Vicky Morales was working until she gave birth to baby Daniela

"Gusto talaga ni King (Vicky's husband, left) na I give birth on 10-10-10. In fact, pina-reserve na niya sa hospital ang delivery room at ang suite when we found out that I was pregnant. But Daniela couldn't wait, gusto na niyang lumabas sa mundo," Vicky says on delivering her baby, one day shy of October 10, 2010, believed to be an auspicious date.


It's a baby girl para sa ikalawang panganganak ni Vicky Morales, ang Saksi anchor at Wish Ko Lang host ng GMA News and Public Affairs.

Second childbirth pa lamang ni Vicky, pero ikatlong anak na ang kanyang bagong sanggol, dahil kambal ang panganay nitong cute boys, na sina Leon at Pipo, na two-and-a-half years old na ngayon.

October 9, 2010, Sabado ng umaga nang isilang ni Vicky sa The Medical City hospital sa Pasig City ang healthy baby girl niya.

Ganoon na lamang ang tuwa ng mabait nitong mister na si Atty. Alfonso "King" Reyno III (ng Reyno Tiu Domingo and Santos Attorneys-at-Law), dahil muli silang biniyayaan ng anak na may weight na 7 lbs and 6 oz.

Matatandaang anim na taon, mula nang sila'y ikasal, ang paghihintay ng mag-asawa bago sila ma-bless ng twins. Ngayon ay kasama pa ni Vicky sa TV commercial ng baby diapers ang mga ito.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan kay Vicky, muntik-muntikan nang matupad ang "wish" ng asawang si King na manganak ang misis noong 10-10-10 (October 10, 2010). Once in a century nga naman ang ganoong petsa, at isang araw na lang ang diperensiya, pero gusto ng baby ang 10-9-10.

"Pasensiya na ha, hindi kita nabalikan agad sa text mo dahil hindi ko na ma-distinguish ang araw sa gabi dahil kinakarir ko na ang round-the-clock breastfeeding sa aming bagong baby," masayang bungad ni Vicky sa pamamagitan ng mobile phone.

Ang buong pangalan ng "little princess" ng mag-asawang Vicky at Atty. King ay Daniela Simone Morales Reyno, na isinilang ng lady anchor via Caesarean section performed by Dr. Anthony Ancheta's team.

"Gusto talaga ni King na I give birth on 10-10-10. In fact, pina-reserve na niya sa hospital ang delivery room at ang suite, when we found out that I was pregnant. But Daniela couldn't wait, gusto na niyang lumabas sa mundo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST GRANDDAUGHTER. Ayon kay Vicky, ang new baby niya ay ang kauna-unahang apong babae sa both sides nilang mag-asawa, kaya ganoon na lang ang tuwa ng kanilang family members.

"First female grandchild siya on both sides, kaya ang parents ko at ang in-laws ko, sobrang thrilled sila. Para ngang party araw-araw sa condo namin, dahil ang mga kamag-anak, they visit our little princess almost every day!"

Kung first granddaughter si Daniela sa pamilya on both sides, ilang lalaking apo na ba meron sa bawa't side?

"Apat na lalaking apo sa side namin, at tatlo sa side ni King. Kaya thrilled na thrilled ang lahat!"

Hindi rin daw masyado matagal at mahirap ang pagle-labor ni Vicky.

"Nag-start akong mag-labor nang gabi ng October 8, and nanganak ako nung umaga ng October 9."

Nalungkot ba silang mag-asawa nung hindi 10-10-10 ang birth date ng kanilang bunso?

"Hindi naman. Actually, the date is really inconsequential. Hindi naman ganoon talaga kahalaga 'yun. Ang importante ay lumabas na healthy si Daniela.

"At ang kaniyang identical twin brothers na sina Leon and Pipo, they are very fond of her, as in, tuwang-tuwa sa bago nilang kapatid. Lagi nilang hinahalikan at niyayakap, many times a day 'yun, huh!" masayang kuwento ni Vicky.

NAMED AFTER HER DAD. Saan nila nakuha ang pangalang Daniela for their newborn?

"'Daniela was named after my father, Dr. Dante Morales, at yung second name niyang Simone, binigay naman ng mother-in-law ko (Yoly Reyno), dahil lagi niyang sinasabing gusto niya ang name na 'yun and it goes very well with the name Daniela."

Sino ang mas kamukha ng baby, siya o ang amang si Atty. King?

"The consensus is that, she looks like her father King, na tuwang-tuwa at laging kinukunan ang mga bata. Dahil hobby niya talaga ang photography. Kilig na kilig 'yan pag ganoon ang naririnig niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Daniela has bright, beautiful eyes, dainty fingers and toes, has a full head of hair, at laging nag-i-smile."

Sa panahong on-maternity leave si Vicky sa kanyang Saksi anchor job sa GMA-7, si Mariz Umali ang kanyang naging subsititute, hanggang sa makabalik na ito for work anytime now.

WORKING UNTIL DELIVERY DAY. May nakakatuwang kuwento ang multi-awarded lady anchor-host tungkol sa kanyang top-rating Saturday show, ang Wish Ko Lang, kunsaan nag-advance taping na siya para sa ilang episodes.

"Nagpatuloy ako sa pagte-taping hanggang sa araw bago ako manganak!" aniya.

"Ang nakakatawa pa nito, habang nasa labor room ako nung October 9 [Sabado] nang umaga, tumawag sa akin ang P.A. [personal assistant] ng Wish Ko Lang.

"I was informed na may nawawalang portion sa na-record ko na voice over para sa episode na ie-air nung hapon ding 'yun! E, ilang oras na lang ang pagitan.

"Pero dahil dinadala na ako ng stretcher papuntang delivery room, sinabi ko doon sa P.A. na bumalik na lang pagkapanganak ko or after my operation.

"Kaya ayun, right after I gave birth at nag-wear off na 'yung sedatives ko sa recovery room, pinatong ko na 'yung laptop ko sa dibdib ko, habang nakahiga pa ako.

"And then, with the help of my sister, in-email namin 'yung missing voice over (audio file) sa GMA. Buti na lang, umabot and the show was aired as planned. Nakakatawa talaga!"

Kabilang sa mga awards na nakuha ni Vicky in her many successful years sa local broadcasting ay ilang tropeo na mula sa PMPC Star Awards for Television bilang Best Female Newscaster for Saksi, at Best Public Service Program Host for Wish Ko Lang.

Ang Wish Ko Lang, na ilang taon na sa ere, ay Hall of Famer na rin sa Catholic Mass Media Awards, among many other recognitions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN