Jill Yulo returns to showbiz after self-imposed hiatus; does not know if Viva will take her to GMA-7 or TV5

"Two months ago, nag-sign na ako sa Viva ng five-year contract. Nakakatawa, nanginginig po ako nang mag-sign ako ng contract. Para kasing ang bilis-bilis, balik-showbiz na ako!" says comebacking young actress Jill Yulo.


"Long time, no see!" ang bati ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Jill Yulo. Naganap ito sa pocket interview na ipinatawag ng Viva Artists Agency sa Jay Jay's Steak House sa Timog Avenue kahapon, October 27.

"Oo nga po, akala ko, nakalimutan na ninyo ako," nakangiting sabi ng comebacking young actress.

Matagal kasing nawala sa sirkulasyon si Jill, na dating talent ni Manny Valera. Ang huli nga raw niyang teleserye ay ang Maria Flordeluna sa ABS-CBNnoong 2007 pa.

Four years na raw mula nang umalis siya sa poder ni Direk Manny. Tinanong siya: Bakit siya umalis sa poder nito? Ito ba ay dahil sa former boyfriend niyang si Alwyn Uytingco, na katulad niya ay mina-manage din ng dating manager niya?

"Sabihin na lang po natin I need a break that time," sagot niya. "Gusto ko lang pong ituloy ang studies ko na ipinangako ko sa parents ko na tatapusin ko.

"Sixteen lang po ako noon. At kung gusto kong ituloy ang pag-aartista, puwede ko namang balikan."

Thirteen years old lang si Jill nang pumasok sa showbiz bilang miyembro ng Batch 11 ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Nagpahinga siya sa showbiz nung 16 siya upang mag-aral. Ngayon ay bumabalik siya sa edad 20.

BACK TO SHOWBIZ. Ngayon nga ay nagbabalik sa showbiz si Jill bilang contract star ng Viva Artists Agency. Kasama niyang ipinakilala sa press kahapon sina Sam Pinto, Jef Gaitan, Meg Imperial, at Zyrene Parsad.

Tapos na ba siya ng kursong Psychology kaya bumalik na siya sa showbiz?

"Actually po, hindi ako bumalik agad sa college to study," sabi ni Jill. "Nagpunta ako ng Hong Kong at kumuha ako ng Culinary Arts sa isang culinary arts school doon. Tumagal lang po ako doon ng six months at bumalik na rin ako dito.

"Gusto ko sanang mag-business noon, gusto kong magtayo ng isang bake shop. Pero hindi ko rin itinuloy. Mas ginusto kong ituloy ang college ko. One year na lang po, tapos ko na ang Psychology course ko sa Wesleyan College sa ParaƱaque."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuwento niyang nang lumaon, pinagsabay niya ang pag-aaaral at trabaho. "Naging flexible na po ang oras ko at puwede na akong magtrabaho while studying. Nag-apply po ako sa Jag [jeans], at natanggap naman ako.

"Kasama po sa work ko, kumuha ng artist na possible maging model ng Jag. Isa sa pinakukuha sa amin, isang artist ng Viva, kaya nagpunta kami doon."

Dito na lumiko-liko ang mga plano niya hanggang umabot itong muli sa showbiz.

"Nakausap ko si Boss Vic [del Rosario, Viva's big boss] at tinanong namin kung puwede naming kunin ang artist niya...na hindi ko na po sasabihin kung sino.

"Pero sabi ni Boss Vic, huwag na raw namin kunin ang artist niya. Ako na lang daw ang kukunin niya para maging Viva artist!

"Yun po, nag-usap na kami at ng parents ko. Two months ago, nag-sign na ako sa Viva ng five-year contract. Nakakatawa, nanginginig po ako nang mag-sign ako ng contract. Para kasing ang bilis-bilis, balik-showbiz na ako!"

Mabuti't pumayag ang parents niya na magbumalik showbiz siya kahit hindi pa tapos ang studies niya?

"Opo, pumayag sila dahil nakita naman nilang gusto ko talagang tapusin ang studies ko tulad ng promise ko sa kanila. At tatapusin ko po talaga 'yon," sabi ni Jill.

May nag-suggest kay Jill na magpapayat siya nang konti dahil medyo nadagdagan ang kanyang timbang.

"Opo," polite naman niyang sagot. "Dati naman akong payat, 100 pounds lang ako. Kaya lang, dahil wala pa akong ginagawa, napakain ako at 115 pounds na ako ngayon. Kaya nagulat ako nang bigla akong sabihan ng handler ko na may presscon nga po ngayon.

"Hindi naman po problema sa akin ang pagpapapayat. Madali kasi akong pumayat, pero madali rin akong tumaba kapag gusto ko."

Hindi pa raw alam ni Jill kung sa GMA-7 o sa TV5 siya mapupunta. Depende raw ito sa career plan sa kanya ng Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JILL'S EX-BOYFRIEND. Samantala, marami ang nag-akala na tuluy-tuloy na ang magandang relasyon nila noon ni Alwyn Uytingco. Sweet na sweet kasi sila noon at minsan ay kasama pa nila ang daddy ni Jill sa events na pinupuntahan nila. Kaya nakakagulat nang mag-break sila.

Kumusta na sila ni Alwyn? May communication pa rin ba sila?

"Sobrang okey na po kami ni Alwyn ngayon. Nagkaayos na rin kami," sabi ni Jill.

Ano ang masasabi niya sa bagong girlfriend ni Alwyn na si Jennica Garcia?

"Friend ko na rin si Jennica. Magkasunod pa nga ang birthday namin. Si Jennica, December 26; ako naman December 28."

Kumusta naman ang lovelife niya ngayon? Napalitan na ba niya si Alwyn?

"Meron po at much better siya!" natatawang sabi ni Jill. "Dapat upgrade at hindi downgrade. He's a Filipino import-export businessman. He's older than me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN