Boy Abunda's birthday celebration in The Buzz Part 2: Kris Aquino talks about meeting Isabel Oli

"Sabi ko ganun, 'Hi, I'm Kris. I know you're Isabel. Hindi pa nga tayo na-introduce, naintriga na tayo. Sabi ko, 'Finally, at least you've met me!' and she just said, 'Opo.' Iyon na yun," related Kris Aquino to her friend Boy Abunda about her chance meeting with Isabel Oli (inset), who was recently linked to her estranged husband James Yap.


Sa pagbisita ni Kris Aquino sa The Buzz bilang "sorpresa" sa kaibigan at manager na si Boy Abunda, in-interview nito ang TV host-talent manager.

Salitan pala silang mag-i-interview sa isa't isa. Kaya nang matapos na si Kris sa interview niya kay Boy, ang The Buzz host naman ang nag-interview sa kanyang former co-host.

KISSING SCENE WITH DIETHER. Unang inusisa ni Boy ang tungkol sa kissing scene nina Kris at Diether Ocampo sa pelikulang Dalaw. Ani Boy, pinag-uusapan daw ang kissing scene na ito sa mga blogsites at pahayagan.

"Actually, Boy, mali sila, e. Tatlo na, e. Isa lang 'yung napanood ninyo pero nakatatlo na kami. At parang wala na sa akin. Sanay na...pagod na pagod na ako sa kakahalik sa kanya," natatawang sabi ng actress-TV host.

Boy: "In a scale of 1 to 10, gaano kahusay humalik si Diether Ocampo?"

"Okay, sinabi ko sa kanya, 'Diet, you know, the biggest cliché is for co-stars to fall in love while making a movie. Sabi ko kung may balak kang yayain akong mag-dinner, hintayin natin na mag-showing tayo, na-release tayo sa DVD at nasa Cinema One [ABS-CBN's movie cable channel] na ang Dalaw.

"And then, Boy, pag nangyari iyan, at niyaya nga niya ako at merong halikan na totoong maganap, that's when I will rate it for you.

"October 2011 daw kasi, nasa Cinema One, so abangan ninyo po, matagal pa."

"Pero, di ba, Boy, tama naman ako, na iba yung totoo at iba yung choreographed at dinirek ka at inilawan ka?" paling ni Kris kay Boy.

LEAVING PILIPINAS WIN NA WIN. Sunod na tanong ni Boy kay Kris ay tungkol sa pag-alis ni Kris sa Pilipinas Win na Win.

Paano ba raw na-manage ni Kris ang feelings niya nung umalis ito sa noontime show, gayong ang perception ng mga tao sa kanya ay mistulang untouchable at di-matibag o impregnable ang isang Kris Aquino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, Boy, I started the show na, emotionally, I was at the wrong place. Kasi how can you provide the audience with a lot of hope kung maraming bitterness sa puso mo?"

Matatandaang noong ibinigay kay Kris ang hosting job sa Pilipinas Win na Win with Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Pokwang and Valerie Concepcion, nasa kalagitnaan ito ng problema sa kanyang marriage with James Yap.

"If I had it all, to do all over again, sana ngayon nila ibinigay yung programa sa akin kasi ngayon mas magaan yung kalooban ko.

"Pero, may I just defend ABS-CBN. If I was gonna be there [Pilipinas Win na Win] until a Friday, on Saturday you're supposed to see me on Deal Or No Deal.

"Ako po yung tumanggi, ako yung nagsabi na, I need a break from TV, and I need to focus on this movie because I need to make sure that this movie becomes a hit.

"Ako rin po yung tumanggi kasi sinabi ko na gusto ko namang ma-miss nila ako ng konti, para sa January, pag bumalik na yung Pilipinas Got Talent, fresh na fresh," patuloy ng prangkang Kris.

MEETING ISABEL OLI. Inungkat naman ni Boy ang tungkol sa napabalita noon na pagkaka-link ni James Yap sa Kapuso actress na si Isabel Oli. Dito nagkuwento si Kris na nagkita sila ni Isabel sa kasal ni Jenny Miller last Friday.

"I saw her and I went up to her after communion. I said hi. Sabi ko, 'I'm Kris!'

"Sabi kong ganun, 'Hi, I'm Kris. I know you're Isabel. Hindi pa nga tayo na-introduce, naintriga na tayo.'

"Sabi ko, 'Finally, at least you've met me!' and she just said, 'Opo.' Iyon na yun," tumatawang nagkuwento si Kris.

Pero blessing din daw na nag-ninang si Kris sa kasal ni Jenny Miller. Dahil kinagabihan daw ay dinalaw ni James ang anak nilang si Baby James o Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And that was our ice-breaker. We're at a much better place now, kasi nasabi ko sa kanya na, 'Uy na-meet ko yung nali-link sa 'yo.'

"Tapos sabi niya,'Ano ka ba? Parang yung sa 'yo lang yan, na nagkita sa mall, 'tapos inintriga na.'

"Sabi ko, 'Whatever! Pero sana nga magka-girlfriend ka na, 'no! Apurahin mo, please, para ma-annul na tayo talaga.'

"And then sabi ko sa kanya na, ako talaga... kasi Boy, ang ganda, when Jenny Miller was walking down the aisle, sine-serenade nung asawa ng 'Beautiful In My Eyes.' So, kinuwento ko kay James.

"Sabi niya, 'O, naalala mo ako?'

"Sabi ko, 'Of course not!'

"Sabi ko... kasi, di ba, every birthday ko iyon ang kinakanta niya sa akin? 'Tapos sinabi ko sa kanya, 'James naman, 'no, ang inisip ko, pag ikinasal ako, yung lalaki, full orchestra behind him at ang kinakanta niya sa akin, 'I Knew You Were Waiting (For Me).'

"Ang taray, di ba? At meron nang ganun, di ba?" at napatawa na nang husto si Kris.

CLEARING THINGS UP WITH JAMES. Naging seryoso naman ang mga sumunod na pahayag ni Kris.

"May I just say nga talaga na, that ice-breaker really helped both of us, kasi first time na nag-usap kaming hindi kami nagsisigawan, hindi kami galit and ito... na happy, na happy si Bimby.

"Tapos nalabas ko yung sama ng loob ko.

"Nasabihan ko siya na, 'Tell naman your lawyer puwede akong kuwestiyunin bilang asawa mo, kaya nga tayo nagpapa-annul, pero kung yung pagiging nanay ko ang pupuntiryahin niya, ibang usapan 'yan.'

"Dahil sinabi ko kay James, 'Alam mo naman na if it's being a mom na inaaway ninyo ako about, yung pagka-war freak ko, lumalabas.

"Sinabi niya [James], 'Alam mo, mali ka. Ako yung nagsabi nun, hindi yung attorney.' At sinabi niya na, it's because daw of the fighting and the separation na the kids are absorbing the negativity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, 'Ikaw naman pala, e. Galit na galit ako, 'no! Akala ko siya [James's lawyer Atty. Lorna Kapunan]. Sabi ko na tatay ka ni Bimby, you have the right.'

"It just offended me, that a woman, who has had a three-month relationship with my ex-husband, was judging me as a mother.

"Pero kay James, wala nang problema and okey na okey kami. Kasi sinabi pa niya na, 'Ngayon na araw-araw kang nagtatrabaho, punta na lang ako dito para hindi na nagdadrama yung maliit [Bimby] na, 'I have no mama, I have no papa, I have only kuya, I don't have family.'

"'Tapos sinabi ni Bimby, 'No, it's okay'," nakangiting sabi pa ni Kris.

THE MEN IN KRIS'S LIFE. Huling katanungan na sana ni Boy kay Kris dahil mauubusan na sila ng oras pero humirit pa si Kris.

"Last question na? No! Three months akong nawala dito, 'tapos last na? Shucks!"

Boy: "What was the biggest mistake you've committed in your life and what did you do to correct it?"

"Okay. Klaro naman siguro na na-disappoint ko ang nanay ko, pero, Boy, I'd like to think, from the time I was 33 until the time na namatay siya and I was 38, I had five years na nakabawi talaga ako nang bonggang-bongga sa nanay ko.

"And ramdam na ramdam ko ngayon na she's proud of how much I've matured."

Bago sila matapos ay humirit pa uli si Kris, "Ask two more, bilis!"

Boy: "Of all the men who were linked to you, sino talaga yung pinakamalakas ang impact?"

"Siyempre, yung ex ko, na... siyempre si James, because from him I've learned the most. I've learned that marriage is a true commitment and extricating yourself from that marriage is painful for everybody involved.

"'Tapos dapat sa question na iyan ang follow-up, 'If you love again, ano ang pipiliin mo, yung much older sa iyo or much younger?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi na-try ko na both, di ba? Parehong hindi nag-work... tatlo pala na hindi nag-work, okay? Dalawang much older, isang much younger."

Ang dalawang much older na tinutukoy niya ay ang relasyon niya kina Joey Marquez at sa ama ng anak niyang si Josh na si Phillip Salvador.

"Ngayon, kaedad ko na, Boy! Natuto na ako. Kailangan ka-age bracket ko po para siguro naman ngayon na—ito na, for real and for keeps!"

BIRTHDAY WISH TO BOY. Sa pagtatapos ng interbyuhan ng dalawa, nagpasalamat si Kris sa kanyang matalik na kaibigan.

"Thank you, Boy, I thank you for loving me unconditionally."

At ang wish ni Kris para sa may kaarawan: "Last wish ko na lang sa 'yo. I know it hasn't been an easy transition, I know na mahirap talaga to have new partners in life, yung journey mo as a host is also my personal journey.

"Pero, Boy, di ba? If you allow yourself to love again, gumaganda ang buhay and I can feel the love already on this set. I feel talaga na nabubuo na yung bonding ninyong apat, kaya congratulations to you." Boy's female co-hosts sa The Buzz ngayon ay sina Toni Gonzaga, Charlene Gonzalez-Muhlach, and KC Concepcion.

"And Bianca [Gonzales] has done so wonderfully in filling in and taking over SNN [Showbiz News Ngayon], kaya congratulations to all of you."

To which Boy also thanked Kris: "For your generosity, kindness, and beauty, maraming salamat, Krissy."

Na sinagot naman ni Kris: "Kasi I'm ready to love again!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN