Sarah Lahbati, StarStruck V Ultimate Female Survivor, prefers Dyesebel over Darna

"Kasi mahilig akong lumangoy. Yung dad ko po master sa scuba diving, parang tinuturuan po niya ako sa Switzerland. May mga competitions na akong sinalihan sa swimming and scuba diving," Sarah Lahbati explains why she'd rather play a mermaid.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati sa presscon ng Little Star sa gabi ng October 21 sa 17th floor ng GMA TV Complex.

At ang isa sa mga tinanong namin kay Sarah ay kung ano ang mas gusto niya— Darna o Dyesebel?

Sa Kapuso network kasi, dalawang behikulo na ginagamit para sumikat ang isang aktres ay ang Darna at Dyesebel tulad ng nangyari kina Angel Locsin (sa Darna) at Marian Rivera na gumanap na Dyesebel at Darna, dalawang karakter na nilikha ni Mars Ravelo.

Si Sarah, if ever, alin ang mas pipiliin niyang ipagkatiwala sa kanya someday ng GMA?

"Darna or Dyesebel? Wala po akong preference kasi hindi ko po nasubaybayan yung mga shows kasi sa Switzerland po ako lumaki..."

Pero kilala ba niya sina Darna at Dyesebel?

"Opo, ang alam ko po si Darna parang si Wonder Woman ganun, tapos si Dyesebel, mermaid.

"Siguro yung mermaid, kasi mahilig akong lumangoy.

"Yung dad ko po master sa scuba diving, parang tinuturuan po niya ako sa Switzerland.

"May mga competitions na akong sinalihan sa swimming and scuba diving.

"Nakapag-i-scuba diving po kami sa Egypt and Italy, so iyon po," nakangiting pahayag ni Sarah.

Si Dyesebel bilang isang sirena ay topless kadalasan. Willing ba si Sarah na mag-topless?

"Meron po naman nakatakip, 'di ba? Mahaba naman po yung hair niya so natatakpan naman po.

"Kaya iyon po, mas gugustuhin ko pa ang Dyesebel dahil mahilig po akong lumangoy."

Sino naman ang gusto niyang maging leading men kapag may solo projects na siya?

"Ah kung papapiliin po ako sa GMA, si Richard Gutierrez po. Kasi 5'8" po ako... matangkad po akong babae. Si Richard [matangkad] at tsaka magaling na aktor. Tapos kung sino man po ang maibigay ng GMA. Tsaka marami din pong mga pumapasok na bagong talents ang Artists Center ng GMA, mga StarStruck na ka-batch ko so..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa babae, sino ang gusto niyang sundan ang mga yapak?

"Ah sa babae, siguro hindi po sundan ang gagamitin kong word, gusto ko pong gumawa ng sarili kong style or identity. Pero kung [sino] yung tipong iniidolo ko sa acting, si Direk Gina Alajar po, sobrang galing niya pong umarte.

"Tsaka sa mga bagong shows ngayon na artista, si Glaiza de Castro. Hanga po ako sa acting nun kasi nakasama ko po siya sa StarStruck, tapos sobrang galing niyang umarte."

Aminado naman si Sarah na na-star-struck siya kay Jennylyn Mercado na isa sa mga bida ng Little Star.

And to think na si Jennylyn ay ang first Ultimate Female Survivor ng StarStruck.

"Noong una pong scene namin, medyo natatameme po ako. First time ko po siya makatrabaho pero kilala ko na siya, bago kami magkatrabaho dito sa Little Star.

"Common friends [kami], tapos nagpunta po ako sa birthday ni AJ (Alex Jazz, Jennylyn's son).

"Natameme po ako kasi parang ano siyempre, first taping wala pa po akong masyadong kilala, tapos sina Ate Jen ganyan, kasama ko sa eksena. Halos lahat po actually ng kasama ko sa eksena magagaling.

"Sina Jiro (Manio), e 'di ba sina Jiro, si Tito Allan (Paule) magagaling na actor po ang mga iyon."

Bukod kina Sarah (na gumaganap bilang si Paula), Jiro (na gumaganap bilang si Joross), Allan (as Gener) at Jennylyn na gumaganap bilang si Helen, nasa Little Star rin sina Mark Anthony Fernandez (as Dave), Lovi Poe (as Gwyneth) at Paolo Contis (as Lester), pati na rin sina Maricel Morales (as Ruby), Rich Asuncion (as Bianca), Shamaine Centenera and introducing, the country's newest child star, Nicky Castro na gaganap bilang si Diego.

Sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, mapapanood na ito simula Lunes, sa GMA 7's Haponalo kapalit ng Trudis Liit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN