Lovi Poe defends her decision to visit rumored boyfriend Ronald Singson in Hong Kong

"Some people would understand, some won't. But then, that's like me, e. Hindi ko pinapakialaman yung buhay ng iba. Kung pinapakialaman nila yung sa akin, that's fine. Basta ako, hindi ako nakikialam sa kanila," says Lovi Poe about visiting rumored boyfriend Rep. Ronald Singson in Hong Kong.


Isa sa rumaratsadang talents ngayon ng GMA-7 si Lovi Poe, na halos hindi nagpapahinga sa paglabas sa iba't iba mga programa ng Kapuso network.

Nakaka-isang linggo pa lang ang primetime series na Beauty Queen, kung saan may special participation siya, heto at mapapanood naman siya simula Lunes, October 25, sa afternoon soap na Little Star.

Sa Beauty Queen, gumanap si Lovi bilang young Elizabeth Oropesa. Maraming natanggap na papuri ang young actress-singer dahil sa husay na ipinakita niya rito.

"Happy nga ako sa Beauty Queen, na kahit short lang yung participation ko, ang daming... Yung pilot episode po, ang daming nag-twit sa akin, more than a hundred.

"Hindi na nga ako makapag-reply isa-isa sa dami. I wanted nga sana," masayang sabi ni Lovi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Little Star kagabi, October 21.

Dito sa Little Star, isa na namang bida-kontrabida ang role ni Lovi bilang Gwyneth, isang singer. Nadadalas yata ang pagganap niya ng mga ganitong role?

"This role that I'm doing, there's a reason behind it naman why she's mean. Kasi yung mom nga niya, pini-pressure siya sa lahat ng bagay. Makikita naman nila dito sa soap.

"Sa akin, okey lang. Mas gusto ko nga yung natsa-challenge ako, or something new every time," sabi niya.

RONALD SINGSON. Siyempre, hindi pa rin maiiwasan ang pagtatanong kay Lovi tungkol sa kanyang rumored boyfriend na si Ilocos Sur Congressman Ronald Singson. Nasa Hong Kong pa rin si Ronald dahil sa drug-related case nito doon.

May usap-usapan na tumatakas daw siya at hindi nagpapaalam sa manager niyang si Leo Dominguez kapag pumunta siya ng Hong Kong para bisitahin si Ronald. Totoo ba ito?

"Wala nga po akong time na tumakas, e!" natatawang sabi ni Lovi.

"Yung first time? I don't know... Maybe? I don't know," tawa pa rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw chance na bisitahin uli ni Lovi si Ronald ngayong November dahil sa taping schedules niya para sa Little Star. Pero okey naman daw ang kalagayan ng nababalitang kasintahan doon.

"Okey lang naman siya and he's doing well. Hopefully, maayos na," asam ni Lovi.

Ano ang naging reaksiyon ni Lovi sa interview ni Ronald sa Showbiz Central kunsaan sinasabi nitong malaki ang pasasalamat niya sa effort at suporta ng young actress sa kanya? Nangako rin ang kongresista na hindi niya kakalimutan at pababayaan si Lovi bilang pagtanaw ng utang na loob dito. (CLICK HERE to read related story.)

"That's very... He's not obligated to, but thankful naman ako na sinabi niya yun," maikling sagot ng 22-year-old actress.

Nag-react din si Lovi sa tanong na baka mauwi na sa kasal ang relasyon nila oras na matapos na ang kaso ni Ronald sa Hong Kong. Mukha kasing mas seryoso na sa kanya ngayon ang 41-year-old politician and concert producer.

"Hala!" sambit ni Lovi. "Well, ako, I'm stil young. I still have a lot of things... Gusto ko yung mga dreams ko, maabot ko muna.

"Well, you'll know naman once you're done reaching them, e. Hindi mo alam kung ano yung particular dream na yun, basta you feel contented."

Hindi raw kaya ni Lovi na pagsabayin ang career at ang pag-aasawa. Nabanggit nga namin sa kanya si Jennylyn Mercado na kahit nabuntis ay nakabalik pa rin sa showbiz.

"Siya yun, e. She has this charisma that not everyone has. I don't know if I have that, pero that's how I see it, e," sabi niya.

Kahit alam ng lahat ang relasyon ni Lovi kay Ronald, sinasabi naman ng young actress na hindi sarado ang pintuan niya sa posibilidad na ligawan siya ng iba.

"I'm open to anything that can happen. Bata pa naman ako. I don't wanna lock myself with someone or anybody. Lalo na ngayon, everything is doing well, so far. Ipagpapatuloy ko muna ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pang maibigay na konkretong sagot si Lovi sa balitang posibleng umuwi ng Pilipinas si Ronald para dito mag-celebrate ng Pasko.

"I can't say na possible, but I'm hoping. We'll all hoping," asam niya.

"We'll have to wait and see. Kasi I don't wanna think na hindi mangyayari na hindi siya makakauwi. Ang iniisip ko, makakauwi siya."

Gaano na ba niya nami-miss si Ronald?

Napatawa muna si Lovi bago sumagot. "All I can say it's quite difficult not to have him around. Kasi marami kaming nakaka-miss sa kanya."

RONIAN'S NEGATIVE REACTION. Marami ang nag-react sa ilang beses na pagpunta ni Lovi sa Hong Kong upang bisitahin si Ronald. Isa na rito si Ronian Poe, ang half-brother ni Lovi sa yumaong ama na si Fernando Poe Jr.

Ang ina ni Lovi ay ang dating model-actress na si Rowena Moran, at si Ronian naman ay anak ni FPJ sa dating aktres na si Anna Marin.

Sinabi raw ni Ronian na hindi dapat nagpunta sa Hong Kong si Lovi at kung nabubuhay raw ang kanilang ama ay malamang na hindi siya papayagan nito.

"This one thing I could say, with my brother, I don't wanna talk about him through the press, through the TV. Because I myself, I don't talk about other people.

"Kumbaga, even the name you mentioned earlier [Ronald], I don't even talk about him sa ibang tao. What more sa kapatid ko pa? So, I'd rather not talk about him," iwas ni Lovi.

Gaano ba sila ka-close ni Ronian?

"I don't really get to talk to him," sagot ng young actress-singer. "Siguro for me, someone has to be mature in this situation. If he wants to talk about me with everyone, that's fine with me. As long as I don't do the same thing with him."

Nasaktan ba siya sa narinig niya mula sa kapatid?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know what, kanya-kanyang opinion lang naman 'yan. We didn't grow up together. So, hindi kami parehas ng thinking," sabi ni Lovi.

HER FATHER'S WIFE. Sa kabilang banda, na-appreciate naman ni Lovi ang hindi pagbibigay ng kahit na anong komento ng asawa ng kanyang ama ni Ms. Susan Roces tungkol sa pagpunta niya sa Hong Kong.

"I'm very thankful. And ever since naman po, I've been thankful for that because I respect her more because of who she is," nakangiti niyang sabi.

Sa paniniwala ni Lovi, hindi na raw kailangang sabihin pa kay Ms. Susan ang tungkol sa pagpunta-punta niya sa Hong Kong. Magkahiwalay naman daw kasi ang relasyon niya sa movie queen at ang kanyang personal na pakikisama sa ibang tao.

Ayaw na lang din patulan ni Lovi ang ibang nang-iintriga tungkol sa pagdalaw niya kay Ronald.

"Some people would understand, some won't. But then, that's like me, e. Hindi ko pinapakialaman yung buhay ng iba. Kung pinapakialaman nila yung sa akin, that's fine. Basta ako, hindi ako nakikialam sa kanila," saad niya.

Wala raw chance na kausapin o kumustahin ni Lovi ang kalagayan ni Ms. Susan dahil alam niyang maayos naman ang lagay nito.

"I don't get the chance. But then, of course, I wish all the best and I have nothing but respect for her."

NEW MTRCB CHIEF. Anytime ay manunumpa na sa kanyang katungkulan bilang bagong Movie and Television Review and Classification Board ang half-sister ni Lovi na si Mary Grace Poe Llamanzares, ang nag-iisang anak nina Ms. Susan at FPJ.

Hindi raw makakapunta si Lovi sa oathtaking nito. "I'm not invited, but I'm very happy for her," sabi niya.

Hindi raw talaga sila nagkakausap ni Mary Grace dahil hindi niya alam ang numero nito. May ilang factors ba kaya hindi nila magawang makipag-communicate sa isa't isa ng kanyang kapatid?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't wanna cross the line, kasi I know my boundaries naman. And I know where I stand. So, yun na lang ang iniisip ko," paliwanag ni Lovi.

Pero nagkaroon na raw sila ng pagkakataong makapag-usap ni Mary Grace.

"We got to talk na rin years ago. Okey naman, she's very nice naman," aniya.

MAUI TAYLOR. Nabanggit din kay Lovi ang tungkol sa dati nilang issue ng sexy star na si Maui Taylor. Sa isang interview kasi ni Lovi ay sinabi niyang hindi niya kilala si Maui.

Na-offend dito si Maui at sinabing kung ang yumaong ama nga ni Lovi na si FPJ ay kilala siya, at kung buhay lamang ang King of Philippine of Movies ay hindi siya papayagang magtaray ng ganun sa isang artista.

May koneksiyon din si Ronald sa alitang ito nina Lovi at Maui. Balita kasing naudlot ang pag-usbong ng love affair nina Ronald at Maui dahil pumasok sa eksena si Lovi.

Ano ang masasabi ni Lovi dito?

"First of all, I don't know her. Every smart girl should know that I don't know her personally," sabi niya

Hindi ba "smart" si Maui at mali ang interpretasyon nito?

"I didn't mean it that way. I'm not... No! Naku! Tatadtarin na naman niya ako!" napapatiling paglilinaw ni Lovi.

SEXY PICTORIAL. Nabanggit din ang sexy pictorial ni Lovi para sa Bench Body. Nilinaw niyang ang pagpapa-sexy niya ay para lang doon. Katatapos lang raw ng panibagong pictorial nila para naman sa summer ad ng Bench next year.

Alam ba ni Ronald ang pagpu-pose niya nang sexy?

"Yes, he knows," sagot ni Lovi. "Actually, he's very excited nga for me. Proud na proud nga siya doon sa billboard ko. Natuwa siya actually, something new raw, sabi niya."

Nangingiti na lang si Lovi sa patuloy na pagbibigay ng comment ng iba na hindi umano papayagan ng yumaong ama niya ang pagpu-pose niya naka-two-piece para sa billboard ng Bench.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, it's okay. They can say that naman. It could be true anyway. So, okay lang."

Tungkol naman sa pagpu-pose ng sexy sa cover ng men's magazine, hindi pa raw ito naiisip ni Lovi.

"I still did another pictorial for Bench for the summer collection. Hindi ko muna naiisip 'yon. Kumbaga, one step at a time," sabi niya.

Inaasahan na lang ni Lovi na pag lumabas ang isa pa niyang sexy pictorial ay maintindihan ito ng mga taong pumupuna sa kanya, kabilang na ang kapatid niyang si Ronian.

"I hope they would understand, it's my job. Ako naman, hindi naman ako nagri-react sa mga tattoos niya, di ba?

"Hindi siya dapat mag-react sa mga pagpu-pose ko. Tutal, it'sa my job naman as an entertainer, as an actress, endorsing good product like Bench. And siya naman, ang product niya yung pagta-tattoo niya kaya I have no problems with him having tattoos all over his body.

"But we're good. Ako, all I can say, I always be his sister whatever happens. I will always be by his side. And I'm 22 naman na. I don't get to talk to him kasi, e. Pero okey lang naman. I don't mind.

"Anyone can say anything about me, tanggap ko naman yun. Basta, walang nanggagaling sa bibig na kung anuman that would offend anybody, lalo na sa mga mahal ko sa buhay," saad ni Lovi Poe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN