Boy Abunda's birthday celebration in The Buzz, Part 1: Boy reveals his most profitable talents

The "Queen of All Media" visits her best friend and business manager, the "King of Talk" Boy Abunda, on his birthday celebration in The Buzz. Among the questions that Kris posed to the talent manager-TV host was: who are his most profitable talents? Boy's answer: "Ikaw at ako."


Kahapon, October 24, ay selebrasyon ng kaarawan ng talk show host, talent manager at tinaguriang "King of Talk" na si Boy Abunda sa The Buzz.

At bilang espesyal na guest, bumisita ang kanyang matalik na kaibigan, talent at dating co-host sa show na si Kris Aquino, na in-introduce naman ng current The Buzz co-hosts na sina KC Concepcion, Charlene Gonzalez-Muhlach, at Toni Gonzaga bilang "The Queen of All Media."

Two days before the show ay tinawagan na ni Boy si Kris at ni-request na mag-guest ito sa The Buzz bilang "surprise guest" niya. Siyempre pa, pinaunlakan ni Kris si Boy na isang dekada na niyang kaibigan.

Nagsimula ang interview nilang dalawa with Kris interviewing Boy first.

Ang unang tanong ni Kris ay kung sino sa mga alaga ng pamosong talent manager ang pina-close nito talaga.

"Hard to answer, I will not say that. All of them are close; Gretchen [Barretto], Erik [Santos], Ai-Ai [delas Alas], everybody," sagot ni Boy.

Sino naman ang pinaka-profitable among his talents, sunod na tanong ni Kris.

Sagot ni Boy, "Ikaw at ako."

Na sinegundahan naman ni Kris, "Oo nga, I know!"

Kris: "If you could turn back time, back to the end of May of this year na nag-guest host sa Wowowee si Robin [Padilla], nagka-in-love-an yung dalawa [Mariel Rodriguez and Robin], ikinasal, would you wish to have the time machine, na sana at that time, nagkasakit na lang si Mariel at hindi sila nagkakilala?"

Boy: "Hindi naman! I have no problems with Mariel getting married with Robin. Wala akong paliwanag, of course, na naantala nang konti dahil sila'y nasa India at gumagawa ng pelikula, but please believe me when I say that I am happy for Mariel. Yes, I am.

"She's 26, Krissy, she deserves a life."

Kris: "Si Bong [Quintana, Boy's partner in life], ano ang pinakamahalagang naidulot niya sa buhay mo at naidulot mo sa buhay niya?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot muna ni Boy na sa kabila ng maganda at pangit na katangian ng bawat isa ay nagmamahalan sila. Nauunawaan at tanggap nila ang isa't isa.

"Iyong maganda at hindi maganda sa nakaraang twenty-seven years, mga kaibigan, it's not all love. May mga araw na gusto naming magsabunutan kahit wala kaming mga buhok, pero iyong pagmamahal, kaakibat ang pagpapatawad.

"I think the best thing that I had with Bong was loving and forgiving, always, every day of our lives, we're willing to love and forgive," sagot pa ni Boy.

Hypothetical naman ang sumunod na katanungan ni Kris.

Kris: "Nag-cruise tayong tatlo, okey. Ikaw, si Bong, ako. Isa na lang ang puwede mong ilagay sa lifeboat, sino, si Bong o ako?"

Boy: "Ikaw!"

Kris: "Thank you!"

"Alam mo kung bakit?" pahabol ni Boy. "Hindi ka marunong lumangoy!"

"Korek!" pagsang-ayon ni Kris.

"And I'm sure ang problema ni Bong is how to save the both of us," dagdag pa ni Boy.

"Korek! Thank you, for choosing me," pasalamat pa uli ni Kris.

"So I will pay attention to you and I will save you," sabi pa uli ni Boy.

Kris: "Di ba pag birthday, I always say this, please naman thank your mom kasi siya yung naghirap, siya yung nandiyan, siya talaga yung nagmahal sa 'yo. Meron ka pa bang pagkukulang sa nanay mo o wala na?"

Boy: "Meron. Panahon, Krissy, I wish I had more time with Nanay. I wish I can spend more time with nanay.

"Nanay I know you're watching. Sabi ko nga roon sa Bottomline, minsan hindi mo ako naririnig dahil hindi naman ako nasanay na sabihan ka nito, pero mahal na mahal na mahal kita.

"At sana'y... kung may wish ako, kalusugan mo, that would make me happy and I wish I had more time with you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko ipinangangako sa sarili ko pero sana'y sa mga darating na buwan ay magkaroon pa tayo ng maraming oras, magkuwentuhan at magtawanan."

Sunod na tinanong ni Kris ay kung hindi ba napapagod si Boy sa mga drama naman sa buhay ni Kris.

"Ay, mayroong mga pagkakataon na pagod na pagod ako," sagot ni Boy na naging dahilan para magtawanan ang mga tao sa loob ng studio ng The Buzz, pati na rin si Kris.

"Hindi, tototo iyon. Pero sa mga panahon na napapagod ako sa 'yo, you know that, you give me space, you know, I back-off a bit, hindi tayo nagsasalubong.

"Kung nano-notice mo yan at sinabi ko ito sa sisters mo [Viel, Pinky and Balsy], na for example there was a time when there was really bad press and the Internet was very cruel to you. I mean, not that I do the Internet because I don't, 'no.

"May mga tao lang na nagsasabi sa akin, and I called and I said 'Krissy, hindi ko na gusto ito,' and I was angry. And then you brushed me off by saying 'Nagpa-panic ka lang.'

"Of course masama ang loob ko dahil alam ko naman yung totoo. But these are moments when pinababayaan mo ako, pinapagsalita mo ako, pinabe-vent mo ako, hinahayaan mo lang ako and I know naman, e, pinagpapasensiyahan mo rin ako.

"So, iyon, you know how... alam mo, Krissy, it's a difficult dance and we have learned how to dance, we have learned how to dance, so, iyon lang yun."

Bilang huling tanong ni Kris, tinanong niya ang kaibigan kung may kulang pa ba sa buhay nito.

"I don't have everything but I have enough."

Biro ni Kris, "Napakalalim naman..."

"Alam nyo naman ako, nag-train po ako pang-Q&A sa beauty contest," patawa naman ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN