Mark Anthony Fernandez and wife Melissa did not celebrate their wedding anniversary this year

Mark Anthony Fernandez says although he and wife Melissa did not celebrate their fourth wedding anniversary, they are quite okay. "Okay naman kami. Walang problema. We understand each other, which is a good thing," he says.


Si Mark Anthony Fernandez ang sumalang sa "Behind The Wall" segment ng Showbiz Central noong Linggo, October 24. May tatlong special informants na kinuha para magtanong kay Mark.

Sabi ng unang informant, sobrang natuwa si Mark nang malaman niyang makakatrabaho niya si Jennylyn Mercado sa Little Star. Pagbubuking pa ng informant, dating crush ni Mark si Jennylyn. Totoo ba ito?

"Ang totoo no'n, tinanong sa akin kung sino ang pinakamagaganda para sa mata ko," sabi ni Mark. "So, nabanggit ko, isa ro'n si Jennylyn, si Lovi [Poe], si Heart [Evangelista], si Rufa Mae [Quinto]... So, noong nasabi ko yun, tingin ko, naisip nila, doon sila nagkaroon ng idea."

So, crush nga ni Mark si Jennylyn?

"Sinabi ko, isa sa pinakamaganda. Sino ba naman ang hindi magkaka-crush?"

Ang tanong naman ng ikalawang special informant ay kung totoo bang nagpa-admit si Mark sa Makati Medical City kahit wala siyang sakit?

"Totoo ho, totoo," pag-amin niya. "Dahil noong naaksidente yung kapatid ko noon, para akong nawalan... So, nagkaroon ako ng diperensiya dahil sa depression. Nagpa-general check-up na rin ako. Noong time na yun, naaksidente si Vandolph."

Tanong naman ng ikatlong special informant: Ano ang best lesson na natutunan ni Mark from his late dad, Rudy Fernandez, na ina-apply niya ngayon sa kanyang mga anak?

"Ang itinuro niya sa akin noong araw, ang sabi niya sa akin, 'Don't drink and work the next day.' So, yun, naa-apply ko yun. So, kung libre lang, kapag day-off.

"Sa anak ko naman, ang itinuturo ko sa kanya yung pagbabasa, edukasyon... Yun ang pinaka-golden na naituro ko sa kanya."

Nang hulaan na ni Mark ang mga special informants, nagkamali siya sa half-sister niyang si Wyn Wyn Marquez, pero tumama siya with Vandolph and Jennylyn Mercado.

WEDDING ANNIVERSARY. Dahil hindi nahulaan ni Mark lahat ng special informants, kailangan niyang sagutin ang "Ultimate Question."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan ay naganap ang fourth wedding anniversary nila ng asawang si Melissa. Pero wala raw silang celebration. May mga nag-iisip tuloy na baka may problema sila. Kumusta na nga ba sila ni Melissa?

"Okay kami. Okay naman kami," sagot ni Mark. "Para sa akin nga, araw-araw... Like minsan, kapag may anniversary kami, may special day, hindi kasing-special... Umabot man sa puntong yun, sinigurado ko naman na hindi man maging special on that day, yung six months before that, super special, parang ganoon. "

Umamin naman si Mark na hindi talaga nila na-celebrate ang wedding anniversary nila dahil sa pagiging busy niya.

Pero aniya, "Okay naman kami. Walang problema. We understand each other, which is a good thing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN