Zaijian Jaranilla has met the son of Piolo Pascual

Zaijian Jaranilla practices his lines on the set with the production assistants of Noah. "Ibibigay po nila yung script sa akin tapos babasahin ko na lang po nang mag-isa," he says.


Nakausap at nakalaro na ni Zaijian Jaranilla, who plays the son of Piolo Pascual in the teleserye Noah, ang anak ng matinee idol na si Iñigo.

Ito ang isa sa mga napag-usapan noong Huwebes ng gabi, October 21, sa dinner presscon ng Kapamilya network para kay Zaijian at Xyriel Manabat, ang star ng katatapos lang na television series na Momay.

Magkasama na kasi ang dalawang child actors sa Noah gabi-gabi. Pinagbigyan daw ang request ng mga fans ng dalawa na pagsamahin sila sa iisang show.

Maaga nakarating si Xyriel sa 9501 Restaurant sa 14th Floor ng ELJ Building sa ABS-CBN Compound. Nguni't naging masama ang pakiramdam ng bata at itinakbo siya sa infirmary.

Si Zaijian na lamang ang naharap ng entertainment press, including PEP (Philippine Entertainment Portal), at game naman siya sa mga tanong na ibinabato sa kanya.

"Masaya po. Kasi lagi po akong binibigyan ni Bro ng magagandang istorya at palagi pong mataas ang ratings," Zaijian said tungkol sa success na natatamo ng Noah.

Dito na rin sa Metro Manila ginagawa ang taping ng naturang show. Noong nagsisimula ang show, pumupunta pa daw siya sa Subic.

"Hindi naman po mahirap mag-taping," banggit niya. "Ngayon po, diyan na lang po malapit sa bahay namin."

Pumapasok siya araw-araw sa school mula 8 hanggang 10 ng umaga.

"Mag-call po ako ng 12 noon. Tapos, mag-pack-up po ako ng 4 ng hapon," sabi niya.

ON XYRIEL. Kalaro ni Zaijian sa set si Xyriel. Madalas daw sila nagtatakbuhan.

"Kung minsan po, nag-Plants versus Zombies," sabi ni Zaijian na ang tinutukoy ay isang computer game.

"Minsan po, nag-aaway po kami. Siya po ang unang nag-so-sorry sa akin. After five seconds, nagbabati kami. Ang bilis makipagbati. Hindi muna niya ako aawayin.

Kwento pa niya na minsan mapaglaro si Xyriel kapag may eksena sila.

"Minsan po, hindi niya makuha ang lines niya. Dahil laro lang po kami nang laro. Siya po pinapagalitan ni direk, ako hindi kasi hindi ko po nakakalimutan yung lines ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON PIOLO'S SON. Para kay Zaijian, mas madali daw gawin ang Noah kumpara sa unang television series niya na May Bukas Pa.

"Kasi po sa May Bukas Pa, lagi po akong iyak nang iyak," pabiro niyang sabi.

Zaijian plays Jacob, the son of Piolo Pascual who gets adopted by the Unta, a tribe in the island called "Noah." Ang bonding nila ni Piolo ay nagsimula bago pa mag-shooting ang series.

"Ayos naman po. Mabait po si Kuya Piolo.

"Opo. Kapag take na, ayoko nga po na laro yung take namin, pero kailangan namin maglaro. Lagi niya akong kinikiliti.

Kung minsan nga nalalaman din ni Zaijian kung sino ang mga bisita ni Piolo sa set. Ang isa dito ay ang anak ng matinee idol na si Iñigo. Kalaro pa niya nga daw ito sa PSP (PlayStation Portable).

"Mag-high school na po siya. Kasi po 12 years old na siya. Grade 6 na siya. [Pag] 13, high school na po."

"Inglesero nga po," banggit niya. "[Nagkakilala] po kami, nung unang-unang day na sinama po siya ni Kuya Piolo... Noong tumagal-tagal na po, sabi ko sa kanya, 'Hey! what's your name?' Sabi niya sa akin, 'Iñigo, Iñigo.'

"Tapos, sabi ko, 'Iñigo, that's a nice name.' Tapos yung sabi naman po ni Kuya Iñigo, sabi niya, 'You, what's your name?' Tapos sabi ko, 'Zaijian [zee-jan].'

"Tapos sabi niya, 'Huh, Zey-john?'

"Hindi. Sabi ko, 'Zaijian [zee-jan].'"

AFTER NOAH. Natanong din siya kung sino naman ang gusto niya makaparehas sa pelikula or sa ibang TV show. Ang comedian-host na si Vhong Navarro ang gusto niya na makatambal.

"Gusto ko po, kunwari kasama ko siya sa show or pelikula, gusto ko po, comedy. Gusto ko din po maging action star katulad po ni Robin Padilla."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN