Aljur sa kanya na siya ang nadidiin at naaaway ng fans dahil sa love team ng binata kay Kris noon.

"Nagso-sorry naman siya even before. Na nasisira ang pangalan ko. E, ayoko naman, hindi naman ako natutuwa. Kahit na lumalabas ang pangalan ko, hindi ako natutuwa talaga.

"Kaya yun, nagso-sorry naman siya. Kasi, inaaaway ako ng mga fans. At sa tingin ko, hindi ako deserving na awayin nila. Kasi, wala akong ginagawang masama," saad niya.

Ayon kay Rich, si Aljur ang gumawa ng first move na maging okay silang muli.

"Siya ang nag-imbita sa akin, e. Yung night after ng Cosmo [Bachelor Bash], tinext niya ako. 'O, gusto mo bang kumain? Magkasama raw kayo ni Jan Manual...' Nag-taping kasi kami no'n. 'Sige, kumain tayo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOGETHER AGAIN? For the record, may balikan nga bang naganap sa pagitan nila ni Aljur?

"Wala po, wala nga po... At saka, hindi rin naman po natin alam," sagot ni Rich.

Pero nagpaparamdam ba si Aljur sa kanya na tipong gusto nitong may manumbalik?

"Hindi, pure friendship lang ang nakikita ko. At saka, ayokong mag-assume. He's naturally a gentleman. Huwag na lang tayong mag-assume."

Pero ayon kay Rich, masaya siya na si Aljur ang gumagawa ng move na mabalik yung dating closeness nila.

"Gusto ko na lang ngayon, mag-go with the flow," dagdag niya.

Natawa naman si Rich sa isyung nagpunta raw siya ng U.S. dahil buntis siya courtesy of Aljur.

"Wish ko pong makapunta ng Amerika. At sana po totoo ang tsismis dahil gusto kong makapunta ng Amerika!" natatawa niyang sabi.

Wish din ba niyang mabuntis siya?

"Hindi naman, hindi naman gano'n. Sa handler ko lang nalaman kasi siya ang nakipag-usap sa akin. 'Ano 'to? Ano 'tong mga balita?' Kaya sabi ko, 'Paanong nangyari yun, e, ang seksi-seksi ko!" biro niya.

Wish din niya bang magkasama sila sa isang project ni Aljur?

"Wish ko? Wish ko lang wish din ng GMA!" natatawa naman niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN