Half-Moroccan, half-Pinoy Sarah Lahbati says Enzo Pineda has edge over other guys who may court her

"Espesyal siya dahil kaibigan ko siya. Dahil lagi siyang nandiyan para suportahan ako. Kaya ako, ganun din sa kanya. Basta very thankful ako kasi nakilala ko siya. Thankful din ako kasi lagi siyang nandiyan," says Sarah Lahbati about Enzo Pineda.


Isang matamis na ngiti ang naging sagot ng young actress na si Sarah Lahbati nang kumustahin sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Enzo Pineda, ang batchmate niya sa StarStruck V at nali-link sa kanya ngayon.

"Okay naman kami. Lagi pa rin naman kaming nagkikita sa mga events at sa Party Pilipinas," banggit ng 17-year-old newcomer nang makausap namin siya sa presscon ng Little Star last week.

MOST SPECIAL GIRL. Sa isang hiwalay na interview kay Enzo, sinabi nito na si Sarah ang pinakaespesyal na babae sa buhay niya bukod sa kanyang mommy.

Ano ang reaksiyon dito ni Sarah?

"Sabi niya yun? Weh! Wow, me ganun?" bulalas ng dalaga.

Dagdag niya, "Nagugulat po ako. Grateful po ako na nandiyan [siya] para suportahan ako. Lagi po siyang nandiyan sa mga espesyal na events sa buhay ko. Thankful ako sa kanya."

Espesyal din ba sa kanya si Enzo?

"Oo, espesyal siya dahil kaibigan ko siya. Dahil lagi siyang nandiyan para suportahan ako. Kaya ako, ganun din sa kanya," sagot ni Sarah.

"Basta, very thankful ako kasi nakilala ko siya. Thankful din ako kasi lagi siyang nandiyan.

"Katulad nung birthday ko [October 9], na may surprise party na naganap, na siya ang nag-organize. So, nagpapasalamat ako sa kanya, 'tsaka sa parents niya na sobrang bait sa akin."

WORK FIRST, COURT LATER. May usapan ba sila na wala munang ligawan at mas magandang maging magkaibigan muna sila?

"Yun nga po yung sinabi ko sa kanya, 'Magtrabaho muna tayo.' Sinabi ko na, 'Dapat meron tayong goal. Isa-isa lang, huwag magmadali, one step at a time.'

"At, ayun nga, ito, may bagong show [Little Star], kailangang mag-focus. Pag steady na po kami, tingnan natin kung anong mangyayari."

Kung manligaw si Enzo sa kanya, may chance ba ito?

"Meron naman po," nakangiting sagot ni Sarah, "kasi close naman siya sa parents ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang importante kasi, yung magiging opinion ng parents ko. As long as okay sila, okay din ako."

"Pero ngayon, alam naman niya na nagpo-focus muna ako sa trabaho. Like, dito sa Little Star at sa Party Pilipinas, at alam kong ganun din siya."

Boto ba ang parents ni Sarah kay Enzo?

"Close po sila. StarStruck pa lang, lagi po silang magkasama pag may tanggalan."

Si Sarah ba ay close sa parents ni Enzo?

"Opo. Every time may events, nagkikita po kami."

Nanliligaw na ba sa kanya si Enzo?

"Nagpaparamdam," pag-amin ni Sarah.

Hindi ba sila nangako sa isa't-isa na kung magbo-boyfriend si Sarah o maggi- girlfriend si Enzo ay sila na lang?

"A, wala, hindi namin napag-uusapan yung mga ganyan. Kasi pag napag-usapan 'yan, medyo awkward.

"Kung anong meron ngayon, yun muna, siguro friendship muna. Mas maganda kasing makilala muna namin ang isa't isa. Ano lang, dahan-dahan lang."

Nagpapaligaw ba siya sa iba?

"Hindi ko naman po kino-close yung door ko pagdating sa ganyan. Basta maging respectful sa parents ko... Yun naman po yung mga bagay na alam naman po nila yun," sabi ng magandang teenager.

ENZO'S EDGE. Pero mas nakakalamang ba si Enzo sa iba?

"Oo naman, kasi kilala na niya ako, close na siya sa parents ko, at ako rin. Samantalang yung iba, hindi ko pa kilala at magpapakilala pa lang sa akin.

"Alam ni Enzo kung ano ang gusto ko at ayaw ko, kaya may lamang siya," prangkang saad ni Sarah.

Pero kung makatagpo ng iba si Enzo sa tagal nang paghihintay niya, ano ang magiging reaksiyon ni Sarah?

"Well, sa akin kasi kailangan talaga matagal, para mas makilala mo yung tao. Pero kung hindi siya maghihintay at makakahanap siya ng iba, wala na po akong magagawa.

"Kung hindi magwo-work sa kanya yun, sorry, kasi ganun talaga ako—dalagang Pilipina!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng dalagang half-Moroccan, half-Pinoy: "Filipino style ito. Manligaw siya nang maayos. Filipina ako. Pero kung hindi siya okay sa ganun, ako, ganun pa rin ako."

Ilang taon bago siya magkaka-boyfriend?

"Hindi ko po mabibigay yung time at kung anong age na ako magiging ready na magka-boyfriend. Importante po sa akin na magpakilala sa akin at sa [aking] magulang yung lalaki nang maayos. Okey sa magulang ko at ka-bonding na, yun yung bagay na importante. "

Na kay Enzo ba ang mga katangiang gusto niya sa isang boyfriend?

"May ganun? Hot seat?" tawa niya. "Basta alam naman niya na may tiwala kami sa isa't isa, alam naman niya yun. "

SELOS FACTOR. Inamin ni Enzo sa isang interview na tuwing may napapalapit na ibang lalaki kay Sarah ay nagseselos siya.

Si Sarah ba ay nagseselos din pag may napapalapit na ibang babae kay Enzo?

"Hindi po kasi ako selosa," sabi ni Sarah. "Kasi close po ako sa mga guys, kasi medyo may pagka-boyish po ako. Pero hindi ako tomboy, a! May pagka-boyish lang po ako.

"So, sinabi ko naman sa kanya yun, na pinangarap ng dad ko na magkaanak ng lalaki. Kaya lang, babae ang lumabas, at ako yun. Kaya medyo may pagka-boyish ako. Kaya naman close talaga ako sa lahat ng StarStruck boys."

Nararamdaman ba niya minsan na nagseselos si Enzo? Papaano ito nagpapakita ng pagselos?

"Pag may kausap ako sa technical rehearsal ng Party Pilipinas na lalaki, napapansin ko lang sa kanya na titingin sa akin. Tapos pag titingnan ko siya, titingin sa iba. Natatawa lang ako, ganun."

Sinabi rin ni Enzo na kung matutuloy siyang mag-cover sa laban ni Manny Pacquaio kontra kay Antonio Margarito sa Las Vegas ay isasama niya, kung puwede, si Sarah. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Weh?! Sinabi niya yun ? Hindi ko kinakaya yung sinasabi niya!" natatawang sabi ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sasama ba siya kung sakaling yayain nga siya ni Enzo?

"Noong isang araw ko rin lang narinig na parang sasama siya at siya ang magko-cover ng laban ni Manny Pacquiao. Pero hindi pa niya nababanggit sa akin, baka hindi pa siya sure.

"Alam niya po na may taping ako ng MWF [para sa Little Star], tapos may Party Pilipinas. Hindi ko alam, pero kung wala naman pong taping at hindi naman makakasagasa sa trabaho ko, why not?" sagot ni Sarah.

Pareho silang busy ngayon ni Enzo, may time pa ba silang mag-text at magtawagan sa isa't isa?

"Lagi po kaming nagkikita tuwing Friday, Saturday, Sunday sa Party Pilipinas rehearsals and shows. Pero sa Twitter na lang kami nag-uusap na parang walang tao. Kasi nauso yun sa Party Pilipinas, conversation on Twitter. Kaya doon na kami nag-uusap."

Ano ang madalas nilang pag-usapan?

"Normal lang. Kung anong subject yung gusto naming pag-usapan, nothing sweet."

Ano yung pinaka-sweet na ginawa para sa kanya ni Enzo?

"So far, yung sinurprise niya ako sa araw ng birthday ko," sagot ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN