New singer Zyrene Parsad handpicked by Pacquiao to sing the national anthem in his fight against Margarito

"Shocked po ako, hindi ako talaga makapaniwala!" exclaimed Are You The Next Big Star? finalist Zyrene Parsad when Manny Pacquiao himself told her that she will be singing the Philippine national anthem in the Pacquiao-Margarito bout.


Bukas na, October 29, ang alis ng singer na si Zyrene Parsad papuntang America. Si Zyrene ang kakanta ng Philippine national anthem, ang "Lupang Hinirang," sa laban ni Manny Pacquiao at Antonio Margarito sa November 14.

Napaaga ang alis ni Zyrene dahil, bago tumungo ng Dallas, Texas, kung saan gaganapin ang Pacquiao-Margarito boxing fight, didiretso muna ito sa Los Angeles, California, kung saan naroon naman ang ilang kamag-anak at kaibigan niya.

"Susunod na lang po ang parents ko doon, 'tsaka na kami sabay-sabay pupunta sa Dallas, Texas, a week before the fight," banggit ni Zyrene nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon na ibinigay ng Viva Artists Agency (VAA) kahapon, October 27, sa Jay Jay's Steak House sa Timog Avenue.

Isa si Zyrene sa bagong contract stars na ipinakilala ng VAA sa press. Kasama niya sina Sam Pinto, Jef Gaitan, Meg Imperial, at Jill Yulo.

Si Zyrene ay isa sa finalists ng talent search ng GMA-7 na Are You The Next Big Star? hosted by Regine Velasquez noong 2008. Sina Frencheska Farr at Geoff Taylor, parehong mainstays sa Party Pilipinas, ang nanalo rito.

SINGING THE NATIONAL ANTHEM. Isang malaking karangalan daw para kay Zyrene na siya ang kakanta ng Philippine national anthem at maririnig ang boses niya sa buong mundo.

Mismong si Sarangani Representative Manny Pacquiao ang pumili kay Zyrene upang kumanta ng pambansang awit sa laban nito kay Margarito. Paano siya napili?

"Friend po ng brother ko si Joe Ramos, executive assistant ng Team Pacquiao. Sila ni Mr. Eric Pineda ang nag-imbita sa aking um-attend sa isang celebration sa Sarangani para kay Rep. Manny Pacquiao.

"Sinabihan po nila ako kung puwedeng ako ang kumanta ng Philippine national anthem sa said event. Ninerbiyos po ako dahil sa school lang ako kumakanta nito. Hindi pa ako nakakakanta sa harap ng maraming tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sabi nila, malay ko raw, baka magustuhan ni Representative Pacquiao ang pagkanta ko, ako ang piliing kumanta sa laban niya. Kaya nasabi ko sa kanila na pag-aaralan ko ang pagkanta ng Philippine national anthem. Nag-aral nga ako at maayos ko namang nakanta ito sa event.

"Wala naman po silang sinabi sa akin pagkatapos kong kumanta. Kaya nagulat ako nang ipatawag ako sa office ni Representative Pacquiao sa Batasan Pambansa noong last week of September.

"Nang makaharap ko siya, sabi niya sa akin: 'Nakapag-practice ka na ba? Ikaw ang kakanta ng Philippine national anthem sa laban ko sa November.'

"Shocked po ako, hindi ako talaga makapaniwala!" masayang kuwento ni Zyrene.

Nagpunta ba siya sa National Historical Commission (NHC) para matutunan kung paano ang tamang pagkanta ng ating pambansang awit?

"Opo, nagpunta ako at nakipag-usap kay Mr. Teddy Atienza," sagot naman ng singer. "Sinabi po niya kung paano ang tamang pagkanta nito."

Kuwento pa niya, "Pinakanta lang po ako ng mga three to four lines ng song, hindi na niya ipinatapos sa akin. Basta pag-aralan ko lang daw mabuti at huwag akong magkamali."

Biro tuloy kay Zyrene ng PEP at iba pang entertainment press, huwag niyang ibibirit ang huling lines ng "Lupang Hinirang." Sabi naman niya, mabuti na lang at hindi talaga siya bumibirit.

VIVA ARTIST. Ang choreographer daw na si Geleen Eugenio ang nagpakilala kay Zyrene sa Viva big boss na si Vic del Rosario pagkatapos ng Are You The Next Big Star?.

Feeling ng singer, ito na ang hinihintay niyang break at wish niyang magtuluy-tuloy na ito.

Gusto rin ba niyang mag-artista?

"Sa recording po muna ako," sagot ni Zyrene. "Katatapos ko lang mag-release sa Viva Records ng self-titled debut album ko na may twelve tracks, produced nina Mr. Sunny and Sherbet Ilacad.

"Thankful nga po ako kay Tita Jinkee [Pacquiao, Manny's wife]. Nang malaman niyang may album na ako, susuportahan daw niya ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN