Heart Evangelista and Dennis Trillo are in love, but not with each other

Dennis Trillo (left) remains tight-lipped about his girlfriend, Jennylyn Mercado, while Heart Evangelista (right) is quite open about her relationship with Daniel Matsunaga.


Naging tapat noon si Dennis Trillo sa pagsasabing si Heart Evangelista ang kanyang tipo na babae.

Hindi man ito nauwi sa isang relasyon, sapat na raw na maging magkaibigan na lang ang dalawa at magkasama sa bagong GMA series na Dwarfina.

"Hindi naman kami nandito para gumawa ng panibagong love life, nandito kami para magtrabaho," pahayag ng aktor nang sabay silang interbyuhin ng Startalk TX na ipinalabas kahapon, Sabado, October 23.

Ayon naman kay Heart, "Yeah and I'm really excited to work with Dennis kasi nabitin din ako sa Mano Po, dahil iba din siyang kabatuhan sa linya.

"He's a very good actor."

Kitang-kita na parehong in love ngayon sina Dennis at Heart; si Dennis, kay Jennylyn Mercado, at si Heart naman, kay Brazilian-Japanese actor/model na si Daniel Matsunaga.

Pero sapat na ba ito para maramdaman ng mga manonood ang pag-iibigan ng mga karakter nila sa Dwarfina?

"Kaya pag pinanood ninyo yung Dwarfina, yung nararamdaman naming inspirasyon, makikita ninyo doon," says Heart.

Na sinegundahan naman ni Dennis, "Oo kasi na-experience na namin, alam na namin, e."

During the interview, Heart managed to ask Dennis some questions habang hawak ang mikropono ng isa sa mga TV crew na nag-iinterbyu sa kanila.

Tinanong ni Heart ang aktor kung ano ang mga nakita nito kay Jennylyn at na-in love siya sa aktres.

"Siyempre, simple lang siya, mabait na tao, totoong tao," Dennis said.

Tinanong naman ng aktor si Heart kung ano ang mga qualities na nagustuhan ng dalaga sa present boyfriend nito na si Daniel.

Heart replied, "Mabait, mabuting tao, totoong tao, masayang kasama, ganyan.

"Parang pareho rin ni Jennylyn!"

Na sinagot naman ni Dennis ng "Ganu'n talaga 'yun, e!"

Pero matipid pa rin ang mga sagot ni Dennis tungkol sa relasyon nila ni Jennylyn.

"Kahit anong relasyon naman, mas maganda yung tahimik, di ba, para siyempre, personal na parte yun ng buhay mo, iyon ang kabilang side ng life mo pag hindi ka artista, di ba? So ako mas gusto ko talaga tahimik."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very open naman si Heart sa relasyon nila ni Daniel.

Kamakailan nga ay nagbakasyon ang dalawa sa Japan.

And to document their trip, isang music video pa raw ang ginawa ni Heart.

"Yes, that's true, [it's] a personal video sana, but why not share with the fans yung love?

"I've always edited my videos, my vacations, ganyan, nag-e-edit talaga ako."

Kung si Heart [at Daniel] ay sa Japan, si Dennis naman ay may memorable moments with Jennylyn sa Hong Kong.

The two were also asked kung ano ang mga nangyaring hinding-hindi malilimutan ni Dennis sa Hong Kong at ni Heart sa Japan, nuong kasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

"Wala naman siyempre, yung pasyal, kasama mo yung espesyal sa 'yo," sabi ni Dennis.

Ayon naman kay Heart, "Actually kahit saan ka pumunta, kahit sabihin mong pumunta ka lang diyan sa wet market ganyan, everything is fun when you're in love, tama Dennis?"

Agree naman si Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN