Gutierrez twins Richard and Raymond react to Heart Evangelista's decision not to renew a co-management contract with their mother Annabelle Rama

"Yung kinukuwestiyon naman kung hindi siya naging happy, well, I will tell you honestly, there's no reason for her not to be happy because alam naman po natin, nakikita natin sa mga telebisyon, na sunud-sunod naman po ang mga trabaho ni Heart. Palaging primetime, palaging lead, palaging bida. Talagang alagang-alaga siya," says Raymond Gutierrez about Heart Evangelista's decision not to renew her co-management contract with his mother Annabelle Rama.


Nakapagbigay na ng official statement ng mommy ni Heart Evangelista, na si Mrs. Cecile Ongpauco, tungkol sa mga naging pahayag ni Annabelle Rama laban kay Heart dahil sa hindi nito pag-renew ng co-management contract. Ngayon ay bumuwelta muli si Annabelle sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central noong Linggo, October 24.

Sinadya ng showbiz talk show ng GMA-7 na i-edit ang ilang mga salita ni Annabelle.

Ayon sa talent manager, "I just read the statement ng nanay ng --- ng young actress. Sabi niya, since nag-start ang anak niya sa showbiz, siya na raw ang manager. Kaya pala hindi sumikat. Three years -- sa -- walang kumuha, as in patay na ang career. --- nasa sa ABS.

"Pinagyayabang pa na hindi na sila magre-renew ng contract sa akin. Sino ang tinakot nila, 'day! Baka hindi mo alam, stars come and go. Pero kaming mga managers, nakatayo pa at nakataas-noo. --- go girl. Good luck! Ha-ha-ha!"

RICHARD'S REACTION. Nagbigay rin ng kanilang reaksiyon ang kambal na anak ni Annabelle na sina Richard at Raymond Gutierrez.

Si Richard ay nakapareha ni Heart sa dalawang primetime series ng GMA-7 Codename: Asero at Full House.

Sa hiwalay na interview kay Richard, sinabi nito: "On the professional side, medyo na-hurt din ang family namin, siyempre. But may kanya-kanyang desisyon tayo, e. Of course, I'm on my mom's side but I have nothing personal with Heart."

NOT RENEWING. Sa palitan naman ng opinion ng mga hosts ng Showbiz Central, na kinabibilangan ni Raymond, sinabi ni Rufa Mae Quinto na alam na niya ang tungkol sa isyu nina Annabelle at Heart noong April pa ng taong kasalukuyan.

Kinumpirma naman ito ni Raymond. Aniya, "Nagsimula ang lahat ng ito noong April. Tama ka diyan Peach, it's been like this for seven months. Pero, hindi lang talaga sinasabi ng mom ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

April pa lang daw ay nagsabi na ang mommy ni Heart na hindi na sila magre-renew ng co-management contract kay Annabelle.

"Ang nangyari diyan," kuwento ni Raymond, "nang mag-renew ng kontrata si Heart here in GMA-7, my mom got her a really good contract, na pati ako, nagselos ako sa laki ng kontrata niya.

"Pero that aside, I think, the next day, Tita Cecile called my mom and they said that they're not gonna raw renew the management contract when it ends on July 2011.

"Siyempre, kahit sinong manager, hindi pa tapos ang manager contract mo, sinabihan ka na pagdating ng deadline sa July 2011, hindi na kami magre-renew. And of course, after closing that deal, siyempre na-hurt ang mom ko. She exerted effort din naman for the career of Heart.

"Alam naman natin na when she left ABS, she was gone for a while and I actually bumped into her... This is what happened: I saw her in a party and I haven't seen her in a long time and we're not super close. But, you know, we've met before and she's very friendly.

"So, I went up to her and asked, 'Heart, what are you doing nowadays?' Then, sabi niya, 'Oh, I'm not doing anything.'

"So, sabi ko, 'Who's your manager?' 'I just ended things with Tita Angeli [Pangilinan].' E, noong time na yun, noong nagbi-brainstorm kami for Asero, walang maisip na bagong leading lady for Chard.

"Kinabukasan, pagkatapos ng party, I called mom and sabi ko, 'Ma, bakit hindi na lang kaya si Heart ang ilagay natin? She still looks very good now. Sayang naman. She's also a good actress.'

"So, naisipan ni Mom, 'Sige, tawagan ko ang family niya since friends naman siya ng family.' Hanggang sa matuloy na nga ang paglipat ni Heart sa GMA with my mom as her co-manager."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO REASON TO BE UNHAPPY. Paano na ang friendship nina Raymond at Heart? Nagkita ba sila sa Party Pilipinas noong Linggo kung saan sila parehong mainstays?

"Sa Party Pilipinas, hindi kami nagkita," sabi ni Raymond. "I think iniwasan na rin ng staff na magkaroon ng awkward situation.

"I'm not gonna deny that I feel like I'm caught in the middle of it because I understand my mom's side. But also, I don't wanna take it personally against Heart kasi alam ko, yung parents din niya ang nagde-decide sa career niya, e."

Tanong ni Rufa Mae, ano kaya sa tingin ni Raymond ang dahilan kung bakit hindi na magre-renew si Heart? Sinundan ito ng tanong ni John "Sweet" Lapus na posible kayang hindi naging happy si Heart sa management ni Annabelle or could it be because gusto lang ng pamilya ni Heart na sa kanila na ang buong talent fee at wala nang makakaltas na 30 percent commission?

"Actually, hindi 30 percent ang commission ng mom ko kay Heart," sabi ni Raymond. "Usually kasi 30 percent for a manager. But with Heart, they were able to work out a deal that 15 percent goes to Heart's mom and 15 percent goes to my mom. So, co-management.

"Yung kinukuwestiyon naman kung hindi siya naging happy, well, I will tell you honestly, there's no reason for her not to be happy because alam naman po natin, nakikita natin sa mga telebisyon, na sunud-sunod naman po ang mga trabaho ni Heart. Palaging primetime, palaging lead, palaging bida. Talagang alagang-alaga siya.

"And not only that, but she was able to make a successful movie career via Mano Po, which is also because of my mom na nanalo siya ng Best Supporting Actress. So, walang reason for her to be unhappy.

"She got endorsements... So, hindi talaga... For me, ha, if you say unhappy, why? What else are you looking for?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY CELEBRATION. May idea ba siya kung bakit gusto nang umalis ni Heart sa poder ng mommy niya?

"Actually, hindi ko alam," sagot ni Raymond. "Kasi, hindi ko rin naman natatanong. Ayoko namang tanungin nang diretso si Heart na, 'Ano ba ang naging problema?'

"I think my mom said it was because of commission or something. Hindi ko na alam yung specific na tungkol sa pera. Pero, yun, it's unfortunate.

"Siyempre, yung family ko na-sad, na-hurt. And, yun nga, April pa 'to nagsimula. Sumabog na lang siya because, also Heart, I think, we reached out to her to be part of the birthday celebration of my mom, this coming Thursday."

Ayon kay Sweet, akala raw niya ay tinanggal si Heart sa magaganap na fashion show ng mga alaga ng Royale Artists Management, Inc., but it was Heart pala who declined.

Sabi naman ni Raymond, "Actually, we wanted Heart to be part of the fashion show. We wanted Heart to be there. We wanted Heart to sing and be part of the special edition magazine [with] all of us, talents...

"Parang nag-backout yata or she excused herself. So, do'n na talaga parang mas lalong uminit ang ulo ng mom ko. Doon na siya mas parang na-hurt. Parang even for her birthday, hindi na siya napagbigyan."

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Raymond para kay Heart.

"Ang message ko na lang for Heart, it's not easy being in this position. I do think of you as a friend. I don't want any awkwardness between us. But, of course, we can't help that because of the people around us.

"Ang message ko na lang sa kanya, sana you made the right decision. I think you're of age to make your own decision. But, of course, we also have to respect the decision of those around us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nothing personal against you. I'm not gonna apologize in behalf of my mom because she's just being honest and she's just speaking her mind, and kilala natin siyang tao bilang ganoon siya.

"So, yun lang. I hope through time, maayos ang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN