Mark Herras denies ownership of bar and resto but says he will cooperate with BIR

Mark Herras denies that he co-owns and serves as corporate treasurer of Club Served Bar & Restaurant in Cubao.


Ini-report ng Startalk TX kahapon, Sabado, October 23, na nakatakdang sumipot ang young actor na si Mark Herras sa pagdinig ng kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue sa Martes, October 26.

Kaugnay ito sa kanyang failure na isumite sa naturang ahensiya ang accounting records ng umano'y sinosyohang bar and restaurant ni Mark para sa taong 2008.

Bagama't itinanggi na ng aktor na siya'y bahagi ng Club Served Bar & Restaurant sa Cubao at itinuturong corporate treasurer, susundin niya ang ipinag-uutos ng Quezon City Prosecutor's Office.

Ayon kay Mark, inaayos nila ng kanyang legal counsel kung ano ang mga dapat isaayos, sa tulong na rin ng kanyang mga mahal sa buhay.

"Si daddy, si tito, sila po 'yung naka-alalay and sila po 'yung nakatutok dito,' pahayag ng aktor.

Ayon naman kay Atty. Aquil Tamano, ang legal counsel ni Mark: "Willing naman si Mark to bring those documents if [they're] with him, and mag-file kami ng counter affidavit explaining kung bakit hindi niya na-produce 'yung mga dokumentong iyon."

Dagdag pang sinabi ng abugado ni Mark, "Actually basta nadala ni Mark 'yung mga dokumento, idi-dismiss na itong kasong ito."

Nauna nang ipinahayag ni Mark sa Startalk TX na tumulong lang raw siya sa pagko-conceptualize ng naturang establishment.

Kaya upang mapanatag na rin ang mga nababahala at concerned para sa aktor, sinabi rin ng legal counsel niya: "Sisiguraduhin natin na walang mangyayari kay Mark, at konting abala lang ito. At alam naman natin na walang anumang intensyon si Mark to violate any law.

"He is a law-abiding citizen," mariing sinabi pa ni Atty. Tamano.

May mensahe naman si Mark para sa mga taong nagmamahal, nag-aalala at laging nakasuporta sa kanya.

"Sa mga taong... sa family ko, sa mga mahal ko sa buhay, sa lahat po ng sumuporta sa akin, nagpapasalamat po ako. Sa kabila ng lahat ng issues na ibinato sa akin e, nandiyan pa rin kayong lahat sa likod ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN