Pauleen Luna confronts rumor saying she was spotted kissing KC Montero

Young actress-TV host Pauleen Luna answered past and present issues about her during a guest appearance on TV5's Sunday afternoon showbiz show, Paparazzi.


Nagsalita na ang young actress na si Pauleen Luna tungkol sa iba't-ibang isyung kinasasangkutan niya, kasama na ang pagkaka-link ng kanyang ex-boyfriend na si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian sa ex-girlfriend ni PNOY na si Councilor Shalani Soledad ng parehong lungsod.

Nagbigay ng mga pahayag si Pauleen sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa TV5 talk show na Paparazzi na ipinalabas kahapon, October 24.

Nabalita kasing madalas na makitang magkasama sa ilang events sina Mayor Sherwin at Shalani. Ano ang reaksiyon dito ni Pauleen?

"Actually, I really, really like Councilor Shalani. I find her modest, down to earth, and very pretty. When I heard about it, sabi ko, 'Oh, good catch!'

"But then, I talked to Mayor. Sabi ko, 'Ikaw, a, Councilor Shalani, a!' Pero he told me it's not true," paglilinaw ni Pauleen.

Maganda ang takbo ng samahan ngayon nina Pauleen at Mayor Sherwin dahil nakakapag-usap na raw sila ngayon.

"We're just talking again...a lot. Kunwari may narinig lang siyang tsismis about me, nagtatanong lang siya," sabi ng Eat Bulaga! mainstay.

KISSING KC MONTERO? Hindi nabanggit ni Pauleen kung isa sa mga tinatanong ni Mayor Sherwin ay ang tsismis tungkol sa pakikipaghalikan niya diumano sa radio and TV host na si KC Montero sa isang private occasion.

Hindi totoo, sagot ni Pauline.

Ayon sa magandang star, "Lumabas nga raw sa isang column na nakita nga raw kami na naghahalikan sa isang... Tinawagan nga ako ni Nay Lolit [Solis], 'Anak, totoo ba na nag-kiss kayo ni KC Montero?' 'Ha?! Si KC?''

"Kasi, we're good friends. Sabi raw somebody saw us kissing at a pool. 'What?! Where did it come from?' Kasi nga we're friends."

AMPALAYA ANONYMOUS. Kahit sinasabi ni Pauleen na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa Ampalaya Anonymous, inungkat uli sa kanya ni Cristy ang naging alitan niya sa mga miyembro nito, na kinabibilangan nina Angel Locsin, Maxene Magalona, Cristine Reyes, Bubbles Paraiso, at Bianca King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It all started on Twitter actually, that very controversial Twitter," sabi ni Pauleen.

"You'll know naman kung pinaparinggan ka ng isang tao. I'm not stupid, I'm not deaf. Silence doesn't mean you're stupid. It's just means I don't wanna stoop down to that level."

Ayon kay Pauleen, nagharap at nagkausap naman sila ni Maxene nang ipatawag sila ng GMA-7 management para magkapaliwanagan bago nagsimula ang pinagsamahang afternoon soap na Trudis Liit. Naayos naman daw ang isyu sa kanilang dalawa ni Maxene.

Present din daw sa paghaharap na 'yon ang ina ni Maxene na si Pia Arroyo-Magalona, ang biyuda ni Francis Magalona, at ang manager ni Pauleen na si Lolit Solis.

Naikuwento raw ni Lolit kay Cristy ang itinakbo ng meeting na iyon. Ayon kay Lolit, nagulat daw siya dahil sa buong buhay niya sa showbiz, sa mga stars na nakasalubong na niya at mga nangawala na, noon lang daw siya nakakita ng ganoong bata. Ang tinutukoy niya ay si Maxene.

Tinanong ni Cristy si Pauleen at sinabihang sumagot lang ng "oo" o "hindi."

Umamin si Maxene na sinaktan ka niya?

"Opo," mabilis na sagot ni Pauleen.

Umamin siya na kaya ka niya inaway ay dahil kumampi siya kay Cristine?

"Opo."

Nilinaw naman ni Pauleen na nagkaayos na sila ni Maxene.

"Kami ni Maxene are okay now. After that meeting, na-settle na namin ang dapat i-settle and everything is fine," saad niya.

Matagal nang sinasabi na ang pakikipagrelasyon noon ni Pauleen kay Dennis Trillo ang rason kung bakit nagalit sa kanya si Cristine. Dating magkasintahan sina Dennis at Cristine.

Sinasabi naman ni Pauleen sa interviews na ang relasyon nila ni Dennis ay walang kakuwenta-kuwenta dahil tumagal lang ito ng napakaikling panahon.

Pero ang pakikipagrelasyon ba niya kay Dennis ang rason ng galit ni Cristine sa kanya?

"I believe that that was the reason why she got mad at me," pagtatapat ni Pauleen. "But I still do not get her point.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako, if ever na may maging girlfriend si Dennis after me, I don't have any right to get mad at that person or to get mad at him. Because it's over. The fact na tinapos na ninyong dalawa, wala na po kayong karapatan sa isa't-isa."

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Pauleen tungkol kay Cristine. Halatang hindi pa naaalis sa sistema ng una ang isyu sa kanila ng huli.

Nang matanong naman si Pauleen tungkol kay Angel Locsin, mayroon itong nasabi sa aktres.

"Hindi naman po kasi kami masyadong nagkikita. And yung last na usap namin ay tungkol sa issue. I was trying to explain my side. Kasi she asked me about it," banggit niya.

Natanong din si Pauleen kung kumusta sila ng isa pang member ng Ampalaya Anonymous na si Bubbles Paraiso.

"I see her around. You know, we're civil," maiksi at mabilis niyang sagot.

Nang si Bianca King naman ang natanong kay Pauleen, ito lang ang nakangiting sinabi ng huli: "Nagbigay po siya ng statement na we're not close. I agree."

Wala na ba siyang kahit konting angst or anumang dinaramdam sa mga miyembro ng Ampalaya Anonymous?

"Forgiven but not forgotten," makahulugang sagot ni Pauleen.

KIMERALD FANS. Inungkat din ng Paparazzi angisyu noon tungkol sa pang-aaway diumano sa kanya ng fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu, ang Kimerald, dahil sa pagkaka-link ni Pauleen sa sikat na matinee idol.

Nabalita ang pagdalaw-dalaw ni Gerald kay Pauleen at ang pagdadala nito ng pagkain sa Eat Bulaga! Itinanggi ito noong una ni Gerald nang mausisa ito ng press sa kasagsagan ng isyu.

"Hindi ko alam," sambit ni Pauleen sa rason kung bakit itinanggi ito ni Gerald noong una.

Nang tinanong si Pauline kung ilang beses siya dinalaw ni Gerald, sinabi nitong mga tatlo hanggang apat na beses bumisita si Gerald sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang nakakatawa doon, nagulat ako dahil may guts siyang mag-deny, dahil hindi lang siya nagbibigay sa akin ng pasalubong. Even to Ruby [Rodriguez], to the kids of Ruby, nagbibigay siya.

"I guess mahal siguro niya ang trabaho niya kaya he's willing to risk... How many people saw him, 30 people? Hayaan na lang siguro na yung 30 people ang tingin sa kanya sinungaling, but the rest of the world..."

Hindi na raw nag-abala pang tawagan o i-text ni Pauline si Gerald matapos ang pag-deny ng aktor.

"In-ignore ko na lang. Inintindi ko po na he's one hot celebrity right now. Mas mahal talaga niya yung career more than anthing else," sabi ng host-actress na mukhang mas mature ngayon, batay sa kaniyang pagsasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN