Sarah Lahbati's much-awaited project finally arrives

"Honestly, may time na parang sabi ko, 'Kailan na kaya ako magkaka-project? Ano na kaya ang mangyayari? Anong role? Anong project?' Ang daming mga tanong, pero finally, 'eto na rin," says Sarah Lahbati about her first soap in GMA-7, Little Star.


Itinuturing ng StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati ang afternoon soap na Little Star as her biggest break so far. Ginagampanan niya rito ang nakababatang kapatid ng isa sa mga bida ng soap na si Jennylyn Mercado.

"Siyempre po, masaya ako, blessed ako, at thankful na saktong-sakto, October, birthday gift sa akin ni Lord. So, yun po, masaya po ako. I work hard for it kasi ito po yung passion ko," sabi ni Sarah, who turned 17 last October 3.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa presscon ng Little Star kagabi, October 21, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Masaya ba siya sa mga ibinibigay na projects sa kanya ng GMA-7 pagkatapos niyang manalo sa StarStruck V?

"Opo, sobrang thankful naman po ako," sabi niya.

"Honestly, may time na parang sabi ko, 'Kailan na kaya ako magkaka-project? Ano na kaya ang mangyayari? Anong role? Anong project?' Ang daming mga tanong, pero finally, 'eto na rin."

Nabagalan ba siya sa naging usad ng kanyang showbiz career?

"Hindi naman po sa ganoong nabagalan kasi binigyan din naman po kami ng mga workshops ng GMA Artist Center, which I'm very thankful po. Yung mga events, mall shows sa mga malalayong lugar. Busy naman po kami.

"Pero siyempre, iba po talaga yung kapag MWF, taping. So, 'eto na po yun," nakangiting sabi ni Sarah.

ROCCO NACINO. Hindi ba siya naiinggit sa ibang Kapuso stars o batchmates niya sa StarStruck V na mas maraming projects?

"Hindi naman po, kasi darating din naman po ang time na either six months, one year... May sari-sarili pong oras ang dating ng blessing para sa bawat isa."

Sa Final 5 ng StarStruck V, tila ang Second Prince na si Rocco Nacino ang mas nabibigyan ng mas malalaking break. Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"Opo, after StarStruck, nabigyan na po siya agad ng break kaya blessed siya. Wala naman po 'yan sa kung sino ang mauuna, kung sino ang mahuhuli. I mean, God's time rin naman po 'yan," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May napansin ba silang pagbabago kay Rocco?

"Hindi naman po, ganoon pa rin po siya," sabi ni Sarah. "Siyempre, hindi maiiwasan ang mga isyu na lalabas sa amin na nagmamaldita, nagyayabang, ganyan... So, part lang po yun ng showbiz."

ENZO PINEDA. Natawa naman si Sarah nang usisain tungkol sa gadget na birthday gift daw sa kanya ng nali-link sa kanyang si Enzo Pineda. Natanggap na ba niya ito?

"Parang hindi pa raw po siya nakakabili no'n, di ba?" sabi ni Sarah. "Saturday ko natanggap, pero hindi siya gadget. Perfume po. Pero malay natin, darating 'yan bukas, ganyan," biro niya.

Pero isa sa maituturing na unang birthday gift sa kanya ni Enzo ay nang isorpresa siya nito sa bahay nila on the eve of her birthday.

Kuwento ni Sarah, "Sinurprise niya po ako sa bahay. Hindi ko po ine-expect. Kasi, nagbi-BBM, 'Tulog ka na na ba?' Sabi ko, 'Ay hindi, malamang matutulog na...kanina pa magkasama.'

"Tapos hayun, biglang umakyat si Mama sa kuwarto ko. 'Baba ka...' Tapos, biglang pagbaba ko, nandoon na sila. May dalang pagkain. So, yun, na-touch naman ako."

Sila na ba ni Enzo?

"Hindi pa po," nakangiting sabi ni Sarah.

Since StarStruck V days nila, vocal na si Enzo sa pagsasabing nililigawan niya si Sarah. Hindi pa rin ba niya ito sinasagot?

"Sobra naman po, one year pa lang naman po!" tawa ni Sarah. "Kaka-17 ko pa lang naman po.

"Hindi ko naman po masasabi kung kailan. Hindi naman po ako ang pumipili ng time. Hindi ko naman po masasabi na bukas, 'Ay, may boyfriend na ako,' yung ganyan. Darating din po ang time na yun."

Pero nakikipag-date ba siya with others o kay Enzo lang?

"Hindi po ako yung parang ano na tao na, 'Date tayo!' Mas gusto ko yung magkaka-tropa, tapos lalabas. Magkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kasi ako ano sa dala-dalawa, ilang ako ng konti. Pero siguro, darating yung time na kapag okay na po ako, kapag steady na po ako sa career ko, baka okey na po ako pagdating sa ganyan."

JOINING BB. PILIPINAS. Dahil sa ganda at tangkad ni Sarah, marami ang nag-e-encourage sa kanya na sumali sa Binibining Pilipinas. Open naman daw si Sarah sa bagay na ito.

"Why not po?" sambit niya. "Kasi, parang pumasok na rin po sa isip ko na, 'Why not, tutal matangkad naman po.' Tapos, napaghahandaan at marami pa naman pong time.

"Seventeen pa lang po ako, baka mga 19, 20 po. Siguro po, mas gusto ko po kapag 20 years old na ako para mas hinog na ako no'n at saka mature."

At 17, 5'8" na ang height ni Sarah.

"Ayoko na nga pong tumangkad, parang naiilang na po ako!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN