Annabelle Rama also has an issue with talent Miriam Quiambao


Former beauty queen Miriam Quiambao (main photo) explains the calls she made to her talent manager Annabelle Rama (inset). She was surprised that their "private conversation" leaked to the press.



Sa Tweetbiz, ang showbiz program ng Q11, tinalakay kagabi, October 25, ang tungkol sa diumano'y namumuong sigalot sa pagitan nina Miriam Quiambao at Annabelle Rama bilang talent at manager, respectively.


Ito ang usap-usapan ngayon matapos i-identify na si Miriam ang nasa ilang blind-item reports na talent na pinaringgan din daw ni Annabelle sa kanyang presscon last week.


Matatandaang nasentro ang usapan kay Heart Evangelista after the presscon matapos tawagin ni Annabelle si Heart na "ingrata, walang utang na loob, at malalaos din." (CLICK HERE to read related story.)


Nag-ugat ito sa hindi pagkakasundo ni Annabelle at ng mommy ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco. Hindi na kasi magre-renew ng co-managerial contract kay Annabelle ang mommy ni Heart. May isang taon pa bago matapos ang contract nila.


MIRIAM-ANNABELLE ISSUE. Pero bukod pala kay Heart, may isa pang talent si Annabelle na tila pinag-iinitan din ng manager ngayon—si Miriam Quiambao.


Nangungulit diumano ang beauty queen-turned-TV host-actress tungkol sa projects kasi kinakapos daw ito ng pera ngayon.


Ayon daw kay Annabelle, na na-quote sa ilang tabloids, "Ang sabi sa text [ni Miriam], 'I want to talk to you. Are you free this afternoon? I just want to know anong plano mo sa buhay ko, anong plano mo sa career ko?'


"Sinagot ko siya: 'Pabayaan mo akong dumiskarte dahil mula nang hawakan kita, nagkaroon ka ng trabaho. Dahan-dahan lang sa pera. Huwag masyadong suwapang! Pabayaan mo akong dumiskarte sa career mo!'"


Ang ikinaiirita pa raw ni Annabelle ay umagang-umaga raw nagte-text si Miriam at ni hindi raw naggu-good morning. Tungkol daw sa career nito ang agad tinatanong.


"Maghapon yung pagti-text niya. Sabi ko, 'wag akong buwisitin dahil lahat naman sila iniisip ko ang career kasi kung may trabaho sila, may pera rin ako," sabi pa raw ni Annabelle.


Isang text message naman mula kay Miriam ang natanggap ng Tweetbiz bilang sagot sa mga sinabi ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Dito, lumilitaw na inakala ng dalaga, pribadong pag-uusap ang sa kanila ni Annabelle. Bilang alaga, tama lang naman daw na magtanong ito sa kaniyang manager. Laking gulat raw niya nang mag-leak na ang nilalaman ng mga text messages niya sa press.


Sabi ni Miriam sa text, "Actually, it was an innocent request for a mtg [meeting] between manager & talent. Bcz I wanted to know the direction where she wants to take my career... And to also let her know what my preferences are. Syempre, work will follow.


"Since she didn't get back to me, I txted her abt my questions. Didn't expect that she wud go public with what was intended to be a private conversation. Nonetheless, I'm still open to conversation."


Hindi na dinagdagan pa ng beauty queen ang pahayag.


Kaabang-abang naman kung magkakaayos sina Miriam at Annabelle bago ang birthday show ni Annabelle na Spotlight sa October 28 sa Crowne Plaza, kung saan nakatakdang rumampa ang 29 alaga ng Royale Artists Management Inc., na pinamamahalaan nga ni Annabelle.


Nauna nang natanggal sa lineup si Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN