Paolo Contis denies partner Lian Paz is pregnant with their second child

"Nagulat talaga ako sa balitang 'yan. The truth is we are not sure yet if Lian is pregnant. Malalaman namin 'yan next month pa siguro. Ayaw naming mag-assume kasi nga it's too early to tell," says Paolo Contis about reports that partner Lian Paz is pregnant again.


Wala pang confirmation si Paolo Contis kung buntis ang kanyang girlfriend na si Lian Paz sa ikalawa nilang baby.

Nagulat na lang daw si Paolo at may mga nagku-congratulate sa kanya dahil buntis na raw ulit si Lian at magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Xonia Aitana.

"Nagtaka ako kung bakit may mga nagku-congratulate sa akin. Akala ko because of the show Little Star. Ako naman, 'Thank you!' Yun pala, dahil buntis daw ulit si Lian. Gano'n?!" natatawang sabi ni Paolo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Little Star.

Gusto lang linawin ni Paolo na wala silang pinapalabas na announcement na buntis ulit si Lian. Hindi raw sa kanila galing 'yon.

"Nagulat talaga ako sa balitang 'yan. The truth is we are not sure yet if Lian is pregnant," sabi ng aktor. "Malalaman namin 'yan next month pa siguro. Ayaw naming mag-assume kasi nga it's too early to tell.

"Puwedeng oo at puwedeng false alarm lang. Hindi naman siguro kaila sa lahat na may complications si Lian sa katawan niya. She's taking these medications for her hormonal imbalance. Nagpapa-check up din siya for that.


"Kaya we want to be sure bago kami magsabi. So, next month na lang ang announcement kung ano nga ba."

Naisip ni Paolo na baka nagsimula ang balitang buntis si Lian nang may mga makakita sa kanila sa St. Luke's Medical Center. Sinabi ni Paolo na nandoon sila dahil may regular check-up ang anak nilang si Xonia sa pediatrician nito.

Kuwento niya, "Nandoon kami for Xonia kasi regular na check-up 'yon. Kung napapansin nilang medyo mataba si Lian, normal lang 'yon kasi nga hindi naman na siya sumasayaw. Hindi na natatagtag ang katawan ni Lian unlike before."

Sabi ni Paolo, sabay tawa: "Gusto nga niyang pumayat, tapos buntis na naman?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Paolo, wala namang masama kung mabuntis ulit si Lian. Gusto na raw kasi nilang magkaroon ng kasunod si Xonia.

"Siyempre, gusto rin namin talaga. Mabilis lumaki si Xonia. Baka nga next week nag-aaral na siya!" tawa ulit ni Paolo.

"Gano'n sila kabilis lumaki ngayon. Kaya kung magkaroon ng next baby, why not? Blessing 'yan mula kay God, di ba?

"But we want to be sure first, kaya wala pa kaming official announcement tungkol diyan. Wait na lang nila sa November kung true or false ang balita."

NEW HOUSE. Ang totoo raw ay may bagong bahay nang lilipatan ang pamilya ni Paolo. Four-bedroom house daw ito na tamang-tama sa kanila.

Pinapaayos na lang daw ni Paolo ang ilang bagay sa bahay at namimili na sila ng mga gamit.

"Magastos pala talaga ang magkabahay!" tawa niya. "Walang nakapagsabi sa akin na magastos pala ang magkaroon ng sariling bahay! Akala ko hindi totoo!

"Mabuti na lang at marami tayong raket. Mabuti na lang at dumating itong Little Star.

"Pero ito yung isa sa mga dreams namin ni Lian. Noong makita namin ang bahay, it's the perfect house for us. Unti-unti na siyang nabubuo at makakalipat na kami by January 2011.

"Actually, kahit sa December ay puwede na kaming lumipat. Kasi gusto ko na mag-first Christmas doon si Xonia. Mag-set up na kami ng Christmas tree at kunan namin siya doon.

"It will be a happy Christmas for all of us kasi bagong bahay at pagdating ng 2011, nandoon na kami. So, excited kaming lahat sa bahay."

NEXT STAGE. Tungkol naman sa pagpapakasal, nasa next stage na raw yan ng mga plano nila Paolo at Lian. Iniisa-isa raw muna nila ang ilang bagay bago ang pagpapakasal nila sa simbahan.

"Nasa program naman lahat yan. Inuuna lang muna namin ang ilang bagay like yung bahay nga. Inuna namin 'yon. Oo, ikinasal ka nga nang bongga, pero wala naman kayong magandang matirhan pa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos gusto naming maging flower girl sa kasal si Xonia. Kaya sa time na puwede na siyang maglakad nang mabilis, doon na kami magpaplano for the wedding. We want Xonia to be part of the entourage.

"Kaya naka-program 'yan mga two or three years from now. Mabilis naman ang panahon, e. Before you know it, nandiyan na ang date na inilaan ninyo. And I know that God will provide. He always does, kaya super-trabaho tayo ngayon para sa pamilya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN