Jennica Garcia defends boyfriend Alwyn Uytingco over "bad influence" tag

"Naaawa ako sa kanya kasi nababansagan siya ng mga ganoon—'bad influence' dahil maraming tattoo. Puwede ba, huwag na lang nating anuhin? [Porke] ang daming tattoo, mukhang bad boy, so, ang tingin nila, masama yung tao. Puwede ba, minsan nga, walang tattoo, pero grabe ang ugali!" says Jennica Garcia about boyfriend Alwyn Uytingco.


Marami ang nalilito kung sino nga ba ang boyfriend ngayon ni Jennica Garcia: kung ang Kapamilya talent na si Alwyn Uytingco o ang ka-love team ng young actress at kapwa Kapuso na si Carl Guevara.

Sa pagkakaalam kasi namin ay si Alwyn talaga ang boyfriend ni Jennica, pero madalas din kasing makita ang young actress kasama si Carl.

Paliwanag ni Jennica, "Hindi, kasi si Alwyn, kasama ko siyang madalas. Si Carl naman, kapag natetengga kami sa taping, kunwari mga ilang hours din yun, minsan pupunta kaming Summit Ridge sa Tagaytay. Kain-kain lang. Meron kasi do'n na parang Time Zone, kain-kain kami."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennica sa launching nila ni Empress Schuck bilang endorsers ng bagong make-up line ng Natasha, ang Sketches, kahapon, October 26, sa Sulo Hotel sa Quezon City.

Kung nagkataon kayang wala si Alwyn sa buhay niya ay posibleng sila ni Carl ang nagkatuluyan?

"Hindi ko po alam...hindi ko po alam," sagot ni Jennica. "Yung samahan namin ngayon ni Carl, e, okay naman. At saka mahal ko yun. Mahal ko siya bilang kaibigan.

"With Mart [Escudero] noon, boyfriend ko siya noong love team ko siya. So, given na malambing siya sa akin. Bibigyan niya ako ng upuan, bibigyan niya ako ng pagkain, aalalayan niya ako.

"Pero yung kay Carl kasi, hindi ko siya boyfriend. Pero ibang klase siyang mag-alaga."

Anong klaseng pag-aalaga ang ginagawa sa kanya ni Carl?

"Halimbawa, biglang umambon, tapos meron siyang bimpo, sa halip na gamitin niya, sa akin pa niya ibibigay. Gentleman, sobra!

"Tapos, upuan... Kapag mainit sa tent, walang aircon, papaypayan pa niya ako. Sobra lang....ang bait niya! Na alam ko, kahit hindi na kami love team, lalabas pa rin kami."

Hindi ba nagseselos si Alwyn kay Carl?

"Hindi... Hindi naman siya nagseselos. Ano ka ba?" natatawang sabi ng 20-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BAD INFLUENCE? Naging isyu noon na "bad influence" daw kay Jennica si Alwyn. Pero ngayon, nakikita namang aktibo at hindi nagpapabaya sa mga trabaho niya ang young actress.

Ani Jennica, "Madalas kong kasama si Alwyn. Siguro kung bad influence siya sa akin, lalabas yun sa mukha ko. E, masayang-masaya naman ako ngayon.

"Ang dami ko pang trabaho. Thankful lang din ako kay Alwyn na kahit papaano, natatanggal niya kasi ang pagod ko.

"Naaawa ako sa kanya kasi nababansagan siya ng mga ganoon—bad influence dahil maraming tattoo. Puwede ba, huwag na lang nating anuhin?

"[Porke] ang daming tattoo, mukhang bad boy, so, ang tingin nila, masama yung tao. Puwede ba, minsan nga, walang tattoo, pero grabe ang ugali!

"Kumbaga, huwag nating gawing basehan yung hitsura ng tao, kung paano manamit. Huwag tayong tumingin sa panlabas ng isang tao. Huwag ganoon, hindi maganda yun," pagtatanggol ng dalaga sa kasintahan.

Ano naman ang reaction ni Alwyn na nababansagan itong bad influence?

"Ang sabi lang po niya sa akin, hayaan ko na raw. Mas okay na raw yung siya ang binabatikos kesa sa ako.

"Ako naman, siyempre naaano rin ako. Hindi naman siya matatawag na ganoon kung hindi dahil sa akin.

"Kaya sabi ko sa kanya, huwag siyang mag-alala. Sabi ko, makikita naman niya sa akin na masaya ako. Lalabas at lalabas din naman yun sa akin.

"Hindi kayang takpan ng makeup ang kasiyahan," saad ng panganay na anak ng aktres na si Jean Garcia.

JEAN'S REACTION. Speaking of Jean, tinanong ng PEP kay Jennica kung kumusta ang pakikitungo ng mommy niya kay Alwyn.

"Noong una, si Mommy, kinabahan siya kay Alwyn," pag-amin ni Jennica. "Sabi nga niya, 'Anak, ang daming tattoo! May tattoo siya! Mabait ba talaga 'yang kaibigan mo?'

"Sabi ko naman, 'Alam mo, Ma, ayoko na lang magsalita.' Sinabi ko talaga 'to sa kanya, sabi ko, 'Ikaw na lang ang bahalang tumingin kung ano ba, kilalanin mo siya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kapag may manliligaw, si Mommy, 'Huwag ka na lang magkuwento, ako na lang. Mapapansin ko 'yan kung deserving 'yang lalaking 'yan. Kung deserved ka ba niya talaga.' Kasi, kahit ano naman ang gawin ko, mapapansin niya kung okay 'yan."

So, happy si Jennica sa lovelife niya ngayon?

"Happy ako, happy! Sobra!" nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN