Nicky Castro: From PETA stage actor to GMA-7's newest child star

At six years old, Nicky Castro is a veteran actor, having already appeared in 12 stage plays.


May bagong child star ang GMA-7 at ito ay si Nicky Castro na bidang bata sa Little Star, ang bagong drama series ng Kapuso network.

Siguradong kahit bata pa, may ibubuga sa acting si Nicky dahil isa itong stage actor ng PETA.

At dahil bata pa lang, isang simple at diretsong question and answer ang naging takbo ng interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Nicky sa presscon ng Little Star last Thursday, October 21 sa 17th floor ng GMA TV Complex.

So here goes...

PEP: Ilang taon ka na?

Nicky: Anim po.

PEP: Nakailang taping days ka na sa Little Star?

Nicky: Ah, isa pa lang po, kagabi po. Pinaiyak lang po ako, pinakanta po.

PEP: Sino ang nagturo sa iyo kumanta?

Nicky: Sa PETA, si Vincent de Jesus po.

PEP: Naka-ilang stage plays ka na?

Nicky: Madami na po, mga 12 shows na po.

Ang pinaka-latest play raw ni Nicky ay may pamagat na Rated PG. Nang tanungin ng PEP kung puwede ba ito sa bata (base sa titulo), ang sagot niya ay puwede rin daw sa matanda.

PEP: Ano ang feeling mo na bida ka dito sa bagong series? Masaya ka ba?

Nicky: Opo!

PEP: Hindi ka ba kinakabahan kapag humaharap sa kamera?

Nicky: Hindi naman po.

Kaibigan ni Nicky si Jillian Ward at ayon dito, naging magkaibigan sila ni Jillian nang pareho silang nag-guest sa The Last Prince ni Aljur Abrenica. Pareho silang gumanap na duwende sa naturang TV show.

Nagkasama rin sila ni Jillian sa kiddie show ng GMA na Watchamakulit. Wala pa raw pelikulang nagagawa si Nicky, puro TV shows pa lamang.

Gusto raw talagang mag-artista ni Nicky at ang paborito niyang male star ay si Aljur dahil magaling raw umarte ang binata, at sa babae naman, gusto raw niya sina Kris Bernal at Bianca King na nakasama rin niya sa The Last Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: Naka-eksena mo na ba si Jennylyn Mercado [na bidang babae sa Little Star]?

Nicky: Photo shoot pa lang po.

Mabait raw si Jennylyn, pati na rin ang isa pang female lead ng series na si Lovi Poe.

Sa tanong naman kung sino kina Jennylyn at Lovi ang mas mabait, ang sagot ni Nicky ay "Pareho po."

Mabait rin daw sa kanya ang manager niya na si Joe Barrameda na incidentally, ay manager rin ni Jillian.

Ang Little Star ang papalit sa katatapos lamang na Trudis Liit na pinagbidahan ni Jillian sa GMA 7's Haponalo block simula sa Lunes ng hapon, October 25.

PEP: Nag-aaral ka na ba, Nicky? Saan?

Nicky: Sa College of San Benildo-Rizal po, sa Marcos Highway.

PEP: Anong grade ka na?

Nicky: Grade 1-E po.

Favorite subjects raw niya ang Math at Science at gusto raw niya maging isang scientist pag laki.

Sa tanong kung bakit gusto niya maging scientist, ang sagot ng batang aktor ay...

"Para puwede akong gumawa ng robot na puwedeng lumaban sa mga bad people!"

Favorite toys naman raw ni Nicky ang Pokemon, Benten at mga action figures sa Toy Story 3.

Hindi naman magkaka-problema ang bata sa kanyang pag-aaral dahil nakipag-usap na raw ang kanyang ina sa school head tungkol sa kung ilang araw lamang puwedeng um-absent si Nicky.

Ginawan naman ng paraan ng management ng GMA na ayusin ang taping schedule ni Nicky upang hindi maapektuhan ang pag-aaral nito.

Bukod kina Nicky (na gumaganap bilang si Diego), Lovi (as Gwyneth) at Jennylyn (as Helen), nasa Little Star rin sina Mark Anthony Fernandez (as Dave), at Paolo Contis (as Lester), pati na rin sina Jiro Manio (as Joross), Allan Paule (as Gener), Maricel Morales (as Ruby), Rich Asuncion (as Bianca), Shamaine Centenera at si Sarah Lahbati (as Paula).

Ito ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN