Bianca Gonzales chooses to stay neutral in rift between her friends Mariel Rodriguez and Toni Gonzaga

Bianca Gonzales says acting is not her cup of tea. It's hosting that she really wants to be good at.


Sa nangyaring away ng mga kaibigan niyang sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez, neutral lang daw si Bianca Gonzales. Alam daw kasi niyang sa tamang panahon, magkakabati rin ang dalawa.

"Ever since before, kapag may nagtatanong sa akin, acquaintance o kahit close friend, lagi kong sinasabi na sigurado ako, pag dumating yung tamang time na magkaharap sila, maaayos din. That's it," ang bungad ng commercial model turned host, na halatang hindi kumportable sa topic na ito.

Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa taping ng SNN noong October 22, sinabi ng dating Pinoy Big Brother housematena ayaw din niya sa nangyayaring panggagatong ng ibang taong hindi naman kasali sa away.

"I'm more of... nasasaktan ako 'pag merong mga tao na nakatingin kay Mariel, or may ibang tao na nakatingin kay Toni, na [parehong] nirerespeto ko. Nasasaktan ako, kasi iba yung sisiraan nila yung isa, just because kakampi nila yung isa.

"Doon ako nasasaktan, na parang... Siyempre, people treat me din na [confidante]," ang pahayag ni Bianca.

Kahit pa pinili ng dati niyang co-hosts sa E-Live na huwag nang magsalita sa media, may mga taong nakapaligid na nagsasabi kay Bianca ng: "Hay, naku, si Mariel ganyan, ganyan...' Or, 'Hay naku, si Toni ganyan, ganyan...'"

Ang sabi pa ng 27-year-old celebrity, "Nasasaktan ako for them. Siyempre, alam ko yung totoong kuwento. Alam ko na pareho silang walang ginawang masakit sa isa't-isa.

"Misunderstanding lang talaga. So, yun...Sana lang, bigyan nga sila ng mga tao ng space and time. Sayang! Sisterhood 'yon, e!"

Ganito rin ang wish ni Boy Abunda, na manager pareho nina Bianca at Mariel. Aniya, "At least, ngayon, quiet. Nasa India yung isa [Mariel]. I really hope, magkaayos."

HOSTING JOB. Samantala, noong una naming na-interview si Bianca, tinanong namin kung nagbabalak siyang sumabak sa pag-arte.

Ang sabi niya noon, masaya siya sa kasalukuyang propesyon at wala sa kanyang mga plano ang maging aktres. Lumalabas na, hanggang ngayon, ito pa rin ang saloobin ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay na okay," ang paglalarawan niya sa estado ng kanyang career. "Right now, it's really just SNN (Showbiz News Ngayon),and then I do something for TFC (The Filipino Channel), for Cinema One, 'tapos, Y-Speak on Studio 23."

Ang "mag-acting" ay wala pa rin sa mga gusto niyang gawin. "Wala pa, e. Yes, wala! Super enjoy ako sa pag-host at saka madami akong natututunan kay Tito Boy, sobra," ang wika pa ng dalaga. Ang tinutukoy niya ay si Boy Abunda na co-host niya sa SNN.

LOVELIFE. Nagawi naman ang pagtatanong sa kanyang lovelife, na inilarawan niyang "wala," habang nakangiti.

Aniya, "Happy lang ako. Single and happy."

Tikom ang kanyang bibig pagdating sa usaping pag-ibig. At mas pabor daw ito sa kanya dahil, kung walang nakakaalam, hindi mapag-uusapan."

Ang maikling komento niya, "Wala, e, kaya silence."

Bukod pa rito, naniniwala siyang "may takdang panahon para do'n," na ang tinutukoy ay pag-ibig. Dugtong ni Bianca, "Hihintayin na lang natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN