Fil-Italian-French Gwen Zamora hasn't quite absorbed her new showbiz status; still enjoys walking by herself around Glorietta

"Gusto ko lang talaga mag-isa. Kasi, di ba, in my work, araw-araw I'm surrounded by people? Kapag day-off ko at wala akong show, ganun lang ako. Gusto ko lang mag-isa," says Gwen Zamora who says she enjoys walking by herself in Glorietta, Makati.


Sa kabila ng pagiging artista na niya, aminado si Gwen Zamora, ang baguhang Kapuso artist, na hindi pa siya sanay sa buhay showbiz. Hindi pa nga raw nagsi-sink in na artista na siya.

Matitiyempuhan pa rin daw siyang naglalakad nang mag-isa sa mall.

"Ako, loner talaga ako," pagtatapat ng Grazilda star at bagong miyembro ng Bubble Gang cast sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Na-interview si Gwen sa presscon ng 15th anniversary presentation ng gag show, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center nung October 21.

Patuloy ni Gwen, "Kasi malapit lang ako sa Glorietta [a Makati mall], so, naglalakad lang ako. Gusto ko yung naglalakad, mag-a-underpass ako... 'Tapos pinapagalitan ako ng parents ko, 'Ba't ka lumabas?' Napapa-'Ay, hindi ko alam na...' Kasi hindi pa ako sanay, e.

"'Tapos nagwo-walking lang ako sa mall, mag-isa... 'Tapos maririnig ko, 'Cinderella! Cinderella!'"

Dito raw siya talagang napapalingon at saka niya maaalalang siya nga pala si Cinderella ng GMA-7 fantaserye na Grazilda.

Touched naman daw siya pag may nakakakilala na sa kanya at sa character niya sa show.

LIKES BEING A LONER. Binalikan ng PEP ang sinabi niyang loner siya.

"Yeah, ganun talaga ako. Gusto ko lang talaga mag-isa. Kasi, di ba, in my work, araw-araw I'm surrounded by people? Kapag day-off ko at wala akong show, ganun lang ako. Gusto ko lang mag-isa."

Paano naman ang love life niya kung gusto pala niyang laging nag-iisa?

"Kaya nga ako loner, kasi walang love life!" tawa ni Gwen.

Pero kahit magkaroon pa raw siya uli ng love life, mas gusto pa rin niya yung may panahon siya sa sarili at mapag-isa lang.

"Ganun talaga ako, e. May independence," sabi pa ng magandang dalagang may dugong Pilipino, Italian, at French.

Kung sakaling may manligaw naman daw sa kanya, di kailangang magpa-impress ang lalaki para lang makuha ang atensyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They don't need to impress me. Kasi I don't think you should impress a girl in able to get her. I think you should be yourself," sabi ni Gwen.

Ni hindi daw factor kay Gwen ang looks.

"I'm not really into that. I'm more for personality. If our personalities click, yun na."

A BUBBLET. Bilang bagong miyembro ng long-running gag show na Bubble Gang, kinumusta ng PEP ang experience niya.

Isa na kasi siya sa mga babaeng pinangalanan ngayon sa show na "The Bubblets"—kasama ang baguhan ding si Sam Pinto, ang medyo matagal na rin sa show na si Ellen Adarna, at ang regular na sa show na si Jackie Rice.

"It's exciting!" nakangiting sagot ni Gwen. "Masaya. I really love Bubble Gang! Parang ang dami kong natutunan that I brought to my other work.

"Kasi, the way they treat us, the newcomers, parang students. You do like this, you do like that. Helpful talaga. So, pag nasa set na 'ko, relaxed na kasi they coach me.

"It's a good experience and it's an honor to be a part of such an ongoing strong show."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN