A role tailor-made for Fanny Serrano goes to Bembol Roco

Fanny Serrano, the hard-working president of the Philippine International Cosmetologists Association (PICA), has turned down roles in two major teleseryes, Magkaribal on ABS-CBN which is nearing its finale, and Beauty Queen on GMA-7 which premiered on October 18.


Naging abala sa magkasunod na dalawang araw (October 19 and 20) na local tour, sa Albay at Legazpi City, sa Bicol province, ang makeup artist, fashion designer, at TV-movie actor na si Fanny Serrano. Ito'y kaugnay ng taunang regional competition na isinasagawa ng PICA (Philippine International Cosmetologists Association) para sa mga miyembro nitong hairdressers at makeup artists.

Ang mga kaabalahang ito ni Fanny ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang sana'y pagkakaroon niya ng regular taping jobs sa dalawang malalaking teleserye: Magkaribal sa ABS-CBN na nalalapit na ang wakas, at Beauty Queen sa GMA-7, na nagsimula noong Lunes, October 18.

"Ang daming press na nanghihinayan daw, for me," simulang banggit ni Tita Fanny sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "bakit ko daw tinanggihan 'yung dalawang teleserye. Top-rating at widely followed ang Magkaribal, while yung Beauty Queen, very promising din... ang ganda ng pilot episode nung Lunes!

"Noon pa nga ako sinabihan ni Direk Joel (Lamangan, direktor ng Beauty Queen), nanghihinayang din, dahil, kumbaga, tailor-made daw sa akin ang role," sabi pa ni Tita Fanny, na sana'y gagampanan ang papel ng mabait na adoptive uncle (o gay "tito") ng bidang aktres na si Iza Calzado.

"Mahirap naman kasing wala ako sa PICA events, e, ako ang presidente ng samahan," katwiran din ni TF (Tita Fanny). "Hindi ko rin naman makakayanan kung ako pa ang magiging cause of delay ng taping, at lahat sila, e, magagalit sa akin."

"GAY'' BEMBOL ROCO. Kapalit ni Fanny Serrano sa nasabing papel, sa Beauty Queen, ay ang premyadong male actor na si Bembol Roco.

"Nakakatuwa naman!" natawa si Fanny nang maiparating sa kanya ang naging replacement. Without meaning to offend, nasabi rin niya na, "'Kaloka naman talaga, si Bembol Roco ang katapat ko sa [gay] role na 'yun!

"But in fairness, kapatid, feel ko ang idea nila. For a change kay Bembol, as an actor. I'm sure itinapat lang naman siya sa role ni Robert Arevalo, sa Magkaribal, 'di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fanny added: "Bonggang-bongga ang mga nadagdag sa 'federasyon' ng kabadingan roles sa ating showbiz industry!

"Dapat ay join na rin sina Dante Rivero, Tirso Cruz III, Jestoni Alarcon, or Gabby Concepcion," suggestion pa niya.

PEP told him nakaganap na ng gay role si Pip, in Jose Mari Avellana's Koronang Itim in the '90s, samantalang magiging welcome challenge para sa tatlo pang aktor (Dante, Jestoni, and Gabby) ang paglabas, bilang gay, sa pelikula o teleserye, in the future.

FOREVER GAY. As for Tita Fanny, ang image niya, bilang gay makeup artist and fashion designer ay unang nagmarka sa publiko, dahil ito mismo ang ginampanan niyang papel sa mga una niyang pelikula, noong late '70s.

Nang lumaon, pati sa TV dramas ay lumalabas na rin siya partikular sa mga episodes ng Maalaala Mo Kaya? Ang kaibhan, gumanap siya sa mga mapaghamong papel, na tinanggap naman ng manonood at na-enjoy din ni Fanny dahil dito lumitaw ang kanyang pagiging totoong artist.

Malaking tulong ang nagawa ng direktor na si Joel Lamangan, sa pag-hone ng acting skills ni TF. After several years, nagbalik-acting si Fanny, sa pamamagitan ng indie productions, tulad ng Tulak (2009) at Tarima (2010), na dinirek naman ni Neal Tan.

Sa latest actor-director collaboration nga nila ni Direk Neal, ang Tarima, ay maraming papuri ang natanggap ni Fanny sa kanyang pagganap, na mahirap agad sundan ng iba pang mapaghamong papel, sa indie movies man o sa dramang pan-telebisyon. Sa pelikula'y ginampanan ni Fanny ang papel ng isang demure and oppressed gay na umibig sa isang jail inmate, played by newcomer Rocky Salumbides.

"Tama lang pala 'yung hindi ko rin pag-expose masyado, sa pelikula o teleserye," naisip ni Fanny. "I realized baka magkaroon ng 'sawa factor' sa usual actors na gumaganap ng gay roles. Feel din kasi ng mga involved, lalo sa TV, 'yung hindi madalas napapanood, pero meron naman sigurong karapatan na gumanap uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wait na lang tayo ng right role, sa comeback ko naman, sa teleserye," sabi pa ni Fanny.

Samantala, hindi maihiwalay ni Fanny ang pagiging hairstylist/make-up artist niya, sa kung paano siya kilala ngayon ng publiko bilang aktor. Dahil kilalang-kilala rin siya sa Bicol, at iba pang regions, bilang official makeup artist at kaibigan nina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino, among other celebrities.

In fact, matapos ang events sa Bicol, hinarap naman ni Tita Fanny ang pagsu-supervise sa make-over ni Vivian Velez, bilang isang halimaw, sa ongoing teleseryeng Imortal (ng ABS-CBN).

"Nakukulangan sila sa make-up ni Vivian, para sa role niya sa Imortal. Dapat talaga may certain menacing look, na nakakatakot ang dating, kaya kailangang tutukan," sabi rin ni Fanny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN