Mark Anthony Fernandez says Dennis Trillo has nothing to worry about his team-up with Jennylyn Mercado

"There's nothing to worry about because everything is all professional, all about work. And besides, artista rin naman si Dennis, I'm sure it will not be a big deal to him," says Mark Anthony Fernandez about his team-up with Jennylyn Mercado on Little Star.


Kauna-unahang panghapong teleserye ni Mark Anthony Fernandez sa GMA-7 ang Little Star, na mapapanood na simula sa Lunes, October 25. Ito ang sinabi ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa presscon ng Little Star kagabi, October 21, sa 17th Floor Executive Lounge ng GMA Network.

"I'm so happy na nalagay ako sa afternoon kasi first time ko dito," sambit ng aktor.

"Matagal ko nang nire-request, last year pa, na malagay ako sa hapon. Dahil nabalitaan ko, sa hapon talagang maganda rin, parang primetime na rin siya. So, sabi ko, gusto kong masubukan. At pinagbigyan naman ako ng GMA-7."

Ginagampanan ni Mark sa Little Star ang role ni Dave, isang guwapong photographer na may pagka-playboy. First time din daw gumanap ni Mark na isang playboy.

"Hindi pa ako gumaganap before ng major playboy na character. First time ko ito. At dahil sa akin kaya nagkaroon ng Little Star, si Diego [child actor Nicky Castro]."

Pahabol na biro pa ni Mark, sa role lang daw siya playboy dahil sa personal ay good boy naman siya.

Dahil nga sa pagiging playboy ay mai-involve siya rito sa tatlong babae na sina Jennylyn Mercado, Lovie Poe, at Rich Asuncion. Ang first girlfriend niya ay si Rich. Pero ang mabubuntis niya rito ay si Lovi, na isang sikat na singer. Si Jennylyn naman ang alalay ni Lovi, na magpapanggap na ina ng ipinagbubuntis ng singer.

Kumusta naman katrabaho ang nabanggit na tatlong young actresses?

"Napakaganda nila. At mukhang marami pang mapipiga sa kanila ang aming direktor na si Direk Maryo J. de los Reyes. Sana ma-please ko rin sila sa acting ko or kahit sa look ko man lang," sabi ni Mark.

NEW HAIRSTYLE. Speaking of his look, kapansin-pansin naman na bago ang hairstyle ni Mark. Nagpakulay siya ng buhok. Aniya, kailangan din daw sa role niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi parang rakistang photographer ako dito, so dapat magkaroon din ng certain look. Nagkataon din naman kasi na may ex-deal ako with Toni & Guy [hair salon].

"And then I went there three days before the taping. Naisip ko na ano kaya ang magandang buhok ko? Eto yung ending ng look. So, cute naman."

Ano ang reaksiyon niya nung makita niya yung bagong hairstyle niya?

"Okay naman. Sabi nga nila cool ang dating."

JENNYLYN MERCADO. Mas matindi ang magiging koneksyon ng character niya sa character ni Jennylyn (Helen) dahil ito nga ang tunay niyang iibigin sa istorya.

Nakapag-taping na ba siya ng mga eksena kasama si Jennylyn?

"Yes. Yung opening scene namin, talagang kaabang-abang agad dahil sasabog dito yung barkong sinasakyan namin. Doon kami nagkakilala ni Jen," kuwento ni Mark.

May kissing scenes na ba silang nakunan?

"Wala pang kissing scenes."

Natawa si Mark nang tanungin namin kung nilu-look forward niya ba ang kissing niya with Jennylyn?

"Pero ano lang, completely professional lang, walang malisya. Kumbaga, I'm looking forward to that snapshot."

Hanga raw si Mark sa pagiging professional ni Jennylyn.

"Si Jennylyn, she's a good actress and very promising. She listens well to the director. She's a good student," sabi niya.

Sa tingin niya ba ay magugustuhan ng mga tao ang team-up nila ni Jennylyn?

"I think we'll have a good chemistry here. Siguro sa ngayon, hindi n'yo pa maisip yun. Pero I'm sure kapag napanood n'yo na, you'll say na okay ang team-up namin. I'm sure people will see that, too. Sana lang talaga tangkilikin din ng mga tao ang tandem namin ni Jen."

Hindi rin daw kailangang mag-worry ng boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo about their team-up, pati na rin sa mga intimate scenes nila kung magkakaroon man.

"There's nothing to worry about because everything is all professional, all about work. And besides, artista rin naman si Dennis, I'm sure it will not be a big deal to him," saad ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUDY FERNANDEZ. Samantala, dahil malapit na ang Undas, naitanong din ng PEP kay Mark kung ano ang plano niya sa araw na ito para sa yumaong ama niya na si Rudy Fernandez.

"Bibili po ako ng magagandang kandila at mababangong rosas," sagot niya.

Kung wala raw gagamit sa kuwarto sa museleo ng tatay niya sa Heritage Park ay doon siya matutulog. Meron naman daw siyang sarili niyang susi na ibinigay ng kanyang Tita Lorna Tolentino kaya any time ay puwede siyang bumisita rito.

May nakakapansin na kapag may okasyon para sa kanyang tatay sa Heritage Park ay hindi siya dumadalo at mas pinipili niyang pumunta rito nang mag-isa. Intentional ba ito?

"May mga times na hindi dahil busy ako. Sinasabi kasi ni Papa sa akin, kahit noong buhay pa siya, na unahin ko ang trabaho ko at any case. Yung iba naman, minabuti ko na lang para maging solemn for me. So, ako na lang mag-isa," paliwanag niya.

Gusto lang linawin ni Mark na kahit hindi niya madalas makasama sina LT at ang mga kapatid niya sa ama na sina Ralph at Renz ay maayos ang relasyon niya sa mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN