Rayver Cruz renews friendship with Cristine Reyes

"May time talaga na hindi kami nag-usap. Pero para sa amin naman, hindi naman nawala yung pagkakaibigan namin. Para sa akin naman kasi, pag may kaibigan kang isang tao, kahit isang taon pang hindi kayo nag-usap, pag nagkita kayo nun, magkaibigan pa rin kayo," says Rayver Cruz about Cristine Reyes.


Sa pagpasok ni Rayver Cruz bilang Lance Navarro sa ABS-CBN primetime series na Kristine, hindi maiwasang maungkat muli ang napabalitang dating espesyal na ugnayan nila ng bida ng serye na si Cristine Reyes.

Kamakailan ay lumabas ang balita na nakita raw sa isang car shop sa Quezon City sina Rayver at Cristine habang tumitingin ng luxury car. Dahil dito, umugong agad ang balita na mukhang nagkakaigihan muli ang dalawa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver sa taping ng Kristine sa Lipa, Batangas, last week, hindi naman itinanggi ng young actor na magkasama nga sila ni Cristine sa car shop.

Kuwento ni Rayver, "Nag-dinner kami with friends. After nun, inaya niya kami, dun na kami dumiretso [sa car shop].

"Tumingin-tingin din ako, pero hindi naman ako masyadong mahilig sa sasakyan. Pero natutuwa ako pag nakakakita ako ng mga imported cars. Mas magaling siya [Cristine] sa akin pagdating sa mga auto. Hindi ako masyadong marunong dun."

Since inamin ni Rayver na lumabas nga sila ni Cristine kahit may kasamang ibang mga kaibigan, nangangahulugan kaya ito na may mga ibang pagkakataon na lumabas na sila ni Cristine na silang dalawa lang?

"Hindi naman palagi," sagot niya. "Pag mayroong time, kung puwede, bakit naman hindi? Hindi naman siguro masama.

"Para sa akin, okay din naman talaga yun para mas ma-develop pa yung working relationship. Para maging mas kumportable kami sa set, lalo na pag may mga eksena na kaming dalawa lang."

RENEWING THEIR FRIENDSHIP. Dumaan din sa intriga at pagsubok ang samahan nina Cristine at Rayver. Noon ngang kasagsagan ng issue sa kanila ay nakapagsalita ang aktres na iiwasan na niya si Rayver at ayaw na niya munang makipagkaibigan dito.

Ang pagkakadagdag kay Cristine sa ASAP XV, kung saan mainstay si Rayver, ang naging paraan para magkausap sila uli at matuldukan ang problema nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rayver, "Hindi ko alam kung paano nagsimula, basta nagkabatian kami, hanggang sa nawala na yung tension, nawala na yung issue. Nakakapag-usap kami, nakakapagbatian pag may mga spiels together. So, okay naman.

"May time talaga na hindi kami nag-usap. Pero para sa amin naman, hindi naman nawala yung pagkakaibigan namin.

"Para sa akin naman kasi, pag may kaibigan kang isang tao, kahit isang taon pang hindi kayo nag-usap, pag nagkita kayo nun, magkaibigan pa rin kayo.

"Siguro dumating yung time na hindi kami nakapag-usap kasi busy siya at busy din ako."

May posibilidad kayang lumalim uli ang samahan nila ni Cristine ngayong magkasama sila sa dalawang shows?

"Hindi ko kasi iniiisip yun," sagot ni Rayver. "There's no special feelings dahil magkaibigan kaming dalawa. Hindi ko ina-anticipate ang mga bagay-bagay. Para sa akin, mas magandang focus muna ako sa trabaho."

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role sa Kristine? Bukod kasi sa issue sa kanila ni Cristine, maaaring mabansagan din siyang kontrabida ng Cristine Reyes-Zanjoe Marudo fans bilang third wheel sa tambalan ng dalawa.

"Hindi naman," sagot ni Rayver. "Actually nung sinabi sa akin ang tungkol dito, sinabi ko agad na sige.

"Kasi gusto ko ring makatrabaho si AA [palayaw ni Cristine], 'saka lahat ng cast, pati si Z [Zanjoe]. Ang tagal ko nang kaibigan 'yan, pero never ko pang nakatrabaho, and pati si Direk Rory Quintos.

"Kanya-kanyang opinyon 'yan, e. Hindi naman sasama ang loob ko pag may mga ganyan. Kasi para sa akin, normal lang kung may mga ganyang opinyon ang iba.

"Basta ako, trabaho lang ang focus ko. Happy na ako na nandito ako ngayon as Lance Navarro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN