Camille Prats learns to love her villain character in Bantatay

"Happy naman ako na hindi ako nagkamali sa pagtanggap ng Bantatay. Maganda kasi ang mga mensahe ng series tungkol sa pamilya at sa pagbibigay halaga sa animals, lalo na ang mga aso na nagiging parte na ng pamilya natin," says Camille Prats.


Masayang-masaya si Camille Prats dahil sa success ng GMA-7 drama series na Bantatay. Since nag-air ang show nila last September 20 ay maganda na ang ratings nito at maganda ang feedback na natatanggap ng kanilang show, lalo na mula sa animal lovers.

Gumaganap si Camille bilang ang kontrabidang si Daisy sa Bantatay. Marami ang bumabati sa mahusay niyang pagganap bilang mang-aapi ng mga bidang sina Krystal Reyes, Renz Valerio, at Sweet Ramos.

Siyempre pa, natutuwa si Camille sa mga natatanggap na papuri. Pero inamin niya na nagdalawang-isip siya bago gawin ang role. Dahil, bukod sa nakilala siya sa mga mababait na roles, may-ari pa siya ng isang school—ang Divine Angels Montessori sa Cainta, Rizal.

"Inisip ko talaga nang ilang beses bago ko tinanggap ang role na Daisy. Kasi nga, sobrang mean siya sa mga bata at sa mga animals. Para siyang si Cruella De Vil sa 101 Dalmatians.

"Tapos, jologs na jologs pa si Daisy at ang pamilya niya. Mga timawa sila, patay-gutom, at mapang-api talaga.

"Kaya naisip ko na kapag ginawa ko ito, baka matakot na ang mga magulang ng mga bata sa school namin. Baka i-pullout nila ang mga bata sa Montessori! Baka magsara kami... Yun ang mga naiisip ko!" sabay tawa ni Camille habang kausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center.

A TOUCH OF COMEDY. Pero ipinaliwanag naman si Camille na ang pagiging kontrabida niya ay may halong katatawanan. Mang-api man siya ay napaglalamangan pa rin siya ng mga batang ginagawan niya nang masama.

"Na-convince naman ako kasi maganda talaga ang role. It's the first time na gaganap ako na sobrang bad girl ako. Nasubukan ko na before na magkontrabida sa Ikaw Sana, pero hindi naman masyadong masamang-masama.

"So I gave the role of Daisy a try at hindi ko in-expect na kakatuwaan din pala ng marami ang role ko. Hindi pala madali ang magkontrabida, kaya saludo ako sa mga tulad nila Cherie Gil, Gladys Reyes, Jean Garcia, at Eula Valdes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga, kailangan in character ka parati. Lahat ng parte ng katawan mo, dapat gumagalaw. Pati ang boses mo, kailangan iibahin mo kasi nga you are keeping up with a mean character.

"So far, nagagawa ko naman nang tama at satisfied sina Direk Don [Michael Perez]. Mas pinu-push nga nila na paglaruan ko pa ang role ko as Daisy," saad ni Camille.

KIDS' REACTIONS. Ikinuwento rin ni Camille sa PEP ang isang insidente na nilayuan siya ng ilang mga bata nang magpunta siya sa isang mall.

Ang ginawa ni Camille, imbes na umalis ay tinawag pa ang mga bata at sinabing hindi naman siya bad girl in real life.

"Doon ko napatunayan na pinapanood talaga ang Bantatay. Kasi ang reaction ng mga bata sa akin, para feeling nila, tatarayan ko sila!" tawa niya.

"Mabuti na lang yung mga magulang nila, kilala ako. Alam kasi nila na before, ang mga ginagampanan ko api-apihan din. Like sa Sarah, Ang Munting Prinsesa, Ang Pulubi at Ang Prinsesa, at doon sa drama series na Marinella.

"Kaya sinabi ko sa mga kids na huwag silang matakot kasi mabait ako. Acting lang ang ginagawa ko sa Bantatay. Ayun, naging maayos na at nagpa-picture pa sila sa akin after."

Sa kanyang eskuwelahan naman, walang naging problema ang pagganap ni Camille ng kontrabida. Kapag oras nga raw ng Bantatay ay nanonood ang mga staff ng kanyang Montessori.

"By that time kasi, tapos na ang school at uwian na ng mga bata. Kaya nakakapanood ang staff ng school. Kapag nandoon naman ako, tawag sa akin ng mga bata at mga kasama nila ay 'Daisy.'

"Happy naman ako na hindi ako nagkamali sa pagtanggap ng Bantatay. Maganda kasi ang mga mensahe ng series tungkol sa pamilya at sa pagbibigay halaga sa animals, lalo na ang mga aso na nagiging parte na ng pamilya natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY LIFE. Speaking of family, maayos at masaya ang family life ni Camille. Two years old na ang anak niyang si Nathan at natutuwa siya sa pagiging madaldal nito ngayon.

"Nakiki-join na siya sa school namin. Pumapasok na siya and he's learning so fast. Nakakatawa nga kasi he learns a new word every day at ayokong ma-miss yung mga sinasabi niya at mga ginagawa niya.

"Napansin ko rin kay Nathan na he's an independent child. As in, makikita mo na he does things for himself. Hindi siya yung umaasa sa yaya niya or yung panay tawag niya ng mommy or daddy. Kapag kaya niya, ginagawa niya.

"May mga nagsabi nga sa akin na baka mag-artista rin si Nathan kasi mabilis ang development niya. Sa akin, okey lang, kasi nagsimula naman ako as a child star. Okey lang kung may mga commercials.

"Sa pag-aartista, pag-uusapan naman namin 'yan ng mister ko. Gusto naming mag-enjoy muna si Nathan sa pagiging bata."

Next year sana ang plano na sundan ni Camille at ng asawa niyang si Anthony Linsangan si Nathan. Pero pagpaplanuhan daw muna nila ang lahat.

"Actually, napag-usapan na namin ni Anthony na next year na kami mag-plan na sundan si Nathan. He's already two years old at naghahanap na ng kalaro sa bahay.

"Kaso nagkaroon nga ako ng work at busy rin si Anthony sa work niya. Tapos sinabihan pa ako ng manager ko na huwag muna kasi maliit pa naman daw si Nathan at sayang ang mga trabaho na darating. Mahirap na raw kapag magbuntis ako, titigil na naman ako nang matagal.

"Inisip din namin at tama naman. Siguro we'll give it two more years. Sayang din yung mga maiipon ko sa trabaho, if ever. Kaya sa ngayon, focus muna kami ni Anthony kay Nathan."

Gusto ni Camille na magkaroon siya ng malaking pamilya tulad ng pamilya nila. Lima silang magkakapatid at ang saya-saya raw kapag magkakasama sila sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko rin ng big family kasi doon ako nasanay," sabi ng nakababatang kapatid ni John Prats. "Kapag may mga special occasions like Christmas or birthday, ang dami namin sa bahay at masaya.

"Pero depende rin siguro sa kung ano ang gusto ng mister ko. If we both want a big family, we will try to have it. Ngayon, kung kakayanin lang namin na hanggang dalawa or tatlo lang, okey lang basta magkaroon ng mga kapatid si Nathan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN