Boy Abunda is writing a book on public figures

Will Boy Abunda write his autobiography? "Ayoko!" he says, laughing. "Ayoko, masyadong malungkot... at malaswa!"


Nagtuturo na nga si Boy Abunda, bagama't mayroon pa siyang tinatapos na subjects sa kanyang masteral studies.

"I'm still a thesis away," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Tinatapos ko ang thesis ko ngayon. But I'm already teaching. Second trimester ko na ngayon. Nung first trimester, ang itinuro ko ay Radio and Television Principles and Practices. Ngayon ang itinuturo ko ay Introduction to Radio and Television.

"Isinasabay ko ang pagtuturo pag pumapasok ako para sa aking masteral," wika rin ni Boy, kaya may time siya for both studying and teaching.

"Sa aking masteral, thesis na lang. Hopefully, kung magkakaroon ako ng oras... actually, nag-extend ako ng isang trimester dahil hindi ko natapos lahat, dahil sa dami ng trabaho.

"Pero, hopefully, by November, I should be able to defend my thesis, para bago matapos ang taon, may master's [degree] na ako and then I will work on my doctoral studies."

Ano ang subject ng kanyang masteral thesis?

"May kinalaman sa talents, pero I cannot reveal, e," sabi ni Boy. "May kinalaman sa entertainment industry. Pero ide-defend ko 'yan, sa limang deans! Proseso 'yon. Haharapin ko 'yon!"

Enjoy ba si Kuya Boy sa pagtuturo?

"'Pag papunta ako [sa school], pagod na pagod ako," aniya. "Pero 'pag nandun ako sa harap ng mga estudyante, okay ako.

"Parang sa show, di ba? Lahat, sluggish [sa simula], pero 'pag binibilangan na [ng floor director], projéct na!" natatawang banggit din ni Boy.

"Enjoy ako! Iba ang pakiramdam. Parati kong sinasabi sa mga estudyante ko, na hindi ko alam lahat. 'I don't know everything and I'm here to learn with you.' So, nakikinig ako sa mga estudyante ko, gusto ko yung mga estudyante na nakikipag-debate, na may mga discoveries din sila na hindi ko alam.

"O lalo na pag may ganitong courses [communications arts], ang sarap magturo. Ang dami kong natututunan din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON STARSTRUCK STUDENTS. "Sa umpisa lang 'yon," ani Prof. Boy Abunda "Siyempre, nagpapa-litrato [with me]... sa umpisa lang 'yon.

"Mataas ang expectations ko sa kanila, dahil naghahanda ako," sabi pa ni Boy. "Hindi ako pumupunta sa klase na parang, 'Ah, I will wing it, na parang ano lang [improvised teaching]... hindi!"

Nag-iimbita pa si Boy ng mga taga-radyo at TV, tulad ni Amy Perez, upang maging resource speaker.

"Dinadala ko rin ang mga estudyante sa tapings ko, sa Bottomline, sa SNN... One time they were here until 1:00 a.m. [hanggang] natapos ng SNN at may lecture din ako dito. Ipinapaliwanag ko sa kanila kung ano ang mga gamit dito sa telebisyon.

"Para may aktuwal. And then, may academics. Meron kaming ganun, parang practicum," sabi rin ni Boy.

ON WRITING A BOOK. "Ang dissertation ko will be a book. I mean, sana lang, bigyan ng pagkakataon ng Diyos. If I pursue my doctoral, I'll have to write a book," wika rin ni Boy.

"But I am writing a book now. It's about public figures — 13 Things I Know That You May Want To Know About Public Figures in the Philippines. Structure pa lang ako.

"Ang hirap talaga, kasi you have to find time, e. My contract with ABS-CBN ends in 2011, so I will have more options kung mabibigyan ako ng pagkakataon, kasi may mga bagay na rin akong gustong gawin.

"Ang that's one of the reasons why I didn't take the DOT [Department of Tourism] post," banggit din ni Boy. "I have a contract with ABS, and I want to finish my masteral [degree and pursue] my doctorate. Pero nakaka-excite yung may mga ibang bagay kang magagawa sa labas ng alam mong gawin.

"Nakita n'yo naman dito [at the studios], I love my job, I know my job; I can do this with piring... tama ba, with my eyes closed? I love this with a passion! I can do an interview without missing a beat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you look for other things... like writing a book. Ang hirap! Nag-structure na nga ako. Oo, pangarap. But I will write about public figures. Hopefully," pagtukoy pa ni Boy.

Gusto rin ba niyang sumulat ng tungkol sa mga showbiz personalities?

Boy said: "Kasi, when you write about public figures, you will have to write about politicians and showbiz people. Yung dichotomy. Sino ba sila? Paano ba sila nag-umpisa? Are they invented or are they born?

"Gandang tanong, di ba? Naitadhana ba ang kanilang pagiging celebrity, o ito ba'y nama-manufacture?

"May mga libro that say, 'Celebrities can be manufactured.' May mga libro na nagsasabing, 'Hindi, you have to be born into it!'"

Will he write his autobiography?

"Ayoko!" mabilis na tugon ni Boy, na natatawa, sabay pabirong, "Ayoko, masyadong malungkot... at malaswa!"

"Nandito ang mga estudyante ko kagabi [sa ABS-CBN)," banggit din ni Boy. "Nag-tour sila. It's part of their course."

Sa bagong bokasyon ay may kaukulang pagkilala kay Boy Abunda, na labis din niyang pinapahalagahan at pinagpapasalamatan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN