Lovi Poe says boyfriend Ronald Singson has not yet proposed to her

"It will not be the right time to even talk about getting married. Maraming mababago if ever it happens," says Lovi Poe.


Maraming positive feedback ang natanggap ni Lovi Poe dahil sa kanyang pagganap bilang batang Amparo San Miguel—na sa paglaki ay naging si Elizabeth Oropesa—sa primetime series ng GMA-7 na Beauty Queen.

Kahit tatlong araw lang siyang lumabas sa naturang teleserye ay markado ang kanyang pagganap.

Ayon kay Lovi, noong una niyang mabasa ang script para sa role sa Beauty Queen ay kinabahan siya. Ibang-iba raw kasi ito sa mga nagawa niyang roles sa TV.

Pero nagtiwala naman daw siya kay Joel Lamangan, isang premyado at beteranong direktor, kaya ibinuhos na niya ang kanyang mga nalalaman sa pag-arte sa pagkakataong 'yon.

"I feel so happy kasi ang daming positive feedback sa performance ko sa Beauty Queen. I didn't expect na yun ang mga sasabihin nila. Kaya naiyak ako sa tuwa.

"Ako naman, I gave my best kahit alam kong saglit lang ang paglabas ko doon. Direk Joel really helped me with my character at nagawa ko naman siguro nang tama," sabi ni Lovi sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Inamin ni Lovi na may mga pinanghugutan siya mula sa kanyang personal na experiences kaya buong husay niyang nagampanan ang role ng isang frustrated na beauty queen.

"There are personal things in my life na masakit and doon ako kumuha ng inspiration for my performance. Kumbaga, ang galit ko sa mundo noon ay nagamit ko na and it really worked pala," saad niya.

Pero tumanggi nang sabihin ni Lovi kung ano ang mga galit niyang ito.

"Kung ano ang mga personal na galit na 'yon, sa akin na lang kasi it's just for me to know na lang. I'm just glad na I put it to good use sa trabaho ko."

YOUNG CO-STAR. Kuwento pa ni Lovi, bago sila mag-shoot ng gumanap niyang anak sa Beauty Queen—na si Margareth Samson as the young Maita San Miguel, na sa paglaki ay naging si Iza Calzado—kinakausap muna raw niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-usapan nila ang tungkol sa mangyayaring eksena para hindi ito matakot sa kanya.

"Ayoko namang ma-trauma sa akin yung bata kaya I talked to her na acting lang kami. Hindi totoong galit ako sa kanya. Nakakatuwa naman sa bata kasi she's very professional about everything. Magaling siyang umiyak and she really makes me cry sa mga scenes namin.

"After ko naman siyang pagalitan sa scene, niyayakap ko siya kapag nag-cut na si Direk Joel. I congratulate her for a good performance. Malayo ang mararating ng batang 'yon kasi she's very good."

ANOTHER CHALLENGING ROLE. Sa bagong afternoon soap naman na Little Star, na magsisimula na bukas, October 25, challenging na naman ang role ni Lovi bilang si Gwyneth, ang babaeng obsessed kay Mark Anthony Fernandez.

"I now enjoy playing crazy roles!" tawa ni Lovi. "Dito sa Little Star, para akong si Glenn Close sa Fatal Attraction. Something like that na baliw na baliw sa pag-ibig."

Siya na rin ang nagsabi: "Kung nainis sila sa akin sa Beauty Queen, mas maiinis sila sa akin dito sa Little Star because marami akong gagawin that will really make people mad at my character.

"Pero trabaho lang po.

"Kaya sa mga fans ni Jennylyn [Mercado], huwag po kayong magalit sa akin at trabaho lang po."

NOT YET ENGAGED. Pinabulaanan naman ni Lovi ang balitang nag-propose na raw ng kasal sa kanya si Congressman Ronald Singson, na sa mahabang panahon ay laging "alleged boyfriend" niya kung pangalanan ng media.

Ayon sa report, nag-propose daw si Ronald nang huling bumisita sa kanya si Lovi sa Hong Kong, habang naghihintay ang kongresista ng court date sa drug-related case nito.

Natawa lang si Lovi dahil wala naman daw proposal na naganap. Sana raw ay may suot na siyang engagement ring kung totoo iyon. Pero hindi niya ni minsan sinabing hindi naman sila magkasintahan ni Ronald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Buti pa sila, alam nila na nag-propose si Ronald sa akin. Bakit hindi ko alam?" tawa niya.

"It's not true, at matagal pa siguro 'yan mangyayari. Ronald knows how much I love my career now. Maraming dumarating and I am overwhelmed by it all.

"It will not be the right time to even talk about getting married. Maraming mababago if ever it happens. Right now, ayokong may mabago sa career ko ngayon.

"I've been waiting for these big breaks, and I don't want to disappoint the people who placed their trust in me, lalo na ang manager ko na si Tito Leo [Dominguez]. He fought for me for such a long time and I don't want to just ruin that in an instant."

Kung tutuusin ay kayang-kayang buhayin ni Ronald si Lovi kung totoo ngang magpapakasal na sila. Si Ronald ay kabilang sa makapangyarihan at mayamang angkan na pinamumunuan ni Governer Chavit Singson. Si Manong Chavit, ang mas popular na pangalan ng gobernador, ay may kontrobersyal ding reputasyon sa pulitika at sa personal na buhay, kasama na rito ang nangyaring battery ng kanyang partner na si Che.

Ngunit dahil malalim ang balon ng kayamanan ng mga Singson, ang usap-usapan sa showbiz ay buhay-reyna si Lovi kung sakali. Sinasabi pang hindi na raw nito kailangan pang mag-artista.

Pero matalino si Lovi. Aniya, "Napaka-superficial ko naman if I depend my life on one person. Ano pa ang purpose ng pag-work ko if I will only throw it away para lang dumepende sa isang tao?"

Dagdag pa ng anak ng King of Philippine Movies, ang yumaong si Fernando Poe Jr., na hindi pa napapalitan sa trono hanggang ngayon: "I have a goal— and that is to make good of my life."

At mukhang may independenteng pag-iisip si Lovi: "I want to be an independent person and not make sandal sa ibang tao. I want my own career and own my life. I was not raised to put my life on hold. I control my life, and kung ano ang gusto kong mangyari, mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN