Borgy Manotoc ready for showbiz and, maybe later, politics

Borgy Manotoc prefers to tackle the role of villain than hero. "I've always wanted to play the antagonist, maybe play a funny bad guy, that would be fun," he says.


Live na nag-guest noong Sabado, October 23, sa StarTalk TX si Borgy Manotoc na ngayon ay handa na raw pasukin ang mundo ng showbiz.

"I think it's time now. Kasi dati, may business ako, kailangan ko talaga hands on. And now three years na yung business ko, so kaya ko naman mag-interject sa TV, sa showbiz," sagot ni Borgy nang tanungin ng StarTalk hosts, na sina Lolit Solis, Butch Francisco at Ricky Lo, kung bakit nag-decide na siyang mag-artista.

Noon pa man, marami na ang kumukuha kay Borgy na mag-artista. Paano siya napapayag na maging contract artist ng Viva, na isang film outfit at artist management company?

"I think that it was the right time, and I feel that you know, I'm in the right situation in my life. Na kaya ko na, really, to enter show business.

"In the past, it was more of something I wanted to try out, to experiment, to see if it would click. But now, I really have an idea of what I wanna do."

Mapapanood na ba siya both in movies and TV?

"Let's start with TV first. Movies? [That's] a little scary, but we'll see what happens," natatawang sinabi ni Borgy.

Mag-aaral din daw siyang mabuti ng Tagalog.

KONTRABIDA ROLES. Sa tanong naman kung ano ang nais niyang gampanang papel, sinabi ni Borgy na gusto niyang mag-kontrabida, isang nakakatawang kontrabida, para maipakita raw niya ang "different side of Borgy."

"I've always wanted to play the antagonist, maybe to play a funny bad guy, that would be fun," he said.

His choices of future leading ladies?

"Let's see, who would be good? I've always thought Heart [Evangelista] is really talented and obviously very beautiful, but I know she has a boyfriend, so, you know, for work purposes."

Nais rin ni Borgy na makatrabaho si Marian Rivera, pati na rin ang showbiz crush niyang si Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON DATING. Ano ang status nila ni Georgina Wilson, na ngayon ay napapabalitang girlfriend ni Borgy?

"Right now we're still dating, we're taking things slow. We're both very busy, so I think we're in no rush to make a commitment. We're in our 20s still, so we're still quite young. We'll see how it goes."

Wala raw silang problema ni Richard Gutierrez na dating karelasyon ni Georgina.

"We're good! He's a nice guy, we've met a few times. We've gone out, we've hung out, like for dinner and drinks, okay naman."

Never raw sila nagkaroon ng awkward moment ni Richard.

"Because they're still friends, wala silang problema, so it's easy," he said, referring to Georgina and Richard.

Selosa ba si Georgina? Lalo pa ngayon at mag-aartista na si Borgy?

"Ah hindi naman, hindi naman.

"She's very understanding. Of course, she dated somebody like Richard, so alam niya kung ano ang nangyayari sa showbiz, alam niya ang mga intriga, so she understands."

Naikuwento rin ni Borgy na mas gusto ni Georgina ang maiksing buhok niya ngayon.

"So now she speaks to me. Dati daw hindi niya gusto yung mahabang buhok," pabirong sabi ng binata.

POLITICS IN HIS BLOOD. Si Borgy ay apo ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Edralin Marcos at dating First Lady na si Imelda Romualdez Marcos, anak ng incumbent Ilocos Norte Governor Imee Marcos, at pamangkin ng current Senator Bongbong Marcos.

Naging kontrobersiyal ang lolo nito dahil idineklara ni Ferdinand Marcos ang martial law sa panahong hindi na siya maaaring tumakbo pa ng karagdagang termino. Sa pagkakadeklara nito ng ML, pinawalang bisa nito ang legislative, executive at judicial branches, at siya lamang ang naghari. Ipinakulong ang mga senador ng bansa na kalaban niya, kasama na si former Senator Benigno "Ninoy" Aquino, pati na ang mga malalaking businessmen at landlords na hindi sumasang-ayon sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging diktador si Marcos mula 1972-1981, ang taong officially na-lift ang ML. Ngunit totoo ring siya pa rin ang nagdidikta ng lahat ng importanteng kaganapan sa bansa hanggang napatalsik siya ng People Power Revolution ng 1986.

Dito na naupo sa Malacañang si Corazon Cojuangco Aquino, ang biyuda ni Ninoy. Si Ninoy ang kinikilalang pinakamalaking kalaban ni Marcos sa pulikita, na pinaslang noong kapanahunan ng diktador. Si Cory at Ninoy ang mga magulang ng actress-host-endorser na si Kris Aquino at ng kasalukuyang Presidente ng Pilipinas, si Noynoy Aquino.

Hindi maitatatwang nasa dugo ni Borgy ang pulitika.

Papasukin rin ba niya ito balang-araw?

"Ah well, [politics] is a different animal. I think show business first. Politics? Maybe, [it] will come later. It's part of my family, I can't say no but at the same time I think the climate of politics is a bit... you know... So we'll see. Sa ngayon, sa show business muna."

Handa ba si Borgy sa mga intriga sa showbiz?

"Parang, obviously... I won't understand till I'm really in it. But kasi yung pamilya ko, since we were kids, we've always experienced different intrigues here and there. So I think I've seen what happens — the extent of it, so I think ready naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN