Cristine Reyes's reaction to Pauleen Luna's TV interview: "E, masyado niya akong iniisip. Huwag ganun... Masyado mo 'kong iniisip... Joke!"

On the same day Pauleen Luna agreed to be interviewed on television about why she and Cristine Reyes were at odds, Cristine said on her Twitter account: "Bakit may mga taong hindi maka-move on? Wawa naman sila tsk tsk tsk.. Haay hirap maging mahaba ang hair palaging tinatapakan"

But when asked who was she referring to in her tweet, Cristine answered, "Wala... Ewan ko, nahihilo yata ako nun."


Nag-pictorial na si Cristine Reyes para sa bago niyang brand endorsement na Mags apparels sa studio ni Raymond Isaac sa Makati nung Martes, October 26.

Noong 2004 pa ang Mags, na pag-aari ng Cagayan businesswoman at former TV commercial model na si Mags Cue, pero ngayon lang ito magpu-full blast ng marketing sa Kamaynilaan, at para rito si Cristine ang napiling endorser.

Nagustuhan agad ni Cristine ang mga pinasuot sa kanyang damit na gawa pa at binili sa mga Asian countries tulad ng Hong Kong, Taiwan, Singapore, Malaysia, Indonesia at Vietnam. Bagay raw sa fun at trendy personality niya.

REAL SCORE WITH RAYVER. Pero kahit na dapat ay sa bagong endorsement niya ang focus ng interview, hindi pa rin nakaligtas si Cristine sa mga maiintrigang tanong. Kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga ito.

Tulad na lang nang patuloy na pag-ungkat sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rayver Cruz.

"Okey naman kami. Nagpapansinan naman kami," sagot ng Martha Cecilia's Kristine lead star nang tanungin na nga tungkol sa kanila ni Rayver.

At tulad din ng sagot ng binata sa interview nito sa PEP kamakailan (CLICK HERE to read related story), sabi ni Cristine ay lagi naman daw silang may kasamang iba pang kaibigan kapag lumalabas sila ni Rayver.

"Kasama namang lahat, e. Lahat ng friends namin. Hindi lang kaming dalawa," sabi ng 21-year-old actress.

CLOSENESS WITH CO-STARS. Maganda naman daw ang treatment nila sa isa't-isa, lalo na ngayong kasama na sa cast ng Kristine si Rayver bilang Lance Navarro.

Nagkukulitan na nga raw sila sa set ni Rayver, kasama pa ang leading man niya sa Kristine na si Zanjoe Marudo.

"Si Zanjoe, mas sweet na siya ngayon. Mas caring. Hindi katulad noon na trabaho lang. Kasi ngayon mas close na kami," bida ni Cristine tungkol sa kanyang leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya dahil nandun lang si Rayver kaya ngayon ay tila mas nagpapaka-close si Zanjoe sa kanya?

"Hindi naman. Ganun lang talaga siya ngayon. Kasi mas maganda na ang samahan namin ngayon sa set."

Hindi lang naman daw kay Zanjoe siya naging close nang husto, kasi maging sa kanyang kapatid sa series na si Denise Laurel ay naging close na raw siya.

"Hay, naku. Hindi lang ako nakakita ngayon ng bagong friend, nakakita na rin ako ng bagong kakampi," sabi pa ni Cristine tungkol kay Denise, na gumaganap na Ate Emerald niya sa Kristine.

Maging sa gumaganap na ina nila ni Denise, si Angel Jacob, ay naging close na rin daw siya.

"Dapat nga may girl-bonding kami ngayon," pagtatapat ni Cristine nung araw na yun.

"Magsa-salon kami. Kaya lang, tinanghali ako nang gising and, I'm sure, sila rin mas late nagising kasi mas maaga akong na-pack-up sa kanila."

ISSUE WITH PAULEEN. Ngunit sa kabila ng magandang relasyon niya sa kanyang co-stars at mga bagong kaibigan, halatang nananatiling hindi maganda ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Pauleen Luna, na nakaalitan na niya noon.

Ang latest na usap-usapan ay ang tungkol sa pagtu-tweet ni Cristine sa kanyang Twitter account, na ikinagalit na naman diumano ni Pauleen sa kanya.

"Na naman? Ano ba yan? Bakit naman? Naguguluhan yata ako," unang sambit ni Cristine tungkol sa bagong intriga sa kanila ni Pauleen.

Katulad ng pahayag niyang ito, sa tonong-pabiro rin ang mga sumunod pang sinabi ni Cristine tungkol sa issue nila ni Pauleen.

"Kung masyadong umiikot ang mundo mo sa akin, siyempre ang iisipin mo, lahat ng itu-tweet ko, tungkol sa 'yo. E, masyado niya akong iniisip. Huwag ganun... Masyado mo 'kong iniisip... Joke!" sabay tawa ni Cristine.

Ilan sa mga nai-tweet ni Cristine ay: "Bakit may mga taong hindi maka-move on? Wawa naman sila tsk tsk tsk.. Haay hirap maging mahaba ang hair palaging tinatapakan"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang: "Wawa naman. Haay kung pwede ko lang bigay sa kanya itong mahaba kong hair noon ko pa ginawa. Nahahabag na ako till now she can't let go."

Nilagay niya ang mga ito sa kanyang Twitter account nung October 24, parehong araw ng interview ni Pauleen Luna sa Paparazzi ng TV5. Kabilang kasi sa mga naitanong ng TV host na si Cristy Fermin ay ang dahilan ng alitan nina Pauline at Cristine. (CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin kung para kanino ba ang pagtu-tweet niya nang ganun, dinaan na naman ni Cristine sa biro ang pagsagot.

"Wala... Ewan ko, nahihilo yata ako nun," at tumawa muli ito.

Hindi ba si Pauleen ang sinasabihan niyang hindi maka-move on at hindi maka-let go?

"Hindi, a. Ano ba 'yan, kadiri naman. Lesbianism?" biro muli ng FHM Philippines 2009 Sexiest Woman.

Tawa lang nang tawa si Cristine habang patuloy na inuulirat ng PEP kung may galit pa siya kay Pauleen.

"Wala. Ba't naman ako magagalit sa kanya?" sagot niya.

Tinanong naman ng PEP kung okey lang ba sa kanya kung mabibigyan sila ng pagkakataong magkalinawan nang harapan?

"Para saan? I don't know... Tapos na yun, e... Hindi ko alam, ha-ha-ha!"

May pag-asa bang maging magkaibigan sila sa hinaharap?

"Bakit pa? Marami akong friends, ano ba? Siyempre mas gusto kong ka-hang out ang mga friends ko. Wala akong time sa ibang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN